Stay-at-home-mom inirereklamo ang kaniyang tamad na asawa, netizens nagbigay ng payo sa kaniya

Kung ikaw ang nasa posisyon niya, ano kaya ang gagawin mo sa iyong asawa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang dapat mong gawin kung may tamad na asawa ka?
  • Paano mai-encourage ang iyong asawa na tulungan ka sa mga gawaing-bahay?

Ang mga bagong panganak na ina ay dumadaan sa tila rollercoaster ride ng physiological at emotional changes. Dagdag pa bagong responsibilidad na kailangan nilang harapin.

Mas lumala pa nga ang burden nilang ito kapag walang tumutulong sa kanila. Lalo na ang kanilang asawa na sumumpang hahatian sila ng responsibilidad sa pagiging magulang sa kanilang anak.

Ito ang isang concern na ibinahagi ng isang ina online. Ayon sa kaniya mula ng maipanganak ang kaniyang unico hijo ang buong buhay niya ay nabago at siya ay naging isang stay at home mom nalang.

Dagdag pa ng Stay-at-home-mom (SAHM), ang asawa niya hindi nagpapakita ng interes sa pag-aalaga sa kanilang anak na ngayon ay magdadalawang-taong gulang na. Ito ay hindi lang basta mabigat para sa kaniya, nag-aalala rin siya na baka makaapekto ito sa development ng kaniyang anak.

Reklamo at hinaing ng Stay-at-home-mom sa tamad na asawa niya

Screengrab: Reddit

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula sa salitang Ingles at isinalin sa wikang Filipino, ito ang ibinahagi ng Stay-at-home mom na inirereklamo ang tamad na asawa niya.

“Wala na akong mga kaibigan. Wala narin akong ginawang iba na walang kaugnayan sa mga gawaing-bahay. Hindi ako lumalabas, maliban na lang kung mayroon kaming family dinner. Ang mister ko walang pinagbago. Ginagawa niya ang mga gusto niyang gawin at hindi rin siya tumatagal sa loob ng bahay namin. Lagi siyang lumalabas kasama ang mga kaibigan niya, umiinom at ginagawa lang ang mga gusto niya. Naiinis siyang gumawa ng kahit anong parenting decisions para sa anak namin. Pero para sa akin hindi siya isang parent o magulang kahit na katiting.” “Nakikita niya ang anak namin mga dalawang oras lang sa isang araw. Pag-uwi niya galing trabaho, matutulog na siya. Gigising lang siya kapag aalis na siya o kapag gusto niyang maglaro ng video game. Sabi pa niya para magkaroon lang ng oras sa aming anak ay kailangan niyang i-sacrifice iyong pagtulog niya. Pati na iyong mga bagay na kinahihiligan niya at nag-ienjoy siyang gawin. Pero hindi ba parte iyon ng pagiging magulang niya? Ni kahit minsan hindi rin siya nagising sa gabi para alagaan ang anak namin kapag gising. Never niya iyong ginawa.”

Gustuhin niya mang iwanan ito ay wala siyang mapuntahan at iniisip niya ang magiging epekto nito sa anak nila.

“Lagi niya ring sinasabi sa akin na ginusto ko ang maging stay at home mom at gusto ko daw ba na matulad siya sa akin. Pero kailan ba naging ibig sabihin na kapag SAHM ka lahat gawain mo na. Hindi niya ko tinutulungan sa gawaing-bahay, sa pag-aalaga sa anak namin. Tapos ako pa may problema kapag nag-reklamo ako. Lagi akong umiiyak sa gabi dahil sa pakiramdam ko nag-iisa ako.”

Nasabi rin ng ina na gustuhin man niyang umalis ay hindi pupwede. Dahil wala siyang malapit na kamag-anak na maaring puntahan.

“Naguguilty ako na masisira ang buhay ng anak ko dahil sa akin. Parang pakiramdam ko, marami na akong napag-iwanan dahil sa pagiging SAHM ko. Pero wala akong magawa, wala akong ibang pupuntahan. Ayoko ring sabihang muli ang asawa ko na magpakatatay sa anak namin. Dahil sabi niya makakasira lang daw ito sa mga plano niya.”

Ito ang reklamo at hinaing online ng stay at home mom na nakatanggap ng simpatiya at payo mula sa mga netizens. Ito ang mga nasabi ng netizens sa gulong-gulo na ina.

Payo ng mga netizens

1. Sumailalim silang mag-asawa sa couple counseling.

Pahayag ng isa sa mga netizen na isa ring SAHM, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng asawa ng nagrereklamong netizen. Sapagkat tulad niya, siya man ang gumagawa ng gawaing-bahay sa tuwing nasa trabaho ang asawa niya, naghahati naman sila sa gawaing-bahay kapag day-off nito sa trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo niya, mas mabuting sumailalim na sila sa couple counseling para maayos na ang kanilang problema.

BASAHIN:

Dapat nga bang pasalamatan ang mga mister kapag tumutulong sila sa gawaing bahay?

Trust your hubby! Dahilan kung bakit hindi dapat magselos kapag may kaibigang babae si mister

REAL STORIES: “Stay-at-home mom ako—hindi utusan”

Family photo created by master1305 – www.freepik.com 

2. Iwanan ang mister niya at bumalik na sa trabaho ang mommy netizen.

Payo naman ng isang netizen, mas mabuting umalis na lamang siya at iwanan ang kaniyang asawa. Dalhin nito ang kanilang anak at mag-stay muna sa mga kamag-anak niya.

O humanap ng mapagkakatiwalaang mag-aalaga sa kaniyang anak habang siya ay babalik sa pagtratrabaho o pag-aaral. Dapat siyang gumawa ng paraan para makaalis sa kasalukuyang sitwasyon niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Kumuha siya ng yaya na mag-aalaga sa anak niya.

Kumuha ng yaya na mag-aalaga sa anak niya, para may oras naman siya sa sarili niya. Ito naman ang payo ng isa pang netizen. O kaya naman umano ay isang makakatulong sa gawaing-bahay na siyempre ang magbabayad ay ang mister niyang nagtratrabaho.

Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang lahat sa kaniya at sa hindi niya napapansin ay malaki na ang anak niya.

4. Kumonsulta siya sa isang abogado.

Payo naman ng isang netizen, mas mabuting kumonsulta siya sa isang abogado para malaman niya ang mga karapatan niya. Para rin mas maliwanagan siya sa kung anong maaari niyang gawin para mawala na ang mga agam-agam niya.

5. Mag-usap sila ng mister niya.

Ayon naman sa isang mommy netizen, marahil ang kailangan nilang mag-asawa ay oras para makapag-usap. Ito ay para ma-discuss nila sa isa’t isa ang expectations nila.

Makakatulong din umano na bigyan niya ng oras ang asawa niya at ang anak nila na sila lang dalawa. Ito ay para ma-realize ng mister niya kung gaano kahirap ang ginagawa niya bilang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang mga payo ng netizens sa stay-at-home mom na hindi na alam ang gagawin sa tamad na asawa niya.

Kung tulad ka rin ng mommy netizen na may tamad na asawa at hindi ka hinahatian sa inyong parenting responsibilities, narito ang mga maaari mong gawin para ma-encourage siyang tulungan ka.

5 tips para ma-encourage ang iyong asawa na tumulong sa gawaing-bahay

1. I-express ang iyong sarili o iyong nararamdaman.

Ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa isang relasyon ay communication. Malamang iniisip mo bakit kailangan mo pang kausapin ang asawa mo, hindi niya ba nakikita ang paghihirap mo?

Ang sagot ay oo at kailangan mo itong sabihin sa kaniya. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-uusap habang umiinom ng kape o kung kailan parehong relax at kalmado ang isip ninyong dalawa.

Ipaintindi sa kaniya na labis ng nakakaapekto sa iyong kalusugan ang solong paggawa ng mga gawaing-bahay. Kung iniisip naman ng iyong asawa na wala namang mahirap sa iyong ginagawa, ipaliwanag sa kaniya kung paano ang pag-iisip niyang ito ay maaring makasama sa relasyon ninyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Hayaan mong gawin ng iyong asawa ang mga gawaing-bahay na nakaatas sa kaniya.

Kung may gawaing-bahay na dapat ay ang asawa mo ang gumagawa ay hayaan siyang gawin ito. Kahit na ba sabihing nalimutan niya ito maliban na lamang kung siya ay may katanggap-tanggap na dahilan.

Ito ay magbibigay sa kaniya ng ideya na hindi niya maaaring takbuhan ang mga tungkulin niya. Sa pagdaan ng mga araw, dahan-dahan ay matututo na siyang i-adjust ang schedule niya para magbigay oras sa mga tungkulin niya.

Photo by cottonbro from Pexels

3. Paghatian ang mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa inyong anak.

Kailangan ninyong pag-usapan ang maayos na hatian ninyo sa gawaing-bahay at pag-aalaga sa inyong anak. Tulad na lamang sa paggawa ng mga homework ng inyong anak na maaari niyang gawin sa oras na nakauwi na siya sa bahay ninyo pagkagaling sa trabaho.

O kaya naman tuwing weekends ay bigyan siya ng task na maaari niyang gawin. Halimbawa, ang pagpapasyal sa inyong anak sa parke o sa labas habang ikaw ay gumagawa ng mga gawain sa bahay ninyo.

4. Hayaan siyang ma-realize ang mga priorities niya.

Hindi masamang magsabi sa iyong asawa tungkol sa nararamdamam mo. Lalo na kung ito ay tungkol sa inyong anak o pamilya. Ipaalala sa kaniya na dapat kayo ang priority niya.

Halimbawa kung lalabas siya at iinom kasama ang mga kaibigan niya, habang ang anak ninyo ay may sakit. Sabihin sa kaniya na baka maaari ay ipagliban niya muna ang paglabas kasama ang mga kaibigan niya sa ibang araw. Sa halip ay gawin munang priority ang pag-aalaga sa inyong anak na masama ang pakiramdam.

5. Magtiwala sa iyong asawa at iwasan na bungangaan siya.

Kailangan mo ring pagkatiwalaan ang iyong asawa sa paggawa ng mga gawaing-bahay. Oo na’t aminin na natin na madalas ay mali mali sila sa paggawa ng gawaing bahay, matutunan niya rin ito kalaunan.

Huwag masyadong maging OC. Mag-relax at hayaan ang iyong asawa. Magtiwala na kaya niyang tulungan ka. Para sa ikakadali ng buhay mo at ikakaayos ng inyong pagsasama at pamilya.

 

Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa wikang Ingles sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.