Noong unang mga araw ng COVID-19 outbreak, naitala na majority ng mga nag positive sa nasabing virus ay mga nasa edad 60 pataas. Ngunit sa paglipas ng mga araw, naging mas komplikado ito at naging malawak pa. Naipabalita na ang mga bata at sanggol na nagpositibo sa nasabing virus. Kasama na ang mga may current medical condition sa respiratory system. Kamakailan lang,nadiskubre ng mga doctor na ang stroke sa mga young adult ay dahil sa COVID-19.
COVID-19 nagiging dahilan ng stroke sa mga nasa edad 30 hanggang 40
Sa tulong ng mga matatapang na doctor, nurses at mga nasa medical field, mas lalo na nating nakikilala ang virus na ito. Nalalaman na kung gaano ito kadelikado, kung gaano kabilis mapasa at ang mga sintomas ng coronavirus.
COVID-19 nagiging dahilan ng stroke sa young adults | Image from Unsplash
Isa pang nadiskubre ng mga doctor na ang biglaang pagkakaroon ng stroke sa mga young adults ay dahil sa COVID-19. Ang mga tinatamaan ng sudden stroke na ito ay ang mga nasa edad 30 hanggang 40. Sila din ay napagalamang walang matinding sakit. Ang sudden stroke ay dahil sa maaaring impeksyon na gawa ng COVID-19 na dahilan para magkaroon ng blood clot.
May mga kasong nagpapatunay dito.
Ilan na lamang dito ay ang limang pasyenteng hinawakan ni Dr. Thomas Oxley, isang neurosurgeon sa Mount Sinai Health System, New York. Ayon sa kanya at iba pa niyang mga kasama, ang limang pasyenteng kanilang hinawakan ay wala pa sa edad 50 pataas. Hindi sila nakitaan ng matinding komplikasyon o sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Oxley, ang impeksyong hatid ng COVID-19 ay dahilan ng pagtaas ng clotting sa large arteries kaya nagkakaroon ng stroke ang isang pasyente. Dagdag pa nito na ang mga psyenteng na stroke ay walang past medical history at nasa bahay lang pero nakakaranas ng mga mild symptoms ng nasabing virus.
COVID-19 nagiging dahilan ng stroke sa young adults | Image from Unsplash
Ang mga pasyenteng ito ay nag positibo sa test sa COVID-19 at ang dalawa ay hindi agad tumawag ng ambulansya.
“The virus seems to be causing increased clotting in the large arteries, leading to severe stroke. Our report shows a seven-fold increase in incidence of sudden stroke in young patients during the past two weeks. Most of these patients have no past medical history and were at home with either mild symptoms (or in two cases, no symptoms) of Covid,”
Ang pagkakaroon ng stroke sa large vessel ay isang seryoso at delikadong kondisyon. Kung hindi ito maaagapan at magagamot agad, ito ay maaaring magdulo ng matinding komplikasyon. Namamatay ang mga brain cells kapag tumigil bigla ang pagdaloy ng dugo sa isang tao. Kung ito ay hindi agad malulunasan, maaaring magkaroon ng seryosong problema ang taong na-stroke. Hindi karaniwan sa mga young adults na magkaroon ng stoke lalo na sa large vessel ng utak.
Dagdag pa nila na dahil sa stroke, may isang pasyente na ang namatay. Samantalang kasalukuyang pa ring ginagamot ang iba sa intensive care unit. Isa lang ang nabalitang umuwi pero kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga.
“The average person who has a large vessel stroke is severely impaired, It means it a bigger clot. It includes one of the largest arteries in the brain.”
Hindi naman nakalimutang magbigay ng paalala si Dr. Oxley sa mga taong nakakaranas nito. Kung ikaw ay nakakaranas ng sintomas ng COVID-19, mabuting gumawa agad ng aksyon para rito. At tumawag naman agad sa emergency hotline kung may sintomas ng stoke.
COVID-19 nagiging dahilan ng stroke sa young adults | Image from Unsplash
Ano ang stroke sa COVID-19?
Sa ngayon, tinitignan na sintomas ng COVID-19 ang stroke.
Hindi biro ang stroke dahil mabilis itong umatake. Isang paraan para maibsan ang pagiging seryoso at malala nito ay ang mabilis na paggamot at paghingi ng medical support. Narito ang mga sintomas ng stroke na kailangan mong bigyang pansin.
Sintomas ng stroke
- Biglaang hirap sa pagsasalita o makaintindi ng salita
- Biglaang hirap makakita gamit ang dalawang mata
- Pamamanhid o panghihina ng legs, mukha, braso.
- Matinding sakit ng ulo
- Hirap sa paglalakad
- Pagkawala ng balanse sa sarili
Kung sakaling nakakaranas ng mga ito, mabuting bigyan agad ito ng aksyon o magpatulong sa kamag-anak para magpadala sa ospital.
F.A.S.T.
Makakatulong ang FAST para malaman kung may sintomas na ba ito ng stroke.
F—Face: Pangitiin ang pasyente. Kung napansin mo na hirap o tila hindi gumalaw ang kabilang bahagi, isa itong senyales.
A—Arms: Ipataas ang dalawang kamay ng pasyente. Kung napansin mong hirap ang kabilang bahagi, isa itong senyales.
S—Speech: Pagsalitain ang pasyente. Kung napansin mong hirap ito sa pagsasalita, isa itong senyales.
T—Time: Kung nakita mo ang mga senyales na ito, tumawag agad sa emergency hotline.
Source: CNN Philippines
BASAHIN: Baby na may pneumonia tinanggihan ng mga ospital sa Laguna
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!