Ang pagpapalit ng apilyido pagkatapos ikasal ay isa sa mga ginagawa ng mga babae, bagamat hindi ito legally required (maaaring gamitin pa rin ang maiden name sa mga dokumento). Ngunit kung ito ay napag-usapan na ninyo ng iyong asawa at nais mong gawin ito, narito ang mga kailangang gawin para sa SSS change status requirements at sa iba pang government IDs katulad ng passport, Philhealth, at Pag-ibig. Isinama na rin namin ang pagpapalit ng bank records.
Ang pangunahing requirement upang makapagpalit ng status at apilyido sa iyong government IDs ay ang marriage certificate mula sa PSA o Philippine Statistics Authority. Ito ay magiging available mula 6 buwan hanggang 1 taon matapos ang inyong kasal, ngunit maaari mo itong ma-expedite at makuha in one month sa pamamagitan ng electronic endorsement request.
Philhealth
Madali lang magpalit ng apilyido para sa Philhealth ID, kaya maaaring ito ang unahin dahil ang ibang kagawaran ay humihingi ng ID na mayroong married name. Dalhin ang requirements sa pinakamalapit na Philhealth office. Maaari itong matapos ng kalahating araw, ngunit maging maaga.
PAG-IBIG
Maaari itong matapos ng kalahating araw, ngunit maging maaga. Dalhin ang requirements sa pinakamalapit na Pag-Ibig branch.
SSS
Dalhin ang SSS change status requirements sa pinakamalapit na SSS branch. Ipadalala ang bagong SSS ID through mail na maaaring abutin ng 30-60 araw.
Driver’s License
Maaari itong matapos ng isa o kalahating araw depende sa LTO branch—kailangan LTO branch talaga at hindi satellite office (‘yong mga nasa mall). Maging maaga.
- Marriage Certificate (original at photocopy)
- Lumang driver’s license
- Valid government ID
- Printed at filled out Application Form
- Medical certificate mula sa LTO-licensed physician
Passport
Kailangan ang personal appearance sa inyong application. Siguraduhing mayroong confirmed online appointment bago magtungo sa anumang DFA branch. Hindi kailangan ng appointment kung buntis o kung kasamang mag-apply ang iyong baby.
- Lumang passport at photocopy ng data page
- Marriage Certificate (original at photocopy)
- Birth Certificate (original at photocopy)
- Confirmed online appointment. Mag-book dito.
- Application Form
- Additional requirements kung applicable. Narito ang listahan.
Postal ID
Makukuha ito pagkatapos ng 15 araw. Wala silang rush processing.
- Marriage Certificate (original at photocopy)
- Birth Certificate (original at photocopy) or 2 valid ID
- Barangay Clearance or proof of billing/NBI Clearance/Police Clearance
Bank records
Maaari itong matapos ng isa o kalahating araw, depende sa dami ng tao sa inyong branch. (Maaaring humingi pa ng karagdagang requirements ang bangko mo kaya siguraduhing magtanong sa inyong branch na pinagbuksan ng account.)
- Marriage Certificate (original)
- Isang ID na may married name
Basahin: Paano kuhaan ng passport si baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!