TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Tekla, itinanggi ang paratang sa kaniya ng partner na nagsumbong sa Tulfo

4 min read
Tekla, itinanggi ang paratang sa kaniya ng partner na nagsumbong sa Tulfo

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae...."

Nagbigay na nang pahayag si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay. Sa inilabas na artikulo at video ng GMA News sinabi ni Super Tekla na walang katotohanan ang ibinibintang ng kaniyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Inireklamo ni Michelle sa “Raffy Tulfo in Action” ang ‘di umano pagpilit ni Tekla sa kaniya na makipagtalik. Kahit kakapanganak lang naman ito. Sinabi rin ni Michelle na nagma-masturbate pa umano si Tekla kahit kaharap ang kanilang anak.

Sa sumbong pa niya sa programa sinabi niya ring kapag tumanggi siyang makipagtalik kay Tekla ay hindi sila nito iiwanan ng pangkain. Nag-viral ang reklamo na ito ni Michelle sa social media tungkol sa kaniyang live-in partner na si Tekla.

super tekla

The photo is a screenshot from GMA News YouTube Channel

Sagot ni Tekla sa paratang ni Michelle

Naglabas na ng pahayag si Tekla sa naturang eskandalo na kinabibilangan niya. Mariin niyang tinanggi ang alegasyon ng live-in partner. Sa video na inilabas sa YouTube channel ng GMA sinabi niya hindi niya umano kayang gawin sa kaniya lalo na sa harapan ng kaniyang mga anak at mga bata.

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,”

super tekla

The photo is a screenshot from GMA News YouTube Channel

Dagdag pa niya, “Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”

Nag-a-adjust umano si Tekla sa kagustuhan ng partner niya. Kahit alam niyang parte ng relasyon nila ang pagtatalik.

Emosyunal si Tekla sa nasabing video habang nagpapaliwanag ng kaniyang side. Pinagdiinan niya ring hindi siya naging pabaya sa kaniyang mga anak at hindi niya ginugutom ang pamilya niya.

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,”

super tekla

The photo is a screenshot from Raffy Tulfo in Action YouTube Channel

Isa pa sa pinagbulaanan ni Tekla ang alegasyon ni Michell na wala siyang paki sa kanilang anak. Hindi umano ito totoo. Ang totoo siya pa raw ang humanap ng mga paraan upang mapagamot ang anak. Dahil nang isinaling ito ay may anorectal malformation ito. Siya pa raw ang nagbantay sa anak habang nasa operasyon ito.

 

Sa pagpapatuloy pa niya…

Sinabi rin ni Tekla na si Michelle umano ang hindi pumupunta sa ospital, “Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas ‘yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle.”

Tingin ni Tekla ay planado ito ni Michelle dahil kahit kailan hindi umano magagawa ang mga paratang ng live-in partner niya. Wala rin siyang idea na mangyayari ang ganitong bagay.

“Di pa nag-si-sink in ‘yun sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat… kung titignan mo yung video, wala akong kaalam-alam,”

Dagdag pa ni Tekla karapatan pa rin iyon ni Michelle, sana man lang daw ay pinag-isipan nito kung anong magiging resulta ng kaniyang ginawa.

“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”

Nasayang din umano ang anim na taon nilang pagsasama dahil sa nangyari, “Michelle, karapatan mo ‘yun, karapatan mo ‘yun, nung una pa lang. Binlock niyo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat.”

Pang-huli sinabi rin ni Super Tekla o Romeo Librada na handa siya umanong sumailalim sa drug test para mapatunayan na hindi siya gumagamit ng droga.

Maaaring maharap si Tekla sa patong-patong na kaso kasama na ang marital rape na pinapaparatang ng kaniyang live-in partner na si Michelle. Sa ngayon wala pang pahayag ang live-in partner ni Super Tekla na si Michelle sa inalabas na pahayag ng ni Tekla sa GMA News.

 

Source:

Partner Stories
SKY partners with HBO to give back to subscribers this holiday season with E-Raffle Promo
SKY partners with HBO to give back to subscribers this holiday season with E-Raffle Promo
Miming and Friends Recycle Plastic
Miming and Friends Recycle Plastic
Two Weeks at the Top: King the Land Paves the Way for a Heartfelt Lineup on Netflix
Two Weeks at the Top: King the Land Paves the Way for a Heartfelt Lineup on Netflix
Unlock the Holiday Magic with these LEGO® Buckets
Unlock the Holiday Magic with these LEGO® Buckets

GMA News YouTube Channel 

 

BASAHIN: 

Manager ni Tekla, dumepensa na “planted ang videos”

Komedyanteng si Tekla, inireklamo ng marital rape ng kaniyang partner

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Tekla, itinanggi ang paratang sa kaniya ng partner na nagsumbong sa Tulfo
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko