Alamin ang mga senyales ng Sudden Death Syndrome

Narinig niyo na ba ang sudden death syndrome? Alamin kung ano mga senyales nito. Mabuting malaman kung ano ito upang maagapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narinig niyo na ba ang sudden death syndrome? Alamin kung ano ito at baka may mga senyales ka na nagpapakita na ikaw ay mayroon nito o hahantong sa ganito. Mabuting malaman upang maagapan.

Ang Thailand actor na si Alien Huang ay namatay sa edad na 36 years old at ikinagulat ito ng marami dahil napakabata niya pa. Ayon sa mga ulat natagpuan ang kanyang katawan ng kaniyang Tatay umaga nang September 16. Base sa autopsy na isinagawa, siya’y namatay dahil sa cardiovascular complications due to an aortic dissection. Dahil umano rito naharangan o nagkaroon ng blockage ang blood vessels.

Ganito rin halos ang dahilan ng pagkamatay ng Godfrey Gao isang actor. Namatay siya habang nagpi-film ng isang sports-bases reality show sa China. Nang sumigaw ito ng, “I can’t go on” bago siya mag-collapse.

Ano ang ‘sudden death syndrome’?

Ang sudden death syndrome o SDS ay isang termino mula sa serye ng mga cardiac syndrome na dahilan ng biglaang cardiac arrest at pagkamatay.

Kadalsang resulta ito ng mga structural na problema sa puso. Ang iba namang dahilan ay dahil sa iregularidad ng mga electrical channel sa puso. Lahat ng ito ay maaaring humantong sa isang hindi inaasahang cardiac arrest o atake sa puso. Kahit na sabihin pang malusog ang pangangatawan ng isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

Maraming mga may SDS ay hindi alam na mayroon sila nito. Malalaman lang na ito pala ang kanilang kundisyon dahil ito ang sanhi ng kanilang pagkamatay. Ang ibang ulat kasi ang ilan sa mga nagkaroon nito ay wala namang structural abnormalites.

Karaniwan ito sa mga middle-aged adults. Subalit pwede rin itong maranasan ng mga baby o sanggol. Ang tawag naman rito ay sudden infant death syndrome (SIDS).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sino ang at risk sa kundisyon na ito?

Kadalasan talaga’y wala umanong makikitang senyales kung mayroon kang SDS dahil hindi naman visible ang mga senyales at sintomas nito. Subalit maaaring malaman kung sino ang mataas ang tiyansang magkaroon nito.

Natuklasan ng mga eksperto na may specific genes na maaaring maglagay sa tao sa mataas na risk ng pagkakaroon ng SDS. Kung may kamag-anak kang namatay dahil sa ganitong dahilan mataaas ang tiyansang magkaroon ka rin nito. Subalit hindi lahat ng may SDS ay mayroong ganitong genes. Nasa 15% hanggang 30% lamang ang kumpirmadong kaso nito. Narito ang ilan mga rason kung bakit nagkakaroon ng SDS

  • Mataas ang tiyansang magkaroon nito kapag lagi kulang sa tulog ang isang tao.
  • Ganun din ang hindi pagpapahinga at trabaho lang ng trabaho.
  • Sobrang stress at walang pahinga

Posibleng senyales ng SDS

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Business photo created by yanalya – www.freepik.com

  • Paninikip ng dibdib, ang pakiramdam kung saan parang may nakadagang bato sa iyong dibdib.
  • Moderate hanggang sever na heart palpitations.
  • Mabagal na tibok ng puso. Karamihan sa mga atleta ay may resting heart rate na mas mababa sa normal na 60 hanggang 100 beats kada minute. Subalit kapag ito’y bumaba sa 50 o kung nararamdam niyong ang inyong tibok ng puso ay irregular, agad na kumonsulta sa iyong doktor.
  • Hindi maipaliwanag na fatigue o pagod.
  • Saglit na pagkawala ng paningin at pamamanhid sa kamay at paa
  • Pagkawala ng kamalayan o pagkahimatay.
  • Hirap sa paghinga
  • Pagkahilo

Paraan upang makaiwas sa SDS

  • Iwasan ang mga medication na maaaring makapag-trigger ng mga sintomas nito. Katulad ng antidepressants at sodium-blocking drugs
  • Agad na gamutin ang lagnat kung magkakaroon ka.
  • Mag-ehersiyo na nararampat sa iyong pangangatawan.
  • Kumain ng mga pagkaing mabuti para sa inyong puso. Katulad nang pagkain ng balanseng diet.
  • Magkaroon ng annual check-up sa inyong doctor. Mas magandang masuri ang lahat sa inyong kalusugan mula sa puso, hanggang sa ibang bahagi ng katawan.

Kaya naman mag-ingat palagi lalo na sa mga mommy at daddy na may inaalagaan pang baby. Maging healthy living at siguruhing nagpapa-annual check up kayo sa inyong mga doktor. Para kung may natuklasan na problema sa inyong kalusugan ay agad itong mabibigyan ng lunas.

Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas at senyales ng SDS agad na mapagtingin sa inyong doktor upang maagap ang kundisyon na ito. Ito pa rin talaga ang mabisang paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCE:

asiaone, healthline

BASAHIN:

9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote