Sunshine Cruz on perverted comments on photos with her kids in swimsuit: "Never blame women"

Matapang na naglabas ng saloobin si Sunshine Cruz laban sa mga sexual predator na nag-iwan ng komento sa isang picture kasama ang kanyang tatlong daughters. | Lead Image from Sunshine Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi napigilang maglabas ng saloobin si Sunshine Cruz laban sa mga manyak na comments sa picture nito kasama ang tatlo niyang daughters.

Sunshine Cruz, nagalit sa mga bastos na comments laban sa mga anak

Matapang na naglabas ng galit at saloobin ang aktres na si Sunshine Cruz  laban sa mga sexual predators na nag iwan ng mga manyak na komento sa picture nila kasama ang tatlo nitong mga anak na babae.

Lumalabas kasi sa mga comments na nakasuot daw sila ng swimsuit kaya ganun na lamang ang naging komento ng mga ‘predators’ na ito.

“Nagkalat ang sexual predators sa social media lalo na dito sa Facebook. Check out my public page Sunshine Cruz. Sad na ginagawang rason ng mga manyak na ito na naka swimsuit or shorts daw kami.”

Naniniwala naman ang aktres na hindi kasalanan ng babae ang mabastos. Hindi dapat kontrolin ang pananamit ng isang babae dahil wala sa kanila ang problema.

“Do not blame women for the choice of clothes they wear. Believe me kahit nakabalot o gown pa kami sa beach may mga bastos pa din. Never blame women rather blame yourself dahil kahit pinagaral kayo ng mga magulang mo, lumaki parin kayong bastos at manyak.”

Sa isa pa nitong post, ipinakita niya ang pangalan ng lalaking nagpapadala sa kanila ng litrato ng ari ng lalaki, animated gif na bastos at profanities. Dahil dito, aminado ang aktres na hindi sila komportable sa mga manyak na ito sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Walang mamanyak kung walang manyakis, walang babastusin kung walang bastos. Wala po kaming tinatapakang tao. I am only sharing bits and pieces of my life and my children. We just want to share our lockdown activities with my followers..”

May isa pang komento na nagsasabi na ang pagpopost ng mga litrato ng kanyang anak ay parang pagbebenta ng aktres ng tinapay sa mga tao.

Ito ang kanyang naging tugon:

“Wearing shorts or a swimsuit is never a valid reason para bastusin ang kababaihan. Ginagawang palusot lang ng mga manyak o sexual offenders yan. Don’t blame women! Blame those men who look down on women for the choice of clothes they wear. Again if you have nothing good or nice to say, keep your mouth shut. Para din po yan sa inyo.”

Dahil sa mga sexual predators na ito, nagsimulang i-block ni Sunshine Cruz ang mga bastos na pilit nag-iiwan ng komento sa kanilang Facebook page. Binabalaan rin niya ang mga ito at sinabing ‘she saving the messages before banning’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You’ve been warned.” Ito ang kanyang paalala sa mga sexual predators.

Si Sunshine Cruz ay may tatlong anak na babae na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca sa dati nitong asawang si Cesar Montano. Ikinasal sila noong 2000 ngunit naghiwalay rin noong 2013.

Victim-blaming culture

Ang salaysay pa lang ng biktima ng pang momolestya ay talagang nakakadurog na ng puso. Kaya naman likas na sa atin ang damayan sila para naman kahit paano ay mawala ang burden na nararamdaman nila dahil sa nangyari. Ngunit may iba pa ring tao na hindi nakikita ang problema at naging epekto nito sa biktima. At ang tanging ginagawa nila ay ang ipasa sa inosente ang responsibilidad na ito. Dito na pumapasok ang victim blaming o ‘yung paninisi sa mga biktima sa tagalog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

Isa rin ang artistang si Frankie Pangilinan sa matapang na nagsalita at nagbahagi ng kanyang nararamdaman tungkol sa kultura ng victim blaming.

Ayon sa 19 year old na anak ni Sharon Cuneta, idiniin niyang kasalanan ng rapist ito at hindi dapat ipasa ang sisi sa biktima. Dagdag pa nito na kung babaguhin ang ganitong pag-uugali, kailangan mo ring baguhin ang kultura mo. “To change that thinking, you have to change the culture.”

Hindi rin dapat turuan ang mga babae na magsuot ng tama o ‘yung hindi revealing para maiwasang ma-rape. Dahil isang solusyon lang para matigil ang rape ay ang turuan ang mga tao na ‘wag mang rape.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

BASAHIN:

Anak ni Sharon na si Frankie Pangilinan nakatanggap ng rape threat sa social media

Assunta De Rossi, emosyonal na binahagi ang sonogram ng kaniyang ‘miracle baby’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano