Hindi makakaila na malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, at ibang-ibang industriya. Subalit malaki rin ang naging epekto ng lockdown o quarantine sa mental health ng mga bata.
- Mga epekto ng lockdown sa mental ng isang bata
- Paraan upang matulungan ang iyong mga bata
Alamin kung ano ang mga naging epekto at pinagdadaanan ng mga bata sa panahon ng COVID-19.
Larawan mula sa IStock
Ang sapilitang pagpapanatili sa loob ng bahay upang hindi mahawahan ng COVID-19 ay nagdulot ng maraming pagbabago sa routine ng mga bata. Hindi na sila nakakapasok sa paaralan o nakakapaglaro kasama ang mga kaklase at mga kaibigan.
Ayon sa ilang mga pag-aaral na ginawa sinabi na napakahalaga ng paglalaro para sa isang bata. Sa pamamagitan nito natutulungan ang mga bata na ma-develop ang kaniyang komunikasyon, pakikisalamuha sa ibang tao, pagiging confident at iba pa. Hindi lamang basta laro ito kundi marami ang nagi-gain ng isang bata sa paglalaro.
Subalit dahil nga sa lockdown at quarantine hindi na nakakalabas ang mga bata. Kaya naman naapektuhan din ang kanilang development.
Epekto ng COVID-19 Quarantine sa mga mental health ng bata
Bukod sa pisikal na kaluhugan nagdulot din ng mental health crisis ang COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi na ligtas dito pati ang mga bata. Tandaan na kahit bata ay maaaring magkaroon ng problema o sakit sa mental health. Hindi lamang ito sakit o dumadapo sa mga matatanda.
Napilitan ang marami sa mga bata na manatili na lamang sa loob ng mga bahay nila, o force isolation. Kaya naman naapektuhan ang emotional health nila. Malaki ang umano ang epekto nito sa mga batang may edad na 4 na taong gulang hanggang 6 na taong gulang. Sa isang pag-aaral nalaman ang mga nararamdaman ng mga bata sa panahon ng pandemic.
- Nangangamba
- Naglulungkot
- Anxiety
- Takot
Larawan mula sa IStock
May 70% sa mga bata ang may ganitong pakiramdam ayon sa mga researcher ngayong panahon ng pandemic. Ayon pa sa World Health Organization,
“If schools have closed as part of necessary measures, then children may no longer have that sense of structure and stimulation that is provided by that environment, and now they have less opportunity to be with their friends and get that social support that is essential for good mental well-being.”
Dagdag pa rito dahil palaging nasa bahay ang mga bata, nakikita na halimbawa ang domestic violence sa kanilang tahanan kung mayroon man at lubos na maapektuhan ang kanilang mental health. Katulad nga nang sinasabi kanina malaki ang impact o epekto sa mga bata kapag lockdown dahil ang mga nakasanayan niyang gawin ay hindi na niya nagagawa.
BASAHIN:
Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19
5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media
Epekto ng polusyon sa mental health ng bata
Isa pa sa mga nararamdaman ng mga bata ay ang takot na magkaroon ng sakit o mahawa sila ng sakit. Binibigyan sila nito ng stress at anxiety. Ang iba pang halimbawa ay ang stress na dulot ng online schooling. Nahihirapan ang mga bata na sa set-up ng online schooling dahil hindi nila nakakasama ang kanilang mga kaibigan.
Hindi lamang iyan malaki rin ang magiging epekto nito sa kanilang development o behaviour. Sapagkat nasa loob lang ng bahay at hindi nakakalabas mas dumadami ang oras nila sa paggamit ng mga gadgets o panunuod sa telebisyon. Maaaring mag-develop sila ng addiction sa mga bagay na ito.
Mayroon long-term o pangmatagalang epekto sa mental health ng mga bata sa panahon ng pandemic. Kaya naman bilang mga magulang kinakailangan na magabayan ng tama ang inyong mga anak.
Ano ang pwedeng gawin ng mga magulang?
Bilang magulang alam nating nahihirapan din kayo sa sitwasyon sa panahon lockdown dahil sa COVID-19. Subalit huwag dapat panghinaan ng loob dahil kailangan maging matatag para sa inyong mga anak. Kailangan na iparamdam sa anak na kahit ganito ang sitwasyon ay hindi panghabambuhay ito. Narito ang ilang mga tips para sa mga magulang upang maibsan ang anxiety, lungkot, at stress ng inyong mga anak.
1. Maging aktibo sa loob ng bahay.
Kahit na limitido ang mga pwedeng maging aktibidad sa loob ng bahay gawin pa rin aktibo ang iyong anak. Maglaro halimbawa ng tagu-taguan o magkaroon kayo ng craft making sa bahay upang ma-divert ang kaniyang depresyon at lungkot sa ibang bagay. Pwede rin ang mga games katulad ng pinoy henyo at langit lupa. Ang mahalaga maglaan ng oras para makipaglaro sa iyong anak.
2. Kausapin ang iyong anak.
Larawaan mula sa IStock
Tanungin ang iyong anak kung ano ba ang kaniyang nararamdaman. Ipaliwanag at ipanaunawa ang kaniyang nararamdaman. Sabihin na hindi lamang siya ang nakakaranas nito at ayos lamang maging malungkot at maging matakot subalit huwag dapat siyang mawalan ng pag-asa dahil babalik din lahat sa dati.
3. Humingi ng professional help.
Hindi masama ang humingi ng professional help para sa inyong mga anak lalo na kapag nakikita niyo na iba na ang kaniyang nararanasang stress at lungkot. Mas mabuti na humingi ng tulong sa mga eksperto patungkol sa nararanasan ng iyong anak.
Sabi nga ni Dhanika Garcia, secretary general ng mentalhealth “‘Wag kang mahiyang lumapit sa mental health professionals. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong.”
Para sa mga nangangailangan ng councelling narito ang mga hotline na maaari niyong tawagan:
National Center for Mental Health Crisis
0917-899-8727
(02) 989-8727
1553
Source:
nbcnews, WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!