TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Nanay, itinago ang bangkay ng kaniyang sanggol sa aparador

4 min read
Nanay, itinago ang bangkay ng kaniyang sanggol sa aparador

Narito ang mga paraan kung paano maiiwasang mangyari sa iyong sanggol ang Suddent Infant Death Syndrome o SIDS.

Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ang sinasabing dahilan ng biglang pagkamatay ng isang sanggol sa Thailand. Ayon sa kaniyang ina ay bigla nalang daw itong tumigil sa paghinga.

Sudden Infant Death Syndrome

Image from AsiaOne

Kaso ng Sudden Infant Death Syndrome o SIDS

Isang 22-anyos na ina sa Thailand na kinilalang si Issaraporn “Oil” Foyleung ang nag-report sa pulis ng biglang pagkawala ng kaniyang 18-day-old baby boy. Kwento ng ina nag-CR lang daw siya at ng pagbalik niya ay wala na ang sanggol sa kinalalagyan nito.

Pinagsuspetsahan naman ng mga pulis ang pahayag na ito ni Issaraporn dahil hindi ito tumutugma sa mga nakalap nilang ebidensya. Lalo na ang sinasabi nitong lagi siyang nasa tabi ng kaniyang anak.

Apat na araw matapos mai-report ni Issaraporn ang pagkawala ng anak ay natuklasan ng kaniyang ama ang bangkay ng apong sanggol na nakatago sa isang aparador sa kanilang bahay. Dahil ito sa mabahong amoy dulot ng nabubulok ng katawan ng sanggol.

Dito na nagbago ang pahayag ni Issaraporn at inaming itinago niya sa aparador ang bangkay ng anak. Dahil bigla nalang daw itong tumigil sa paghinga at hindi niya alam ang gagawin.

Sa ngayon ay patuloy na gumugulong ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente.

Ano ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS?

Ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay ang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang sanggol. Ito ay madalas na nangyayari sa pagtulog ng sanggol na wala pang isang taong gulang.

Tinatawag din ang SIDS na crib death dahil sa crib madalas na binabawian ng buhay ang mga sanggol na nakakaranas nito.

Mga posibleng dahilan ng SIDS

Hindi pa tukoy kung ano talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang Sudden Infant Death Syndrome. Ngunit, ayon sa mga pag-aaral maaring dahil ito sa defects na portion ng utak ng isang sanggol na nagkokontrol sa kaniyang breathing at arousal sa tuwing natutulog.

Isa pang tinitingnang dahilan ay ang low birth weight o pagiging premature ng isang sanggol. Dahil sa mga nasabing kondisyong ay hindi ganap na naaabot ng utak ng sanggol ang maturity na kailangan nito. Kaya naman walang kontrol ang kaniyang katawan sa automatic processes nito tulad ng breathing at heart rate.

Ang pagkakaroon ng respiratory infection ay isa ring tinitingnang dahilan. Lalo pa’t karamihan ng mga sanggol na nakaranas ng SIDS ay nagkaroon ng sipon na maaring nagdulot sa kanilang hirap sa paghinga. Iniuugnay din dito ang pagkakalanghap ng second-hand smoke ng sanggol mula sa isang malapit sa kaniyang naninigarilyo.

Isa pang itinuturong dahilan ng SIDS ay ang sleeping environment ng sanggol na kabilang ang sumusunod:

  • Posisyon sa pagkakahiga. Ang mga baby na natutulog na nakadapa o nakatagilid ay mas nahihirapan umanong huminga kumpara sa mga nakatihaya.
  • Pagtulog sa malambot na higaan. Ang pagtulog sa sobrang lambot na comforter o kama ay maaring makaapekto sa paghinga ng bata. Dahil maaring maging sagabal ito sa kaniyang airway.
  • Co-sleeping o pag-seshare ng sanggol ng higaan kasama ang kaniyang magulang o kapatid. Ito ay dahil maari siyang madaganan ng mga ito habang natutulog ng hindi nila namamalayan.
  • Overheating o pagiging sobrang init ng paligid ng sanggol habang natutulog.

Paano makakaiwas sa SIDS

Narito naman ang mga paraan para makaiwas sa SIDS bagamat hindi pa ito ganap na napatunayan. Ngunit makakatulong naman para masiguradong ligtas ang pagtulog ng iyong sanggol.

  • Pagpapatulog kay baby sa kaniyang likod at hindi sa kaniyang tiyan o nakatagilid.
  • Iwasan maglagay ng maraming bagay sa loob ng crib ni baby. Iwasan din ang paggamit ng sobrang lambot na matress o comforter para hindi mahirapang huminga si baby.
  • Huwag masyadong painitan ang baby. Gumamit ng sleep sack para mapanatili lang siyang komportable at huwag ng magdagdag ng kahit ano pang takip o kumot rito. Huwag tatakpan ang kaniyang ulo.
  • Patulugin si baby sa loob ng iyong kwarto ngunit sa hiwalay na higaan tulad ng crib o bassinet para maiwasan ang suffocation.
  • Pasusuin si baby. Ang pagpapasuso ay nakapagbaba ng tiyansa ng SIDS.
  • Paggamit ng pacifier. Ang pagsipsip ng pacifier habang natutulog si baby ay nakakabawas ng tiyansa ng SIDS. Kung nagpapasuso, hintaying mag-tatlo o apat na linggo muna ang iyong baby bago ito bigyan ng pacifier.
  • Ipa-imunize ang iyong baby para mabawasan ang tiyansa ng SIDS.
  • Huwag hayaang may maninigarilyo na malapit kay baby para hindi siya makalanghap ng second-hand smoke.

 

Source: AsiaOne, Mayo Clinic, WebMD

Photo: Pixabay

Basahin: Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome

 

 

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Nanay, itinago ang bangkay ng kaniyang sanggol sa aparador
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko