Pinakamasakit na siguro para sa isang ina o magulang ang mamatayan ng isang anak, narito ang kwento ni Mommy Angelica patungkol sa nangyari sa kaniyang anak na namatay dahil sa sudden infant death syndrome.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang biglaang pagkamatay ng isang toddler
- Mensahe ni Mommy Angelica sa ibang magulang
- Kailangan mong malaman patungkol sa SIDS
Maraming pinagdaanan si Mommy Angelica noong pinagbubuntis pa lamang niya ang anak na si Baby Alonzo. Subalit sa kabila ng mga pagsubok at kumplikasyong ito ay isinilang niya si Alonzo, na kanilang bundle of joy,
“I have a very difficult and complicated pregnancy. I have this Immnological Disorder, one was called APAS and I also have an incompetent cervix. For the whole duration of my pregnancy, I had to inject a blood thinner everyday. I also had to undergo some blood transfusion and cervical cerclage operation just to make sure that the baby will be safe and will be delivered in due time.”
Ang pagdating ni Baby Alonzo sa kanilang buhay
Hindi matatawaran ang dalang ligaya ng isang baby sa buhay ng isang mag-asawa, at iyon nga ang naramdaman nina Mommy Angelica at ng kaniyang mister sa pagdating ng kanilang bundle of joy.
Ayon sa pagkukuwento ni Mommy Angelica, isang masiyahing bata ang kaniyang anak at napakalambing nito,
“Alonzo is a very sweet kid, he’s the sweetest actually! Even stranger o bago niyang meet talagang lalapitan niya at sasamahan niya. He’s a very happy kid. His smile, kisses and hugs will surely wipe your tiredness.”
Si Alonzo umano ay isang napakabuting bata at malambing kahit sa mga bagong kakilala.
Ang biglaang pagkamatay ni Baby Alonzo
Una nang ibinahagi ni Mommy Angelica ang kaniyang kwento sa kaniyang Facebook page na Busy Witty Mommy ang kanilang kwento. Noong January 14 umano ngayong taon inakala ni Mommy Angelica na isa lamang itong tipikal na araw para sa kanilang pamilya. Ginawa niya ang kaniyang routine, nagising ng maaga at nagluto ng agahan.
“January 14 was a normal day. Woke up around 6am to make breakfast and after a few minutes Alonzo woke up. I gave him a bottle of his milk and let him watch #Blippi.”
“Around 8am I think I am eating breakfast and gave him a bite but he doesn’t want to eat so I just let him play and watch first since I was thinking that time, maybe it’s too early pa coz he normally wakes up at 8:00 am.”
Bandang 9:30-10:30 ng umaga dinalhan pa niya ito ng taho, medyo nagtaka siya dahil hindi niya ito naubos. Kadalasan kasi nauubos niya ito agad. Matapos umano nito ay naglaro at nanuod ang kaniyang anak,
“Then after that, he just watch and play in the room. Around 11am he breastfed until he fell asleep. Around 12nn, since he was sleeping soundly, I went out to kitchen to cook and fix some stuff.”
Matapos umano nito ay pinadede pa niya ito hanggang sa ito’y makatulog. Kaya naman pumunta muna siya sa kusina para mag-asikaso.
Subalit pagsapit ng 1:00 ng hapon kung saan patulog na rin siya nakita niya ang unan ng anak na basang-basa,
“Around 1pm when I was about to lie down, I saw his pillow soaked with sweat so I checked on him and that’s the time that I saw his lips are already purple-ish.”
“I tapped his cheeks and shouting for him to wake up but when I held his hand, it’s already cold. I did a mouth to mouth resuscitation but I can no longer hear his heartbeat.”
“That’s the time I called my husband, my brother and our neighbor. I rushed him to the nearest hospital and when they saw Alonzo, he’s already flat line and they said that it’s already difficult to revive him but we still maximize the Epinephrine (the one that they gave for his heart). At 2pm, they declared Alonzo is already dead.”
BASAHIN:
SIDS: Ano ang pinaka dahilan ng trahedyang ito?
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
Educate helpers and relatives about sleep safety to prevent SIDS!
“This is very sudden. He was just sleeping and the next thing i know, he’s gone.”
Hindi umano akalain nina Mommy Angelica at kaniyang asawa ang nangyari. Isang aktibong bata umano si Alonzo at healthy rin ito. Kaya naman wala silang napansin na unusual na palatandaan o warning signs na ito’y may dinadamdam.
Nang tanungin umano nila sa doktor kung anong sanhi nito, sinabing dahil umano ito sa aspiration. Pagkukuwento pa ni Mommy Angelica,
“When we asked what is the possible reason, the hospital said that the cause of death is #Aspiration (and somehow #SIDS kasi very sudden and unexplainable.) Aspiration – This is where saliva collects in the mouth while sleeping and then flows into the lungs, leading to aspiration and choking.”
“This is very sudden. He was just sleeping and the next thing i know, he’s gone.”
Sobrang sudden umano ang pagkamatay ni Alonzo, kaya naman hindi madali ito para sa kanilang mag-asawa. Ayon kay Mommy Angelica, ang pinakamamimiss niya sa kanilang anak ay,
“I will miss everything about him, I will miss his voice calling me AA, and I will miss his kisses and hugs. I will miss my everyday life with him.”
Mensahe ni Mommy Angelica sa iba pang magulang
Payo ni Mommy Angelica sa iba pang magulang,
“The cause of SIDS is unknown upto this date and prevention seems impossible, that is why you have to be very vigilant. You always have to keep an eye to your children as much as possible. Always put them first.”
Dagdag pa niya, sana’y maging eye opener ang kanilang kwento sa lahat ng magulang. Sapagkat hindi umano natin malalaman kung kailan sila mawawala.
Kaya naman ginawa nilang public ang kanilang kwento upang mapa-realize din sa ibang magulang kung gaano sila sa suwerte na kasama nila ang kanilang anak at nahahalikan at nayayakap nila,
“Specially Mothers who sometimes get tired, that I am telling them since this happened, Motherhood is tiring, yes, but please do not get tired for one second of being a mother. Because no one knows, in just a snap, they will be gone. I want them to love their children more everyday as if there’s no tomorrow.”
Ano ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome?
Kilala rin ito sa pangalang “cot death” kung saan biglaan at pagkamatay ang mga infant kahit ito’y malusog. Kadalasan itong nangyayari sa mga 6-month old na baby at mga sanggol o batang lalaki.
Madalas nangyayari ito habang natutulog at madalang naman kapag gising ang bata. Wala pang nakakaalam kung ano ang pangunahing sanhi nito.
Subalit sinasabi ng mga eksperto mas mataas ang tiyansa na magkaroon o mangyari ang sudden infant death syndrome sa mga sanggol na ipinanganak ng premature.
Mga paraan upang maiwasan ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome
- Siguraduhing kapag natutulog ang iyong baby ay hindi ito nakatagilid o nakadapa.
- Ilagay sa isang feet to foot position ang iyong baby kung saan nararamdaman niya ang crib.
- Huwag hayaang na nakatakip ang kanilang mukha.
- I-breastfeed ang iyong baby.
Source:
NHS, Busy Witty Mommy