5 reasons kung bakit mas stressed ang inyong anak ngayong 2020s

Alamin din kung papaano matutulungan ang inyong mga anak sa kanilang pagka-stress.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala, mga mommies at daddies! Ayon sa mga eksperto, mas feeling stressed daw ang inyong mga anak ngayong 2020s dahil sa iba’t ibang rason. Alamin dito kung ano-ano ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan kung bakit stressed ang inyong anak ngayong 2020s
  • Tips to help yout little ones learn during COVID-19 pandemic

Dahilan kung bakit stressed ang inyong anak ngayong 2020s

Ginulat ang buong mundo ng pagdating ng pandemic dahil sa COVID-19 noong taong 2020. Maraming buhay ang nagbago dahil sa halos lockdown ang kalakhan ng lugar sa buong mundo.

Ilang tao rin ang nagbago ang lifestyle dahil nga halos naging online na lahat. Dahil dito, malaking bilang din ng populasyon ang nakaranas ng labis na stress dahil sa nangyari.  Para sa mga eksperto, hindi lang daw adults ang naapektuhan nito, maging ang mga bata rin.

COVID-19 stress

Hindi ligtas ang mga bata sa pagkaranas ng lockdown noong 2020. Nalimitahan ang kanilang outdoor activities dahil sa nangyaring pandemic. Maging ang kanilang pagpunta sa school everyday ay nahinto dahil sa ipinatupad na online class.

Dahil dito, nagbunga ito na maging stressed ang inyong mga anak ngayong 2020s. Narito ang ilang reasons ng kanilang pagka-stress:

1. Atmosphere sa loob ng bahay

Na-experience raw kasi ng mga bata ang lockdown kaiba sa mga adult. Lalo pa raw itong lumalala kung sakaling iba ang atmosphere ng kanilang tahanan at hindi nila gusto ang laging nasa bahay all the time.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga pamilya daw kasing nagiging toxic lalo kung araw-araw na magkakasama. Maaaring nagsisigawan o may mga binabatong hindi magagandang salita sa isa’t isa. Naririnig nila ito at madalas maapektuhan sa mga ganitong pagkakataon.

Nagdudulot ng stress ito lalo kung trap na sila sa bahay at wala man lang makakapag-distract sa kanila tulad ng school, play time, o sports activities man lang.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Feelings of isolation

May mga batang kinakailangan ng social life upang maiwasan ang stress. Mas gusto nila ang laging may kalarong ibang bata o nakakasalmuhang ibang tao. Sa pagkakaroon ng lockdown, may mga bata na nakararamdam ng isolation. Maaaring wala silang kapatid, kalaro, o kahit sinong kasama na maaaring makapagbigay ng atensyon sa kanila.

Dahil sa limitasyon ng paglabas at pag-explore ng ibang bata, nakapagdudulot ito ng labis na stress sa kanila.

3. Socio-economic status.

Nagkaroon din ng malaking pagbulusok sa bilang ng mga nawalan ng trabaho noong taong 2020. Kadalasan sa mga ito ay mga nasa physical services kung saan nabawasan dahil nga sa lockdown. May mga ilang natanggal sa trabaho dahilan para mahirapan din sa paghahanap ng pang-araw-araw ng pangangailangan.

Sa ganitong pagkakataon, naaapektuhan ang physical health ng bata dahil sa hindi nasusuplayan ng tamang nutrisyon ang kanilang katawan.

4. Mga mabibigat na balita

Taong 2020 rin nagkaroon ng kaliwa’t kanang negatibong balita. Naririyan nga ang pagkawala ng trabaho, pagtaas ng bilang ng mga nagakakaroon ng virus, at pagtagal pa ng lockdown.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Sakit at kamatayan

Malaking factor din na makakapagbigay ng stress sa bata ang pagkakaroon ng miyembro ng pamilya na namatay o nagkasakit dahil sa COVID-19. Of course, kung sa adult nga ay mahirap na ito mas lalo sa mga bata. Nasasaksihan kasi nila kung gaano ka-stressful ang bahay sa pagkawala o pagkakasakit ng isang family kaya maging sila ay nadadamay.

Mas malala ito kung mismong parents nila ang nakaranas. Maaaring magdulot pa ito ng trauma dahil sa loss.

Tips to help your little ones learn during pandemic

Hindi dapat humihinto ang pagkatuto ng bata. Mahalagang phase ng childhood nila ang makakuha sila ng maraming information. Dahilan kasi ito upang ma-improve nila ang maraming areas of development ng kanilang physical, mental, at emotional health. Number one na dapat nagtataguyod nito ay parents.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

During these hard times, narito ang ilang ways at tips na maaari mong gawin upang tuloy-tuloy ang learning ng kids during the COVID-19 pandemic:

1. Magkaroon ng routine sa pag-aaral.

Kung mayroong routine, masasanay ang bata na ginagawa ang partikular na bagay araw-araw. Halimbawa ay every afternoon ay mayroong kayong session na 2 hours of reading, magiging habit na niya ito kalaunan.

2. Bawasan ang online activities.

Huwag hayaang magbabad sila nang ilang oras sa online. Madali kasing madidistract ang bata sa mga games and apps ng gadgets dahilan upang hindi sila magkaroon ng interes sa pag-aaral.

3. Be open with conversations.

Ask them and let them ask you. Huwag pigilan ang mga bata na magtanong nang magtanong. Dapat din ay sinasagot ito sa tamang paraan upang natatandaan nila ang mga bagay-bagay. Parating iparamdam sa kanila sa comfortable ang parents na pagtanungan nila sa isang certain thing.

4. Take time.

Huwag kaagad biglain ang bata na matuto. Mahalagang alamin kung kailan sila handa na matuto.

5. Support them.

Children will learn easily if their parents support them. Less stress din kasi sa kanila ito kaya mas madaling matuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Ange Villanueva