Ang spotting bago mag mens ay nagdudulot ng pag-aalala kapag hindi alam ang nangyayari sa katawan. Kadalasan, ang dahilan sa likod nito ay ang progesterone. Ang spotting ay nagiging sintomas na ang iyong katawan ay hindi nakakapag-produce ng sapat na progesterone. Malaki ang papel nito sa pag-stabilize ng lining ng uterus na maaaring madischarge nang maaga kapag kinulang sa hormones na ito. Sa kabutihang palad, hindi ito isang bagay na dapat ika-bahala, wala itong madudulot na masama. Kung naiirita dahil dito, maaaring uminom ng birth control pills na may progesterone.
Ngunit, may mga panahon na ang spotting bago mag mens ay hindi dahil sa progesterone. Malamang ay hindi parin malaking problema ang nararanasan. Ayon sa mga eksperto, kung may problema sa kalusugan na nagiging sintomas ang spotting, maaapektuhan ang buong cycle.
Alamin natin ang pitong mga rason kung bakit may spotting bago mag mens.
Bagong birth control pills
Malaki ang posibilidad na makarana ng spotting sa buong cycle kapag gumagamit ng bagong birth control pills. Ngunit, maaari rin itong magdulot ng spotting. Ito ang tinatawag na breakthrough bleeding na dulot ng estrogen sa birth control pills. Maaari itong tumagal nang ilang buwan bago kusang mawala. Kung ang nararanasan na breakthrough bleeding ay tumagal pa dito, magpakonsulta na sa iyong duktor. Maaari kang resetahan ng birth control pills na may masmababang dosage ng estrogen.
Pagbubuntis
Ang spotting na maaaring maranasan bago ang mens ay isang sintomas ng pagbubuntis. Sa ganitong pagkakataon, ang nararanasang pagdurugo ay tinatawag na implantation bleeding. Ito ay nangyayari sa pagkapit ng fertilized na egg cell sa iyong uterine lining. Nararanasan ito ng nasa isang-katlo ng mga kababaihan na maaaring tumagal sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Nakakatakot man ito, hindi ito nangangahulugan na may problema sa pagbubuntis.
Hormone imbalance
Tulad ng nagiging epekto ng imbalance sa progesterone, ganito rin ang nadudulot ng imbalance sa estrogen. Ang problema sa thyroid ang maaaring nasa likod nito.
Kung mayroong hypothyroidism, ibig sabihin ay hindi sapat ang napro-produce na hormones ng thyroid mo. Nagiging dahilan ito para hindi magkaroon ng mens.
Kung mayroon namang hyperthyroidism, sobra-sobra ang napro-produce na hormones na nagdudulot ng mas malakas na mens. Pareho itong maaaring magdulot ng spotting bago mag mens. Kung nakakaranas ng problema sa thyroid, may mararanasan din na iba pang sintomas sa katawan. Bukod sa problema sa mens, kasama rin dito ang pagbigat o pag-gaan ng timbang, o fatigue.
Dahil sa sakit
Halos lahat ng sakit o impeksiyon ay maaaring maka-apekto sa mens ng isang tao. Marami ito tulad ng influenza, pneumonia, pelvic inflammatory disease (PID), at iba pa. Maaaring magdulot ang mga ito ng irregular na mens at spotting. Kung ikaw ay may sakit bago mag mens at nakaranas ng spotting, ito ay dahil sa immune system na tumutuon muna sa impeksiyon.
Ngunit, kung ang spotting ay may kasabay na sakit, lagnat, o hindi kanais-nais na amoy sa ari, magpakonsulta na sa duktor. Maaari itong maging sintomas ng sakit na kinakailangan ng kaakibat na paggamot.
Sex
Ang spotting matapos makipag-sex ay walang kinalaman sa period. Ito ang tinatawag na post-coital bleeding, ang spotting na maaaring maranasan dahil sa friction mula sa pakikipag-sex. Kadalasan ay nangyayari ito dahil nadamage ang vaginal lining o kaya walang sapat na lubrication sa pagtatalik.
Hindi kailangang mag-alala o magpakonsulta kung makaranas ng spotting matapos makipag-sex. Ngunit, kung lagi na itong nangyayari, kakailanganin nang magpasuri sa duktor. Maaaring kailanganin ng Pap smear upang masuri kung dulot ito ng precancerous na pagbabago sa cervix.
Fibroids
Ang uterine fibroids ay benign na paglaki sa loob o malapit sa uterus. Kadalasan ay ang nasusuri na may fibroids ay nakakaranas ng abnormal na pagdurugo sa kanilang menstrual cycle. Maaari rin itong magdulot ng malakas na mens na tumatagal ng mahigit isang linggo. Nagdudulot din ito ng iba pang mga sintomas tulad ng pananakit o pressure sa balakang, constipation, madalas na pag-ihi, at iba pa. Kung nararanasan ang mga sintomas na ito, magpatingin sa duktor para masuri sa pamamagitan ng ultrasound at lab tests.
Endometrial o cervical cancer
Ang kakaunting spotting bago mag mens ay hindi dapat alalahanin. Ngunit, ang mga gynecological cancers ay maaari ring magdulot ng iba pang sintomas na mararanasan sa kabuohan ng cycle. Bukod sa abnormal na pagdurugo, kasama rin dito ang pananakit ng balaking at pagiging bloated.
Kung may inaalalang nararamdaman, malaki ang matutulong ng pagpapakonsulta sa duktor. Kapag malaman na walang dapat alalahanin, mapapanatag ang kalooban. Kung mayroon palang masmabigat na salarin, mabuti nang masmaagang madiskubre upang maagapan agad.
Source: Women’sHealth
Basahin: Bleeding o spotting: Ano nga ba ang panganib nito sa nagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!