“Nope!” Iyan ang sagot ng aktres na si Sunshine Cruz nang may magtanong sa kanyang Instagram post kung buntis ba ang anak nila ni Cesar Montano na si Sam Cruz.
Mga mababasang sa artikulong ito:
- Sunshine Cruz sa balitang buntis si Sam Cruz: “Minamadali niyo naman ako maging lola!”
- Paano maging responsible netizen sa social media?
Sunshine Cruz sa balitang buntis si Sam Cruz: “Minamadali niyo naman ako maging lola!”
Patuloy ang pagsikat at pagdami ng followers ng mga dalagang anak ni Sunshine Cruz. Kitang-kita kasi ang kanyang genes sa mga anak, kaya naman nagmumukhang magkakasing edad lang sila. Dahil rito, hindi na rin makaiwas sa mga chismis at mga fake news ang mga anak nila ni Cesar Montano.
Isang beses nang magpost si Sunshine Cruz ng larawan nila ng anak na si Sam Cruz at Angeline Cruz ay pinagpiyestahan ng mga netizens ang comment section. Makikita sa larawan na nakasuot ng green na bestida si Sam, at napapansin ang kurba ng tiyan nito.
Sabi ng mga nagcomment ay halata raw na may baby bump si dalagang anak na si Sam, at hindi ito simpleng busog lamang. May isa pang nagcomment ng.
“sorry… buntis po ba?,”
Ginawang IG story ito ni Sunshine Cruz at agad na sinagot ng aktres ng,
“nope!”
Bukod sa instagram post ay hindi rin nagpatalo si Sunshine na sagutin ang iba pang comments sa kanilang facebook page. Umagaw ng atensyon niya ang comment na,
“My apo na siya soon pero still hot mom si sunshine.”
Bwelta naman ng aktres,
Tinawag niyang “Marites” ang nagsabing magkakaroon na siya ng apo. Dagdag niya pa ay huwag daw basta-bastang nag-aakusa dahil fake news lamang ang mga ito.
“Minamadali nyo naman ako maging lola. I hope this answers your question. I deleted some comments dahil dumarami na sila.
Eto ang isa sa nagiging rason kung kaya maraming tao o kabataan ang sobra kung mag edit ng kanilang mga katawan at mukha sa social media,”
Bwelta ni Sunshine Cruz, huwag daw siyang madaliing maging lola. Dahil sa halos napupuno na ng ganitong comments ang post ay minabuti niya i-delete.
Paalala rin niya na ang mga ganitong comments ang nag-uudyok sa mga kabataan kaya ine-edit ang mga pictures nila bago ipost sa mga social medias.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng chismis at pambabastos sa kanyang mga anak. Nagkaroon na rin ng time kung saan humingi ng tulong ang aktres na ireport ang larawang inedit silang tatlo ng kanyang anak kasama ang isang porn star.
Binantaan na rin ni Sunshine Cruz ang mga taong nagpapalat ng fake news at kung anong malisyosong balita sa mga anak. Ayon sa huwag paglaruan ang mga anak niya dahil mga menor de edad pa lang ang mga ito.
BASAHIN:
Sunshine Cruz, wala nang pakialam sa buhay ng ex-husband niyang si Cesar Montano
LOOK: Sunshine Garcia, ipinanganak na ang secoond baby nila ni Alex Castro
Paano maging responsible netizen sa social media?
Maraming balita ngayon ang sa social media na natin nababasa at nakikita. Kung minsan pa nga ay tayo na mismo ang nagse-share nito.
Madaling kumalat agad sa present times ang mga pinopost natin sa social media, kaya mahalagang maging responsible netizens at all times. Paano nga ba ito magagawa? Ito ang ilan sa mga dapat itake note:
- Laging tignan at basahing mabuti kung ano ang iko-comment o sasabihin sa mga social media posts. Hangga’t maaari be more sensitive at less insensitive. Kung hindi kayang sabihin sa totoong buhay nang harapan, huwag nang sabihin ito online. Be sensitive.
- Huwag kalimutan ang mga golden words, ito ay ang “thank you” at “sorry.” Maaaring makapag-lighten up pa ng mood ng isang tao kung ito ay sasabihin mo sa kanila online. Always be kind, kung kaya ito sabihin sa mas maraming beses, ay mas maganda. Be thankful and sorry.
- Maging cautious sa mga topics na tulad ng religion, politics, sex, at iba pang sensitive na usapin. Bago mag-post o comment ng mga extreme na bagay maging mapanuri kung ito ba ay nakatatapak na ng dignidad at kultura ng ibang tao. Be respectful.
- Always credit the source. Dahil nga madali na lang magshare at post ng mga pictures at iba pang contents sa social medias, kadalasan ding nananakawan ng intellectual property ang mga creator nito. Mahalagang laging i-credit kung kanino nanggaling o nagmula ang mga sine-share at post. Be responsible.
- Huwag mag-tag or share ng mga bagay na alam mong ikahihiya ng isang tao. Halimbawa kung ipo-post ang pictures ng kaibigan na siya ay tulog o lasing nang walang permiso niya. Maaari kasing sensitive siya at labis niyang ibaba ng self-confidence ito. Be mindful.