Isang taon na ang nakakalipas nang makatanggap ng nakakabagabag na tawag si Jess Ann mula sa babysitter ng kaniyang anak na si Lailan. Ayon sa babysitter nito, nahulog daw ang baby at huminto sa paghinga. Ngunit hindi pala ito simpleng aksidente lamang. Nang madala ito sa ospital, napag-alaman na may shaken baby syndrome symptoms pala ito.
Baby Lailan
Matapos ang malagim na tawag kay Jess Ann, dinala agad si Baby Lailan sa ospital. Patuloy itong nagkakaroon ng seizures at hindi na gumagalaw. Nakapaligid sa kaniya ang 20 duktor at inaalam kung ano ang sanhi ng nangyari sa baby.
Hindi maganda ang lagay ng baby boy. Sinabi ng duktor sa nanay nito na may pagdurugo sa utak ng bata. Dahil hindi tumitigil ang seizures nito, nilagay ang baby sa isang induced coma.
Ayon sa mga duktor, dahil sa “aksidente” na nangyari dito, nawalan ng si Lailan ng oxygen na naging sanhi ng stroke. Mayroon din siyang pagdurugo sa likod ng kaniyang mga mata na indikasyon na naalog ito ng grabe. Sa puntong ito, hindi alam ng mga duktor kung magsu-survive ang baby.
Kinalaunan, umamin ang nanay ng best friend ni Jess Ann na inalog niya at itinapon sa ere si Baby Lailan.
Sa awa ng Diyos, nabuhay si Baby Lailan—ngunit nagtamo ito ng brain injury. Parte ng utak nito ay patay na at hindi na mabubuhay muli. Dahil sa stroke na natamo nito, ang kanang bahagi ng katawan niya ay hindi kasing lakas ng kaliwang bahagi. Mayroon din siyang nararamdamang sakit sa ulo, kamay, at paa. Tatlong beses din inoperahan ang kaniyang utak dahil sa pagdurugo.
Araw-araw, kinakailangan ni Lailan na uminom ng gamot para sa kaniyang seizures. Sumasailalim din ito sa therapy dahil delayed ito sa mga milestones ng mga ka-edad niya.
Ngayon, 18 months na ang baby ngunit hindi pa rin siya marunong umupo ng walang suporta.
Paalala ni Jess Ann: “Huwag aalugin ang baby.”
Dagdag pa nito na ang pagka-frustrate sa baby ay maaaring maging mitsa ng pagkasira ng buhay nito o ng kinabukasan nito.
“Walang bata ang dapat maranasan ito. Walang pamilya ang dapat maranasan ito.”
Shaken baby syndrome symptoms
Ang shaken baby syndrome ay ang nangyayari kapag naaalog ang baby ng marahas. Nagiging sanhi ito ng brain injury na pumapatay sa brain cells ng baby at hinahadlangan ang pagdaloy ng sapat na oxygen sa utak ng bata. Maaaring mag-resulta ito sa brain damage o kamatayan.
Narito ang shaken baby syndrome symptoms na dapat bantayan:
- iritable o hindi mapatahan
- antukin
- hindi makahinga ng maayos
- mahina dumede o kumain
- nagsusuka
- namumutla o medyo blue ang kulay
- seizures
- paralysis
- coma
Hindi parating madaling makita ang shaken baby syndrome symptoms, mas lalo na’t hindi ito makikita sa katawan ng baby. Minsan, mayroong pasa ang muha.
Ang mga nasabing shaken baby syndrome symptoms ay maaaring magbigay ng clue sa pinsalang natamo ng baby. Maaari itong magkaroon ng pagdurugo sa utak. pagdurugo sa mata, pinsala sa spinal cord, at fracture sa ribs, bungo, legs o ibang buto.
Karamihan sa mga bata na may shaken baby syndrome symptoms ay nakaranas na dati ng child abuse.
Mayroong mga kaso ng shaken baby syndrome ngunit mild lang ito. Ibig sabihin, maaaring mukhang normal ang bata matapos itong maalog ng marahas ngunit kapag lumaon ay magde-develop ito ng health o behavioral problems.
Tandaan: kung sa tingin niyo ay may shaken baby syndrome symptoms ang inyong anak, huwag mag-atubiling kumonsulta sa duktor.
Source: WebMD
Basahin: Mga karaniwang pagkakamali sa pagkarga ng baby gamit ang carrier
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!