Isa ka rin ba sa mga nagbabasa ng tagalog bedtime stories sa iyong anak? Marahil ay binabasa natin ito para makatulog ang ating mga anak. Isa rin sa mga rason kung bakit natin ito kinu-kwento sa kanila ay dahil sa mga mapupulot na aral sa mga istoryang ito.
Talaan ng Nilalaman
10 Tagalog Bedtime Stories na makukuhanan ng aral ng mga bata
1. Juan Tamad
Ang Juan Tamad ay isinulat nila Manuel at Lyd Arguilla. Ang kwentong ito ay tungkol sa batang lalaki na tamad. Naghihintay lamang si Juan na mahulog ang bayabas imbis na paghirapan kunin ito.
Ang mapupulot na aral sa istoryang ito ay maging masipag dahil walang magandang maidudulot ang pagiging tamad. Ang kwentong ito ay maaring mapanood sa Juan Tamad.
2. Ang Langgam at ang Tipaklong
Ang Langgam at ang Tipaklong ay isa rin sa mga sikat na tagalog bedtime stories. Ito rin ay isinalaysay ni Virgilio Almario.
Sa istoryang ito, ang mga langgam ay nag iimbak ng pagkain para parating na tag lamig. Isang araw humingi ito ng tulong sa isang tipaklong ngunit hindi siya ito tinulungan.
Dumating ang tag lamig, walang pagkain at masisilungan ang tipaklong kung kaya’t humingi siya ng tulong sa mga langgam. Sa huli ay hindi na siya tinulungan ng mga langgam dahil sa naging ugali niya sakanila noon.
Ang aral na mapupulo sa kwentong ito ay, tulungan ang nangangailangan. Ang ganitong pakikitungo sa iba ay maaaring maibalik din sa ‘yo. Mababasa ang kwentong ito sa Si Langgam At Tipaklong (Pabula).
3. Ang Tatlong Biik
Ang kwentong ito ay tungkol sa tatlong biik na nais magtayo ng kanilang mga bahay. May isang lobo ang gustong sirain ang kanilang mga bahay. Ang huling biik lamang ang nakaligtas sa lobo dahil sa bahay niyang bato.
Ang tatlong biik ay hango sa istorya ng Aesop Fables. Sinasabi sa kwentong ito na maging matiyaga at determinado sa gusto mong gawin. Ang Tatlong Biik ay maaring mabasa sa Ang Tatlong Maliliit na Baboy.
4. Ang Kuneho at ang Pagong
Isa sa madalas na binabasa bilang bedtime stories ay ang Kuneho at ang Pagong. Ang kwentong ito ay isinalaysay ni Boots Pastor.
Tungkol ito sa kuneho at pagong na nag desisyon mag karera papunta sa tuktok ng bundok. Minamaliit lamang ng kuneho ang pagong dahil sa bagal nito kung kaya’t nakatulog ito sa ilalim ng puno upang hintayin ang pagong. Hindi namalayan ng kuneho na naunahan na pala ito ng pagong.
Ang aral na makukuha dito ay dapat ay matutong rumespeto at huwag maliitin ang kalaban, dahil sa huli, siya ang magiging talo. Makikita ang kwentong ito sa Si Kuneho at Si Pagong | The Tortoise and The Hare | Children Story | Kwentong Pambata
5. Ang Lobo at ang Pitong Tupa
Ang lobo at ang pitong tupa ay tungkol sa nanay na tupa na iniwan ang kaniyang mga anak dahil may gagawin ito. Pinagbilinan niya ang mga ito na huwag bubuksan ang pinto dahil sa lobo.
Ilang beses nilinlang ng lobo ang maliliit na tupa hanggang sa maniwala ito ang buksan ang pinto. Kinain ng lobo ang maliliit na tupa ngunit ay nailigtas naman sila ng nanay nila.
Ang aral sa kwentong ito ay laging makinig sa mga magulang. Maaring makita ang kwentong ito sa Ang Lobo At Ang Pitong Tupa [A Wolf and the Seven Lambs] | Bedtime Stories in Filipino
6. Ang Alamat ng Pinya
Ang alamat ng pinya ay tungkol kay Pinang at ang kanyang inang matiisin. Si Pinang ay isang dalagitang tamad, at walang alam na gawaing bahay. Tuwing may pinapahanap ang kanyang ina, si Pinang ay hindi nakikinig at hindi niya ito nakikita.
Dahil dito, sinumpa si Pinang ng kanyang ina. Ang aral dito ay huwag maging tamad at makinig sa magulang.
Ang kwentong ito ay isinuat ni Boots Pastor. Maaring mabili at mabasa ang librong ito sa halagang 69.00 pesos sa Alamat ng Pinya | Lampara Publishing House, Inc.
7. Pinocchio
Si Pinocchio ay gawa sa isang kahoy na inukit ni Gepetto. Siya ay isang bagay na kung kumilos ay parang bata. Sa tuwing siya ay may sasabihin na kasinungalingan ang ilong niya ay humahaba at bumalik lang ito pag nagsabi sayo ng totoo.
Ang aral sa kwentong ito ay lagi tayong maging matapang at huwag mag sinungaling. Ito ay hango sa fairytale na kwento ni Carlo Collodi na isinalaysay sa tagalog. Maaaring makita ang tagalog bedtime story na ito sa Si Pinocchio | Kwentong Pambata | Mga Kwentong Pambata | Filipino Fairy Tales
8. Ang Duwende at ang Sapatero
Tungkol ito sa isang sapatero na tinutulungan ng mga duwende na gumawa ng mga sapatos palihim. Tuwing umaga, madadatnan na lamang ng ang sapatero ang mga magagandang gawa na sapatos ng mga duwende.
Ang aral sa kwentong ito ay pasalamatan ang mga taong tumutulong sa atin kahit na sa simpleng paraan. Ito ay hango sa kwento nina Jacob at Wilhelm Grim. Maaaring rin makita ang kwentong ito sa Ang mga Duwende at ang Zapatero | Kwentong Pambata | Mga Kwentong Pambata | Filipino Fairy Tales
9. Ang Mahiwagang Sombrero
Si Koko ay nagkaroon ng isang mahiwagang sumbrero na sa tuwing isusuot niya ito ay magkakaroon siya ng gintong salapi. Pagkatapos ng tatlong beses na pag gamit ng sumbrero sa tuwing gagamitin niya ito ay mababawasan na ang kaniyang tangkad.
Ang aral sa kwentong ito ay pag isipan munang mabuti bago gawin ang isang bagay. Ito ay isinulat ni Jomike Tejido. Maaaring mabasa at mabili ito online sa Ang Pambihirang Sombrero — a Filipino book for kids – Adarna House sa halagang 99.00 pesos.
10. Ang Pagong at ang Matsing
Ang Pagong at si Matsing ay kwento ng dalawang mag kaibigan, kung saan ipinapakita ang kanilang mga ugali. Nangako ang matsing na bibigyan niya rin ang pagong ng saging. Sa huli, kinain lahat ng matsing ang dapat ay hatian nila sa saging at dito nagalit ang pagong.
Pinaparating ng kwentong Pagong at Matsing na hindi tayo dapat nangiisa o nanloloko ng ating kapwa. Ang tagalog bedtime story na ito ay isinulat ni Virgilio Almario at maaring makita sa Si Pagong at si Matsing.
Habang binabasahan ng bedtime story ang iyong anak, makakatulong din ang pagpapainom ng gatas para magkaroon siya ng mahimbing na tulog. Narito ang ilan sa mga pedia at mom-approved brands na maaari mong mabili:
Promil Gold Four-Powdered Milk Drink
Naghahanap ng formula milk for children’s brain health? Subukan ang Promil Gold Four-Powdered Milk Drink for your precious one!
Enriched ang gatas na ito sa brain-boosting lipids o Alpha-lipids. Naglalaman ito ng mga components na napatunayang nakakapagpabilis ng brain connections. Bukod diyan ay naglalaman din ito ng Choline na maaaring makatulong sa kanilang mental function.
Isa pang maganda rito ay ang Lutein na nakakatulong para magkaroon ng normal vision ang bata. Sinugurado rin ng Wyeth na wala itong sucrose para maiwasan ang labis na pagdagdag ng timbang sa bata o pagiging obese. Sapat din ang Calcium at Vitamin D content nito para sa bone development ng iyong anak.
Bakit namin ito nagustuhan:
- With Alpha-lipids for brain development
- Contains choline for better mental function
- Has Lutein that aids vision
- With Calcium and Vitamin D
NIDO 5+ Powdered Milk Drink
Para sa karagdagang proteksyon sa ubo’t sipon, narito ang NIDO 5+ Powdered Milk Drink. Naglalaman ito ng Lactobacillus Protectus na nakakapagpalakas ng upper respiratory tract ng mga bata.
Dinagdagan din nila ito ng other important nutrients gaya ng Biotin, Zinc at Omega 6 para sa normal development ng bata. Bukod pa riyan, tiyak na magkakaroon ng strong bones and muscles ang bata dahil sa magnesium, phosphuros at calcium na mayroon ang gatas na ito.
Sa kabilang banda, wala itong halong sucrose o table sugar. Ito ay para makaiwas magkaroon ng labis na timbang ang mga bata.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Strengthens upper respiratory tract
- Good for bones and muscles
- No added sugar
- Lowers risk of obesity
Bonakid Pre-school 3+ Powdered Milk Drink
Protektahan ang immune system ng iyong anak sa tulong ng Bonakid Pre-school 3+ Powdered Milk Drink. Mayroon itong triple boost formula na nakakapagbigay ng sapat na nutrisyon sa katawan ng bata.
Talaga namang pinatunayan nila ang “Batang May Laban" na kanilang tagline. Sinigurado nilang ang gatas na ito ay high source ng iba’t ibang nutrients para lumaking malakas ang bata. Ang growth support nutrients na taglay nito ay nakakatulong sa maayos na paglaki ng bata dahil sinusuportahan nito ang buto at ngipin.
Mas magiging active rin ang iyong anak dahil sa energy support nutrients na nilalaman ng formula milk. Kabilang diyan ang Carbohydrates at iba Vitamin B1, B2, B3, B6 at B12.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Supports kids’ immune function
- Helpful in growth and development
- Has energy support nutrients