Si Brooklyn Larsen, isang dancer at content creator na nakilala sa So You Think You Can Dance Season 11, ay nawalan ng anak noong Nobyembre 2024. Isinilang niyang walang buhay ang kanyang anak na si Rocky, kahit ito ay full-term na. Bago nito, ipinadala sa kaniya ng Happiest Baby ang kanilang high-tech na duyan na tinatawag na SNOO, kapalit ng pagba-brand mention sa kanyang social media content.
Ngunit matapos niyang ipabatid sa kumpanya ang malungkot na balita, na hindi na niya kayang tuparin ang napagkasunduang promosyon, ilang linggo ang lumipas ay nakatanggap pa rin siya ng mensaheng hinihingi ang pagbabalik ng bassinet—isang hakbang na para sa kanyang kapatid na si McKenna Bangerter, ay labis na walang puso.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni McKenna (na may mahigit isang milyong followers) ang kaniyang saloobin:
“Super disappointed in a certain brand during this unimaginable time for my sister. Namely @happiest_baby.”
At dagdag pa niya:
“Matapos magpadala ng email para ipaliwanag na hindi na niya maipapasa ang content—dahil sa pagkamatay ng kaniyang sanggol—hiniling pa rin ng brand na isauli ang bassinet. Ang bassinet na walang laman, at ngayon ay nakatayo pa rin sa tabi ng kanyang kama.”
Inulan ng batikos mula sa publiko at mga celebrity moms
Agad na kumalat ang post ni McKenna at nagdulot ito ng galit sa maraming netizen—lalo na sa mga magulang at kilalang personalidad. Ang paningin ng marami: itinuring si Brooklyn na simpleng brand ambassador, imbes na isang ina na nagluluksa.
Isa sa mga nagpahayag ng pagkadismaya ay si Witney Carson, kapwa niya alumni ng So You Think You Can Dance. Sinabi niya sa comment section ng Happiest Baby:
“Very disappointed in your brand and the way you have handled the situation with Brooklyn. Be better for future mothers.”
Maraming netizens ang humiling ng public apology at mas malasakit na aksyon mula sa kumpanya.
Isang commenter, si @allysuntaylorparker, ay nagtanong:
“You wanted a mother to send back the bassinet she didn’t get to bring her baby home to? How about some flowers, how about a letter, how about anything better than making her send back the product and being upset about a brand deal?! They lost a child! Have a heart.”
Happiest Baby, Maker of SNOO, humingi ng tawad
Tumugon ang Happiest Baby sa matinding batikos na kanilang natanggap, at ipinaliwanag ang kanilang mga naging hakbang matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Rocky. Sa isang pahayag na inilabas sa PEOPLE, sinabi ng isang kinatawan ng kumpanya:
“When we learned of Rocky’s passing in December, we were heartbroken for Brooklyn and her family… We immediately sent flowers and our sincere condolences… We just wanted her to know we were thinking of her.”
Ayon sa kanila, ang naging komunikasyon ay dumaan sa manager ni Brooklyn, at hindi sa kanya mismo, bilang paggalang daw sa kanyang privacy:
“Out of respect for her privacy.”
Ipinaliwanag din nila ang dahilan kung bakit nila inialok ang pagkuha muli ng SNOO. Anila, base ito sa karanasan nila sa ibang pamilya na nawalan ng anak, kung saan ang presensya ng walang-lamang duyan ay maaaring lalong magpaalala ng sakit:
“Many parents… find that the sight of an empty bassinet or crib can become a painful reminder of their grief — and parents want to remove it — so we offered to have her SNOO picked up.”
Binigyang-diin din ng kumpanya na hindi naging bahagi ng kanilang konsiderasyon ang usaping content o brand deal:
“Content had no bearing on this decision and was never mentioned.”
Gayunpaman, inamin nila na nagkulang sila sa sensitivity, at batid nilang may nasaktan sa naging approach nila. Sa kanilang pahayag:
“That was a mistake — every family’s pain is unique. We reached out directly to Brooklyn to apologise for the added hurt we caused.”
Dagdag nila, nagpatupad na sila ng mga hakbang upang hindi na maulit ang ganitong pagkukulang, kabilang ang pagsasanay ng kanilang team sa mas maingat at empatikong pakikitungo sa mga pamilya sa panahon ng pagdadalamhati.
“We are so sorry that Brooklyn’s experience with us did not reflect the care and compassion we strive to show every family.”
Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, iginiit ng Happiest Baby na hindi dapat masukat ang buong organisasyon batay sa pagkakamali ng isa:
“We hope that one person’s misstep does not overshadow the hearts and efforts of an entire team working with love and devotion to protect babies and bring comfort to parents.”
Bukod sa opisyal na statement, naglabas din ng mga sagot ang Happiest Baby sa ilang mga komento sa Instagram, kung saan humingi sila ng tawad at iginiit na hindi nila layuning palalain ang pinagdaraanan ni Brooklyn.
Para sa mga magulang sa Singapore: Lumalawak na ang suporta para sa mga nakaranas ng stillbirth
Ang pagkawala ng isang sanggol sa sinapupunan ay isang trahedyang hindi masukat—at sa kasamaang-palad, mas karaniwan ito kaysa sa inaakala ng marami. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may tinatayang 1.86 kaso ng stillbirth sa bawat 1,000 na panganganak sa Singapore noong 2021. Malalim ang dagok nito sa damdamin ng mga magulang, at sa loob ng maraming taon, kakaunti lamang ang suportang natatanggap ng mga nawalan ng anak sa ganitong paraan.
Ngunit unti-unti na itong nagbabago.
Noong Abril 2024, binago ng Singapore ang legal na depinisyon ng stillbirth. Mula sa dating 22 linggo, kinikilala na ngayong stillbirth ang mga sanggol na isinilang mula 24 weeks pataas. Mas tumutugma ito sa kasalukuyang medikal na kaalaman tungkol sa viability ng fetus at naka-align din ito sa Termination of Pregnancy Act ng bansa. Mahalaga rin ang pagbabagong ito dahil nagbubukas ito ng access sa mga dokumento at serbisyong sumusuporta sa mga magulang, gaya ng stillbirth certificate.
Para sa maraming pamilya, ang pagbabago ay may malalim na emosyonal na kahulugan. Sa pamamagitan ng legal na pagkilala sa buhay at pagkawala ng kanilang anak, nabibigyan sila ng hindi lamang pagpapatunay sa nararamdaman nilang sakit, kundi pati na rin ng konkretong tulong habang sila ay nagdadalamhati.
Bukod pa rito, ang mga magulang sa Singapore na nakaranas ng stillbirth ay may karapatang tumanggap ng parehong leave at benepisyo, gaya ng Government-Paid Maternity Leave (GPML) para sa mga ina at Government-Paid Paternity Benefit (GPPB) para sa mga ama—basta’t natutugunan nila ang mga kinakailangang criteria.
Stillbirth support: Mga programang sumusuporta sa mga magulang na nawalan ng sanggo
-
Bereavement care sa mga ospital: Parehong KK Women’s and Children’s Hospital (KKH) at National University Hospital (NUH) ay may komprehensibong suporta para sa mga nawalan—mula sa counseling, memory keepsakes gaya ng footprints at handprints, hanggang sa mga pribadong espasyo para sa tahimik na pamamaalam.
-
Stillbirth certificate: Simula 2021, maaaring iparehistro ng mga magulang ang stillbirth at makatanggap ng Certificate of Registration of Stillbirth—isang makahulugang pagkilala sa buhay ng kanilang anak.
-
Peer support at counseling: Ang mga organisasyong gaya ng Child Bereavement Support Singapore (CBSS) ay nagbibigay ng libreng support groups, counseling, at healing workshops para sa mga magulang na dumaranas ng pregnancy loss.
-
theAsianparent’s Project Sidekicks: Layunin ng programang ito na bawasan ang kaso ng stillbirth sa rehiyon sa pamamagitan ng awareness sa foetal health, daily kick counts, at emosyonal na suporta sa pamamagitan ng theAsianparent app. May mga tools ito gaya ng Kick Counter at Healing Mode para sa mga magulang na nagluluksa.
-
Community mental health services: Ang mga Family Service Centres (FSCs) sa Singapore ay nagbibigay ng mental health support. Bukas din ang mga helpline tulad ng Samaritans of Singapore (SOS) sa 1767 para sa sinumang nangangailangan ng kausap.
Lahat ng inisyatibong ito ay patunay na seryoso ang Singapore sa pagbibigay ng suporta sa mga magulang sa panahon ng matinding pighati—hindi lamang sa salita, kundi sa aksyon.
Ang pagkawala ay hindi dapat gawing procedural
Ang karanasan ni Brooklyn Larsen ay isang masakit na paalala na maraming sistemang umiiral pa rin ang inuuna ang protocol kaysa sa puso. Sa Singapore at sa iba pang bahagi ng mundo, panahon na para itaguyod ang isang kultura ng tunay na malasakit—kung saan ang mga magulang ay hindi lamang naririnig, kundi pinapakinggan; hindi lamang kinakaawaan, kundi sinasamahan.
Let’s work toward a society where no one is made to feel like their pain is a policy issue—and where healing begins with humanity.
Kung isa ka sa mga nawalan, tandaan mo ito:
Totoo ang iyong sakit. Mahalaga ang buhay ng iyong anak. At may mga handang tumulong.
Isinalin sa wikang Filipino na may permiso mula sa theAsianparent Singapore