Mga home remedies para sa ubo na hindi kailangan ng gamot

lead image

Sa susunod na mayroong magkasakit sa pamilya, subukan itong mabisang home remedies para sa ubo, na hindi nangangailangan ng medisinang galing sa botika.

Malamig na naman ang panahon, at madalas ay bigla ring iinit. Simula na ng pag-atake ng nakakainis na pag-ubo. Ayon sa mga espesyalista, ang madalas na pag-ubo ay sanhi ng impeksiyon o allergy. At kapag pabalik-balik at di mawari kung ano nga ba ang nakakapagpadalas nito, nagdadalawang-isip ang mga magulang sa pagpapainom ng gamot sa anak, lalo’t bata pa ito. Masama nga din kasi ang sobrang gamot sa katawan. Ayon sa mga matatanda, maraming mga tradisyonal na paggamot o home remedies para sa ubo na pawang ligtas at subok na.

Mainam pa rin ang magpatingin sa doktor, lalo’t mga bata ang may sakit, at lalo na kung  nakikitang hindi nawawala ang pag-ubo. Ang mga home remedies ay para makatulong na maibsan ang discomfort ng pag-ubo, at magkaron ng alternatibo, dahil hindi rin naman pwedeng tuloy-tuloy ang pag-inom ng medisina.

Kung ang pag-ubo ay hindi malala, ang mga tradisyonal na paggamot ang pwedeng gawin para lang matigil ang pag-ubo at maibsan ang pananakit nang hindi kinakailangan uminom ng allopathic medication.

Uminom ng Honey

Isang kutsarang honey lang ay napalaki ng ginhawang maibibigay sa bata. Ang honey ay may analgesic properties, o maaaring makatulong sa pagtanggal ng sakit. Dumidikit ito sa naiiritang mucous membranes, tinatakpan ang mga ito at nakakapagpaginhawa ng pakiramdam. Mayron din itong antibacterial properties, na makakatulong kung ang ubo ay sanhi ng bacteria. Kadalasan ay hinahalo ang honey sa maligamgam na gatas para inumin. Tiyak ang ginhawa ng dibdib pagkainom nito, lalo bago matulog sa gabi.

Kapag may dry cough o ubong walang plema (na masakit sa lalamunan at dibdib), ihalo lang ang honey sa grape juice. Kung umiinom na ng gamot, sabayan din ng honey at lemon juice sa maligamgam na tubig, tatlong beses sa isang araw para maibsan ang pag-ubo.

Ang isang pwede para sa mga baby ay ito: paghaluin ang asin, isang kutsaritang honey, 2 kutsarang anise seeds, at isang basong tubig. Pakuluan ito at salain, bago ipainom sa bata, isang kutsarita sa makalawang oras. Kapag napansin nang bumubuti ang ubo, bawasan ang dalas ng pagpapainom.

Luya

Luya ang isa sa pinakaepektibong remedyos sa ubo. Para sa tuyong ubo, pakuluan lang ang hiniwang luya, at ipainom ng paunti-unti ang pinagtubigan nito. Lagyan ng konting honey para makatulong sa lasa nito na maaaring hindi magustuhan ng bata. Nakakatulong ang luya sa paglalaway at pagtunaw at paglabas ng plema o mucus mula sa dibdib at sistema.

Tubig na may asin

Ang pagmumumog ng tubig na may kalahating kutsaritang asin ay nakakatulong na mailabas ang plema na nasa lalamunan, at nakakatulong na maibsan ang sakit ng lalamunan. Gawin ito 4 hanggang 5 beses isang araw. Nailalabas nito ang bacteria at toxins na nagpapalala sa ubo at plema.

Turmeric

Ang turmeric ay may curcumin, na nakakagamot sa sore throat at ubo. Ang curcumin ay anti-bacterial at anti-inflammatory properties, na epektibong nakakagamot sa ubo at sipon. Magpakulo lang ng isang tasang tubig at isang kutsara ng turmeric powder. Maaari ding haluan ng paminta at cinnamon sticks par mas epektibo at magkaron ng mas kaaya-ayang lasa. Pakuluan ito ng 3 hanggang 4 na minuto at ipainom dalawang beses isang araw. Dagdagan din ng honey para sa lasa at para din maging mas epektibo. Ang iba ay hinahalo ang turmeric sa gatas.

Ang iba naman ay hinahalo ang kaunting turmeric sa isang kutsaritang honey para sa paggamot ng tuyong ubo, 3 hanggang 4 na beses isang araw. Ang iba ay nagpapakulo ng 4 na tasa ng tubig at hinahaluan ng isang kutsarang turmeric powder, at saka pinipigaan ng lemon at hinahaluan ng honey para ipainom.

Paminta

Ayon sa New England folk medicine at traditisyonal na Chinese medicine, paminta ang isang mabisang panlaban sa ubong ma-plema. Ang paminta daw ay nakakapag-stimulate ng circulation at pagdaloy ng mucus o plema. At dahil ang honey ay sinabi ngang natural na cough suppressant at mild antibiotic, ang pagsasama ng dalawang ito ay sadyang epektibo na panlaban sa ubo. Ihalo ang isang kutsaritang pamintang durog sa 2 kutsarang honey sa isang tasa. Buhusan ng kumukulong tubig, at iwanan ng 15 minuto. Salain kung kailangan. Hindi ito mabisa sa tuyong ubo dahil ang pangunahing ginagawa nito ay ang pagpapaluwang ng plema.

Almonds

Sa ilang kultura, almonds ang ginagamit kapag may problema sa baga, tulad ng pag-ubo. Dinudurog ang almonds at hinahalo sa orange juice.

Thyme

Ang dahon ng herb na thyme ay matagal nang ginagamit para sa panlaban sa mga sakit sa respiratory system, lalo na sa bansang Germany. Nakagagamot ito ng upper respiratory infections, bronchitis, at whooping cough, dahil ang thyme ay hitik sa cough-suppressant compounds. Nakakagamot ito sa short-term bronchitis at walang tigil na pag-ubo. Ang thyme ay may flavonoids na kilalang anti-microbial o panlaban sa mikrobyo sa katawan. Narerelax din nito ang lalamunan na namamaga dahil sa pag-ubo. Magdikdik ng dahon ng thyme at ihalo sa osang tasang tubig, saka pakuluan. Hayaan muna ng 5 hanggang 10 minuto, saka inumin.

Steam Treatment

Epektibo ang pagpapausok para mapaluwag ang naninikit na plema at napapaginhawa ang paghinga. Maglagay lamang ng bagong kuong tubig sa isang bowl, lagyan ng 3 hanggang 4 na patak ng eucalyptus oil at 3 hanggang 4 na patak ng tea tree oil. Ang iba ay gumagamit ng vaporub sa halip na oil. Iharap ang batang may-ubo sa usok ng bagong kulong tubig, at magsaklob ng tuwalya para siguradong maamoy ang usok. Siguraduhin ding hindi madaling matatabig ng bata ang lalagyan ng tubig, at hindi nakakapaso ang lalagyan, sakali mang madampi sa balat ng bata.

Kung hindi kampante sa steam bowl, paliguan na lamang ang bata sa maligamgam na tubig. Ang steam ay kalaban ng ubo, kaya’t ito ang kakampi ng mga magulang. Nakakapagpaluwag kasi ito ng airways o paghinga, at tinatanggal ang plema sa lalamunan at baga. Isang babala lang: ang paraang ito ay hindi mabuti para sa mga may hika.

Vaporubs

Ito na siguro ang pinakakilalang paraan ng pagpapaginhawa kapag may ubo. Mabisa ito sa mga batang 2 taong gulang pataas, ayon sa mga pagsusuri sa Penn State College of Medicine, USA. Ito ay may menthol, camphor at eucalyptus na nakakatulong sa pagpapaluwag ng paghinga at namumuong plema na sanhi ng pag-ubo.

 

SOURCES:

WebMD

https://www.mnn.com/health/

www.rd.com

Photos screen capped from: pxhere.com

READ: Inuubo si Baby, alam mo ba ang gagawin?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!