Gamot sa Sunburn at paraan para maiwasan ito

Sa puspusang tag-init na ito, oras na para maglagay ng isang mabisang proteksyon laban sa araw dahil kung hindi pwedeng magkaroon ng sunburn

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ngayon ang nasusunog ang balat dahil sa sobrang pagbibilad sa init ng araw. Maaaring ang tao na lumalangoy o kaya naman ay naglalakad lamang sa init ng araw ay maaaring magkaroon ng sunburn. Dahil dito, marami ang naghahanap ng gamot para rito.

Ano ang sunburn?

Image from Freepik

Ang sunburn, ang namumulang balat na masakit kapag hinahawakan, ay kadalasang lumalabas matapos ang ilang oras nang pagbibilad sa ultraviolet (UV) na ilaw, maging artipisyal man o mula sa araw.

Ang matindi at paulit-ulit na pagkakasunog sa balat ay nagpapataas ng panganib nang pagkakaroon ng pinsala sa balat at iba pang sakit. Kadalasan, mahahanap sa mga kabahayan ang maaaring gamot dito na mawawala matapos ang ilang araw.

Ano sa tagalog ang sunburn?

Karaniwang tinatawag na “sunog sa balat ng araw” o “sunog ng araw” ang sunburn sa tagalog. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nagkakaroon ng sunburn?

Image from Freepik

Ang araw ay nagbibigay ng tatlong wavelength ng ultraviolet light:

  • UVA
  • UVB
  • UVC

Ang UVC na ilaw ay hindi umabot sa ibabaw ng Earth. May iba pang dalawang uri ng ultraviolet light ay hindi lamang umaabot sa iyong beach towel, ngunit tumagos ang mga ito sa iyong balat. Ang pinsala sa balat ay sanhi ng parehong UVA at UVB rays.

Nakukuha ang sunburn sa matagal na pagbibilad sa ultraviolet (UV) light. Ang ultraviolet A (UVA) ay nagiging sanhi ng pagmumukhang matanda at ang ultraviolet B (UVB) naman ay ang nagiging sanhi ng sunburn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag ikaw ay nabilad sa parehong tipo ng UV light ay karaniwang sanhi ng skin cancer. Maaari rin magka-sunburn dahil sa artipisyal na ilaw galing sa mga sunlamps at tanning beds.

Maaari rin magkaroon nito kahit sa mga araw na malamig at maulap. Halos 80% ng sunburn ay kayang tumagos sa mga ulap. Ang buhangin, tubig at iba pang bagay ay maaaring talbugan ng UV light.

Ang sunog ng araw ay ang pinaka-halatang senyales na matagal ka nang nakaupo sa labas. Ngunit ang pinsala sa araw ay hindi palaging nakikita.

Sa ilalim ng iyong balat, maaaring baguhin ng ultraviolet light ang iyong DNA, na maagang nagpapatanda sa iyong balat. Sa paglipas ng panahon, ang pinsala sa DNA ay maaaring mag-ambag sa mga kanser sa balat, kabilang ang nakamamatay na melanoma.

Kung gaano kabilis magsisimula ang sunburn ay depende sa:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ang uri ng iyong balat
  • Ang tindi ng araw
  • Gaano katagal ka nakabilad sa araw

Mga sintomas ng sunburn

Ang mga senyales at sintomas ng sunburn ay:

  • Pamumula ng balat
  • Mainit na pakiramdam sa balat
  • Pamamaga
  • Namamasang pagpapaltos ng balat
  • Sakit ng ulo, lagnat, pagkahilo at pagkapagod kung malala na ang sunog sa balat

Kailan ipapakonsulta sa doktor?

Dahil sa permanenteng pinsala na maaaring makuha sa sunburn, magpa-konsulta sa duktor kung ito ay:

  • Nagpapaltos at malaking bahagi ng katawan ang natatakpan
  • May kasamang mataas na lagnat, matinding pananakit, sakit ng ulo, kaguluhan, pagkahilo, o panginginig
  • Hindi bumuti matapos ang ilang araw
  • Magpa-konsulta rin sa mga eksperto kung mapansin ang mga sintomas at senyales ng impeksiyon tulad ng:
  • Tuloy-tuloy na pananakit
  • Paglala ng pamamaga
  • Pagkakaroon ng nana sa paltos
  • Namumulang mga linya palayo sa mga paltos

Mga taong madalas masunog ang balat

Mas malaki ang tsansang magkaroon ng sunburn ang mga taong:

  • Mapuputi ang balat
  • Nakatira o nagbabakasyon sa lugar na maaraw, mainit, o mataas ang altitude
  • Nagtra-trabaho sa labas
  • Sinasabay ang mga aktibidad sa labas sa pag-inom ng alak
  • Dati nang nagka-sunburn
  • Madalas na nagbibilad sa UV light nang walang proteksyon sa balat
  • Umiinom ng photosentisizing na mga gamot

Mga komplikasyon na maaaring makuha

Photo by Karolina Grabowska

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang malala at paulit-ulit na pagkakaroon ng sunburn ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng balat at iba pang mga sakit tulad ng:

  • Maagang pagtanda ng balat

Ang pagkakalantad sa araw at paulit-ulit na sunburn ay nagpapabilis sa proseso ng pagtanda ng balat. Ang mga pagbabago sa balat na dulot ng UV light ay tinatawag na photoaging.

  • Precancerous na mga sugat

Ang mga precancerous na sugat sa balat ay lumilitaw bilang magaspang, nangangaliskis na mga patch sa mga lugar na napinsala ng araw.

Karaniwang makikita ang mga ito sa mga lugar na nakalantad sa araw ng ulo, mukha, leeg at kamay ng mga taong maputi ang balat.

Ang mga patch na ito ay maaaring umunlad sa kanser sa balat. Ang mga ito ay tinatawag ding actinic keratoses at solar keratoses.

  • Cancer sa balat

Ang labis na pagkakalantad sa araw, kahit na walang sunburn, ay nagdaragdag sa iyong panganib ng kanser sa balat, tulad ng melanoma. Maaari itong makapinsala sa DNA ng mga selula ng balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga sunburn sa pagkabata at pagbibinata ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng melanoma sa bandang huli ng buhay.

Ang kanser sa balat ay pangunahing nabubuo sa mga bahagi ng katawan na pinakanakalantad sa sikat ng araw, kabilang ang anit, mukha, labi, tainga, leeg, dibdib, braso, kamay, binti at likod.

  • Pagkasira ng mata

Maaari ring masunog ng araw ang iyong mga mata. Ang sobrang liwanag ng UV ay nakakasira sa retina, lens o kornea. Kapag nasira ng araw ang lens ay maaaring humantong sa pag-ulap ng lens (cataracts).

Ang mga mata na nasunog sa araw ay maaaring makaramdam ng masakit o maasim. Ang sunburn ng cornea ay tinatawag ding snow blindness.

Paano ito maiiwasan?

Image from Freepik

Ang mga paraan ng pag-iwas sa pagkasunog ng balat ay inire-rekomenda kahit pa maulap ang panahon. Ang mga ito ay:

  • Pag-iwas sa pagbibilad sa araw mula 10am hanggang 4pm
  • Pag-iwas sa pag-suntan at paggamit ng tanning beds
  • Paggamit ng masmadidilim na kulay, makakapal na tela o mga damit na may ultraviolet protection factor (UVPF)
  • Madalas at tamang paggamit ng sunscreen
  • Paggamit ng sunglasses na may UVA at UVB protection kapag nasa labas
  • Pag-alam kung ang iniinom na gamot ay nakakapagpataas ng pagiging maselan sa araw

Mabisang gamot sa sunburn sa mukha at iba pang parte ng katawan

Ang paggamot sa sunburn ay kadalasang magagawa sa pamamagitan ng mga remedyo na matatagpuan sa mga kabahayan. Sa loob ng ilang araw, magbabalat ang apektado ng sunburn.

Pagkatapos ng pagbabalat na ito, ang balat ay maaaring hindi magpantay ang kulay. Nagdedepende ang lala ng pagkasunog ng balat sa kung gaano katagal ang paggaling nito. Ang ilan sa mga gamot sa sunburn sa likod, gamot sa sunurn sa braso at iba pang parte ng katawan ay:

  • Aloe vera

Ito ang isa sa pinaka-madalas na ginagamit na gamot sa sunburn ng bata at matatanda. Ang pagpahid ng aloe vera gel sa bahagi na apektado ng sunburn ay nakakapagpalamig sa pakiramdam.

  • Hyaluronic Acid Serum

to ay mabisang gamot sa sunburn sa mukha dahil sa pag-moisturize ng natuyong balat.

  • Puting suka

Upang mabawasan ang sakit at pamamaga na dala ng sunburn, maaari itong pahiran ng puting suka. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang impeksiyon. Tunay na mabisang gamot sa sunburn ng baby, bata o matanda.

  • Baking soda 

Ang paggamit ng baking soda ay makakapag-balanse sa pH levels sa balat na may sunburn.

  • Green tea

Ang pagpapalamig ng green tea na nasa isang maliit na tuwalya at pagpahid nito sa apektadong bahagi ng balat ay makakatulong din sa pagbalanse ng pH levels.

  • Greek yogurt

Ang greek yogurt ay isa ding mabisang gamot sa sunburn sa bata o matanda. Dahil sa lactic acid nito, ang Greek yogurt ay nakakabawas sa pamamaga at nakakapagpaginhawa at moisturize sa balat na na-sunburn.

  • Topical treatments

Pinapayo ng mga dermatologists ang paggamit ng mga topical treatments na sadyang nagpapaginhawa, nagbibigay sustansya sa balat tulad ng aloe vera, hyaluronic acid, cucumber extract, oatmeal at mga antioxidant na maraming vitamin C at E.

Tandaan para maiwasan ang sunburn ay laging maglagay ng sunblock, at kapag lumalala naman ang sunburn at mas magandang magpakonsulta na sa doktor. 

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.