Stressed habang buntis? Ito ang maaaring maging epekto nito kay baby

Mababasa rin dito ang ilang puwedeng gawin ng mga mommies para makaiwas sa stress.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang kailangang iwasan kung buntis ang isang babae kabilang na diyan ang stressed habang sila ay pregnant. Dahil ayon sa experts, ito raw ang maaaring maging epekto nito sa magiging baby.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto sa baby kapag stressed si mommy habang buntis
  • Mga bagay na pwedeng gawin upang makaiwas sa stress kung buntis

Epekto sa baby kapag stressed si mommy habang buntis

Alam ng lahat na maselan ang pagbubuntis. Marami ang kailangang tandaan magmula sa dapat kainin, hindi dapat gawin, mga dapat gawin, at mga dapat iwasan.

Isa sa parating pinapaalalang bagay na dapat iwasan ng mga mommies sa tuwing sila ay nagdadalang-tao ay stress. Malaki kasi ang maaaring maging epekto nito sa magiging baby.

Sa pag-aaral na ng ginawa ng Children's National Hospital na nai-publish sa JAMA Network Open, mula sa 97 na mga kababaihang nagdadalang-tao ay nakita nilang may impluwensya ang stress sa parent and child interaction maging sa self-regulation ng mga baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinubukan nilang i-quantify ang stress, depression at anxiety sa pagbubuntis sa pamamagitan ng questionnaires. Sinukat naman ang fetal brain volumes at cortical folding ng mga nanay sa pamamagitan ng three-dimensional na reconstructed image na kinuha sa pamamagitan ng MRI scans.

Samantalang ang fetal brain creatine at choline naman ay sinukat gamit ang proton magnetic resonance spectroscopy. Ang huli naman ay ang pagsukat sa neurodevelopment ng batang nasa edad na 18 buwan, sinukat nila ito gamit ang ilang scales at assessments.

Sa research na ito, nakita na mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng fetal brain development at maging sa pangmatagalang cognitive development ng mga baby.

Ito ay nangyayari sa tuwing mai-expose ang bunti sa mataas na levels ng toxic stress.

Natagpuan nilang may pagbabago sa sulcal depth at left hippocampal volume ng baby habang nasa sinapupunan ng ina. Nagbubunga ito ng iba't ibang issue sa neurodevelopment ng bata pagkapanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita rin daw ang ilan sa epekto nito kahit pa tumanda na sila at mag-edad na toddler na. Ang mga batang ito ay nakararanas ng mga problemang sosyo-emusyunal. Na maaaring magbigay hirap sa kanila na makabuo ng magandang relasyon sa iba, kahit pa sa sariling nanay nila.

Ayon sa senior author ng pag-aaral at chief  ng Developing Brain Institute at Children's National na si Catherine Limperopoulos, Ph. D., ang mabigat na stress sa mga ina ay posibleng magkaroon ng risk sa mga baby sa developmental issues.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"By identifying the pregnant women with elevated levels of psychological distress, clinicians could recognize those babies who are at risk for later neurodevelopmental impairment and might benefit from early, targeted interventions."

Masipag daw na tinatarabaho ng mga researchers ang pag-aaral na ito dahil nais nilang makita ito sa mas malaking pagtingin upang matulungan na rin ang mga inang makaiwas sa ganitong epekto.

"We're looking at shifting the health care paradigm and adopting these changes more broadly to better support moms. What's clear is early interventions could help moms reduce their stress, which can positively impact their symptoms and thereby their baby long after birth."

BASAHIN:

Stressed? 6 na paraan para mabawasan ito, ayon sa mga experts

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung stressed si Mommy dahil kay baby, si Daddy lang ang kailangan niya—wala ng iba

Elisse Joson hindi mapigilang mai-stress: "2There's a lot more pressure when you're a mom."

Mga bagay na pwedeng gawin upang makaiwas sa stress kung buntis

Dapat maiwasan ang ilang epekto sa brain development ni baby dahil sa stress.

Narito ang ilang bagay na maaaring gawin upang maiwasan ito at magkaroon kayo both ng anak mo ng healthy brain and body:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Gawin priority ang pahinga - Maraming pinagdadaanan ang iyong katawan sa panahon ng pagbubuntis, kaya nga dapat ay laging isiping magpahinga. Siguraduhing hindi gumagawa ng mabibigat na kahit ano mang gawain at matulog nang 7 hanggang 9 na oras sa isang araw.
  2. Kumain ng healthy at tama - Dahil nga sa pagbubuntis hindi na lamang isa ang iisiping kumakain, kailangan mas healthy na ang inilalagay sa katawan. Ang nutrients kasing ito ay hindi lamang sa mind and body mo helpful maging sa development din ni baby.
  3. Mag-ehersisyo o kumilos nang regular - Maganda na sa overall health maganda pa para sa baby ang pag-eehersisyo. Nagbibigay kasi ito ng chemical sa body kung tawagin ay endorphins. Ang chemical na ito ang nagpapaunlad sa mood at nakakatulong sa mood and anxiety ng isang tao.
  4. Pag-aralan ang pagpopokus sa paghinga - Ang deep breath ay nagbibigay ng extra na oxygen sa katawan kaya nakatututlong ito sa brain and body ng tao na mas maging relaxed.
  5. Matutong magsabi ng mga nararamdaman - Magiging madamdamin halos ang pagbubuntis dahil madalas nagiging sensitive ang mommies. Sa mga ganitong pagkakataon mainam na magsabi ng iyong mga nararamdaman upang gumaan ang dinadala.

Sinulat ni

Ange Villanueva