Manager ni Tekla, dumepensa na "planted ang videos"

Manager ni Tekla, dumepensa na "planted ang videos"

“Kung mahal niya po talaga ako, bakit kailangan niya akong pilitin?" Ito ang naiiyak na pahayag ni Michelle Bana-ag, kinasakama ng komedyanteng si Super Tekla ukol sa pagpilit nitong magtalik sila.

Mga kaibigan at manager ni Super Tekla, dinepensahan ang komedyante sa kinahaharap nitong reklamo.

Reklamo laban kay Super Tekla ng kaniyang kinakasama

Trending hot topic pa rin ngayon ang pagrereklamo ni Michelle Lhor Bana-ag sa kinakasama at kilalang komedyante na si Super Tekla. Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo na Raffy Rulfo in Action si Michelle upang ireklamo umano si Super Tekla. Aniya, hindi sila pinapakain ng kaniyang pamilya kapag hindi siya pumapayag na makipagtalik dito. Minumura daw siya nito at aalis na lang ng walang iniiwang pambili nila ng pagkain kapag hindi napagbigyan ang gusto nito.

super tekla marital rape

Super Tekla with Michelle Bana-ag/Image from Super Tekla’s Facebook account

 

Hindi siya nito pinapakain kapag hindi niya pumapayag na makipagtalik

“Mumurahin niya po ako. Hindi na po siya kikibo. Hindi po siya bibili ng pagkain kahit nagugutom na iyong mga pamangkin ko na nandito. Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na siya ng pagkain. Tapos, sasabihin niya, ‘Ah, bakit? Di ba ayaw mo?’ Ganito, ganyan. Tapos aalis siya.”

Ito ang pahayag ni Michelle sa panayam sa program ni Raffy Tulfo. Dagdag pa niya, ang madalas na pagsama ng pakiramdam niya umano ay dahil sa contraceptive na ginagamit upang hindi agad mabuntis. Isang bagay na si Tekla ang may gusto dahil hindi niya mapigilan ang sarili na hindi makipagtalik kay Michelle.

“Kasi pina-injectionan niya po ako ng family planning kasi hindi niya po mapigilan ang sarili n’ya. Gusto niya po ako galawin, para daw po safety. Ngayon po, ang epekto, sumama po pakiramdam ko. Nilalagnat po ako kapag hapon. Pero gusto niya pa rin pong ganun, gawin po iyong ganu’n,”

“Masama po ang pakiramdam ko. Kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko. Hindi niya po maintindihan. Hindi niya po marespeto.”

Nagiging sensual rin daw ito sa harap ng mga bata

Pahayag pa ni Michelle ang hindi niya masikmura sa lahat ay ang ginagalaw siya ni Tekla kahit sa harap ng mga pamangkin niya. At ng minsang mag-masturbate ito at matalsikan pa ang baby nila.

“Minsan po isang beses, katabi ko iyong pamangkin ko naglalaro sa cellphone. Naawa po ako. Nagtakip na lang po s’ya ng kumot. Wala po ako magawa, e. Kailangan po magpadala sa mga pamangkin ko. Kahit po masama ang pakiramdam ko.”

“Hawak po ang anak ko, natutulog sa dibdib ko, kukunin po niya. Tapos (magsasarili) na lang po s’ya. Tapos may time po na hawak ko iyong anak ko, pinapadede ko, dumikit po siya tapos hinawakan niya po iyong maselang parte ng katawan ko.”

Ang mga paratang na ito ni Michelle ay pinatunayan niya sa pamamagitan ng recorded video na maririnig ang mainit na usapan nila Tekla at Michelle.

tekla

Image screenshot from Raffy Tulfo in Action video

Recorded video ng sagutan ni Tekla at Michelle

Tekla: Oh, bakit? Pinipilit ka ba?

Michelle: Anong ginagawa mo? Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata.

Tekla: At least, nag-masturbate ako.

Michelle: Kahit natalsikan ‘yung bata?

Tekla: Nasaan ang utak mo? Masyadong mababaw ‘yung dahilan mo.

Ang video na ito ngayon ang ginagamit na ebidensya ni Michelle upang madiin sa kaniyang reklamo si Tekla. Pero ayon sa mga kaibigan ni Tekla sa showbizness na natanong na siya tungkol sa isyung ito, ang mga paratang daw ni Michelle sa kaniya ay hindi totoo.

Pahayag ng mga kaibigan ni Tekla ukol sa isyu

“Di ko alam kung ano nakain niya, kung bakit siya nagsasalita ng ganun pero hindi totoo yung mga sinasabi niya.”

Ito umano ang mga linyang binitawan ni Tekla sa showbiz reporter at manager na si Ogie Diaz ng matanong ito tungkol sa isyu.

Mariin din daw na itinanggi ni Tekla na hindi totoo ang sinasabi ni Michelle na ginagawa niiya sa harap ng kaniyang anak. At ito daw ay pawang imbento niya lang.

“Hindi totoo. Bakit ko gagawin ‘yun sa harap ng anak ko?  E anong totoo? Nag-iimbento nalang siya Ogie.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Tekla ayon kay Ogie Diaz.

Dumepensa rin para kay Tekla ang kilalang partner nito sa katatawanan na si Donita Nose. Ayon kay Donita, kilala niya si Tekla at hindi siya naniniwala sa paratang ni Michelle laban sa kaibigan.

super tekla with donita nose

Super Tekla with Donita Nose/Image from The Philippine Star

Buwelta niya pa, matagal niya ng pinapayuhan si Tekla na hiwalayan na si Michelle dahil wala itong magandang naidudulot sa kaniya. Sa katunayan, ang pagkakalulong daw nito sa illegal na droga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit at komplikasyon ang anak nila ni Tekla.

“Nagkaganoon ‘yung bata, nagkaproblema siya at nagkaroon ng komplikasyon noong ipinanganak siya it’s because habang nagbubuntis si Michelle ay gumagamit parin po siya.”

Ito ang pahayag ni Donita na inaming parehong gumagamit ng illegal na droga noon si Tekla at Michelle. Ngunit si Teklaumano ngayon ay tumigil at nagbago na.

Planado o planted ang video para siraan si Super Tekla ayon sa manager nito

Opinyon pa ni Donita, kung totoo ang sinasabi ni Michelle na ganoon nga ang ugali ni Tekla dapat noong bago palang ay hiniwalayan niya na. Ngunit bakit tumagal pa sila ng ilang taon. Hirit pa niya, planado ang video na ipinapakita ni Michelle sa ngayon. Nais talaga nitong siraan si Super Tekla.

“Itong nangyari sa kanila I think, itong week lang po yan. ‘Yang na video na ‘yan ay 2 days ago lang I think. Talagang sinadya nilang i-video na ganoon ang nangyayari na nag-aaway sila. Ito na po ata ‘yung plano talaga nila. Parang pinagplanuhan po talaga nila na i-video si Tekla at ganito ang mangyari.”

Ito ang opinion ni Donita sa nangyayari.

Ganito rin ang paniniwala ng manager ni Tekla na si Rose Conde na nagsalita in-behalf ng kaniyang alaga. Ayon kay Conde, halatang planted ang video na ipinapakita ni Michelle at intensyon talaga nitong siraan lang si Tekla.

“’Yung pag-aaway nila mainit na sila noon. ‘Yun pong sinasabi ni Michelle doon sa video, iyon ang gusto niyang iparating sa tao kasi planted ng ipapa-Tulfo si tekla. Gumawa sila ng video para ipadala sa inyo.”

Ito ang pahayag ni Conde.

super tekla with manager rose conde

Super Tekla with manager Rose Conde./Image from TrendzPH

Dahil hindi raw naibigay ni Tekla ang gusto nito

Ayon pa sa kaniya ay nakausap niya na si Tekla tungkol sa isyu at sinabi nitong hindi pala nito napagbigyan ang gusto ni Michelle. Kaya ito malamang ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Michelle ngayon.

“Gusto ng makipaghiwalay ni Michelle kay Tekla. Humihingi sila ng pang-umpisa kay Tekla. Walang maibigay si Tekla kasi wala pa po siyang pera. Wala pa po siyang income ngayon.”

Ito ang paliwanag ni Conde sa sitwasyon ng kaniyang alaga. Dagdag pa niya, hindi umano totoong hindi pinapakain ni Tekla sila Michelle at pamilya nito. Maaaring na-late lang naman daw dahil sa wala talagang income sa ngayon si Tekla dulot na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman payo ni Conde kay Michelle at Tekla mag-usap sila. Hindi man daw humihiling na si Tekla na magkabalikan sila, umaasa naman ito na maayos ang gusot sa pagitan nila.

“Hindi naman na nagwiwish din si Tekla na hindi makakapaghiwalay sa kaniya si Michelle dahil ayun ang gusto ni Michelle e. Pero kay Tekla po ayaw niya kasi gusto niyang bumuo ng pamilya. Binabalak niya nga na pong pakasalan yan e.”

Ang balak na ito ni Tekla ay mukhang hindi na matutuloy sa ngayon. Kahit ayon parin kay Conde ay talagang mahal nito si Michelle pati ang anak nila.

Pero si Michelle, may sagot sa sinasabing ito ni Conde. Ang hirit niya kung talagang mahal siya ni Tekla bakit kailangan siya nitong pilitin makipagtalik kahit ayaw niya.

“Kung mahal niya po talaga ako, bakit kada may needs po ako at may need ‘yung family ko ultimo sa pagkain po bakit kailangan niya akong pilitin? Ibig sabihin hindi asawa ang turing niya sakin.”

Ito ang naiiyak na pahayag ni Michelle.

Super Tekla o Romeo Librada mahaharap sa kasong marital rape

super tekla

Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng opisyal niyang pahayag si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay tungkol sa nangyari. Ngunit dahil sa reklamo ng kaniyang kinakasama ay maaari siyang maharap sa kasong marital rape. Ito ang akto ng sexual intercourse o pagtatalik na walang consent o labag sa kalooban ng isa sa mag-asawa o magka-partner.

Kailan ang tamang oras na makipag-talik muli matapos manganak?

Ang pagkaramdam ng takot na makipagtalik muli ay normal lang na nararanasan ng mga first time moms. Ito’y dahil natatakot pa sila na maaaring maging masakit ito o kaya naman ay maging dahilan ito ng pagbuka ng kanilang tahi. May iba namang natatakot na makipagtalik sa takot na baka sila ay agad na mabuntis.

Pero pagdating sa tamang oras ng pakikipagtalik pagkatapos manganak, ang mahalagang payo ng mga eksperto ay kumonsulta muna sa iyong doktor. Dahil ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, maraming factors na dapat i-consider bago gawin muli ito.

Para sa mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery, ang unang apat na linggo pagkatapos manganak ay panahon kung saan very susceptible ang vagina sa impeksyon. Lalo na ang mga nakaranas ng episiotomy o surgical cut sa vagina. Kaya payo ng mga doktor ay palipasin muna ang anim na linggo bago makipagtalik muli. Dahil ito rin ang tamang panahon kung kailan ganap ng natatapos ang pagdurugo o bleeding pagkatapos manganak.

Ganito rin naman ang ipinapayong tagal o panahon na dapat antayin ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng C-section delivery. Pero muli mas mabuting magpa-konsulta muna sa doktor at hingin ang go signal nito bago makipagtalik muli.

Source:

LawPhil, theAsianparent PH, Mayo Clinic

BASAHIN:

“My husband has forcible sex with me… does it amount to marital rape?”

Komedyanteng si Tekla, inireklamo ng marital rape ng kaniyang partner

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner