X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "Stay-at-home mom ako—hindi utusan"

4 min read

May gusto lang akong linawin na kinikimkim ko pagdating sa pagiging housewife...

Nang magdesisyon kami ng asawa ko na ako'y magiging stay-at-home mom, yun ang magiging papel ko, isang INA. Hindi ako isang stay-at-home na taga-linis ng bahay.

Oo, naglilinis ako buong araw, ngunit nakatuon ako lagi sa aking mga anak.

should stay at home moms do all the housework Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)

Karamihan sa mga paglilinis na ginagawa ko sa isang araw ay may kasama ang mga anak ko: paglalaba, paghugas ng mga pinggan, pagvacuum, pagliligpit ng mga laruan. Nais kong malaman nila na kailangan ay samasama para panatilihing malinis ang isang bahay. Ngunit, kung buong araw ay magamit sa paglalaro at pag-aaral, at naiwang madumi ang bahay, tinutulungan ako ng asawa ko pagkauwi niya. Hindi niya ko pinapagalitan dahil hindi nahugasan ang mga pinag-kainan, kusa niya itong hinuhugasan.

Sabay naming tinutupi ang mga nilabhan matapos NAMIN patulugin ang mga bata. Ginagamit namin ang oras na ito para magkwentuhan ng mga nangyari o kung anong nasa isip namin. Siya kadalasan ang sa mga panlabas na gawain, dahil ginagamit niya ito bilang bonding time sa mga bata.

Bahay NAMIN ito, hindi lang akin. Anak NAMIN ang mga ito, hindi lang akin.

Hindi ako papayag na maaalala nila ako na lagi lang naglilinis. Hindi rin ako papayag na ang mga gawaing bahay ay nanay lamang ang gumagawa. Nananatili ako sa bahay para laging nandyan para sa kanila, hindi para panatilihin ang linis ng bahay. Kung gusto nilang makipaglaro, makikipaglaro ako. Kung gusto nilang maglambing, maglalambing ako. Kapag gusto nilang magkulay, gagawa kami ng masterpiece na idi-display sa ref. Kung gusti nilang magbasa, babasahan ko sila ng libro hanggang gusto nila. Hindi ko sinasabing hayaang dumumi ang bahay, ngunit marami ang lalaking umaaasang madadatnang walang dumi ang bahay dahil bahagi ito ng pagiging housewife ng asawa nila.

Bilang mga ina, hindi namin pinakawalan ang trabaho, pakikipag-usap sa iba, sweldo, at katinuan para maglinis ng bahay. At masasabi ko rin na karamihan sa amin ay mas-stressed sa kalat kaysa sa mga asawa namin.

Imbes na ituro sa iyong asawa ang dumi sa sahig, kumuha ka ng walis para linisin ito.

should stay at home moms do all the housework Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)

Kaysa magalit sa mga sulat ng marker sa table, kamustahin mo siya sa araw niya at yakapin siya. Imbes na tawagin siyang tamad dahil hindi naitupi ang mga nilabhan, pasalamatan siya pagpapalaki sa mga bata at kusang itupi ang mga ito. Kaysa punahin ang mga hindi nagawa, tanungin siya kung anong ginawa nila ng mga bata. Tanungin siya kung tumawa sila, anong tinuro niya, tsaka magtanggal ng sapatos at linisin ang kusina.

Ang pagiging housewife ang pinakamagandang regalong natanggap ko, subalit ito rin ang pinakamahirap kong gawain

Maraming beses akong nagpapasalamat sa asawa ko dahil ginagawa niya itong posible. Nagpapakahirap siyang magtrabaho para buhayin ang aming pamilya. Hindi ko inasahan na uuwi siya matapos magtrabaho para linisan ang buong bahay mag-isa. Hindi ko siya inaasahan na gumising maya-maya para pakainin ang bagong silang sa kalagitnaan ng gabi. At lalong hindi ko siya inaasahang umuwi para hugasan ang mga pinagkainan namin; alam kong maaari ko itong gawin kasama ang mga bata kinabukasan. Ngunit nagpapasalamat ako na hindi ako natatakot sa masasabi niya kapag umuwi siyang hindi malinis ang bahay.

Nagpapasalamat ako na may partner ako na nakakaintindi sa pagiging team player at gagawin ang mga bagay na ito nang walang alinlangan.

should stay at home moms do all the housework Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)

Nalulungkot ako kapag nakakarinig ng kwento ng nanay na pinagalitan ng ina dahil umuwi itong hindi perpekto ang bahay. O kaya naman na hindi sila tinutulungan ng asawa nila sa bedtime routine ng mga bata. Ang pagkakaroon ng pamilya ay kailangan ng matinding effort mula sa lahat, pati ng mga bata.

Ang pagtatrabaho at pagbabayad ng bills ay hindi excuse mula sa pagiging magulang at mga gawaing bahay.

Sa mga lalaki, kung binabasa mo to, pasalamatan ang inyong mga asawa. Pasalamatan siya dahil pinakawalan niya ang mayroon siya para palakihin ang inyong mga anak. Sa mga babae, pasalamatan ang inyong mga asawa na ginagawang posible ang pagiging stay-at-home mom. Tandaan ninyo, makakapag-antay ang kalat.

Ang article na ito ay unang nai-publish sa CafeMom at ini-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Basahin: Dapat nga bang pasalamatan ang mga mister kapag tumutulong sila sa gawaing bahay?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • REAL STORIES: "Stay-at-home mom ako—hindi utusan"
Share:
  • STOP saying "Nasa bahay ka lang naman, diba?" to Stay-At-Home Moms

    STOP saying "Nasa bahay ka lang naman, diba?" to Stay-At-Home Moms

  • Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?

    Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • STOP saying "Nasa bahay ka lang naman, diba?" to Stay-At-Home Moms

    STOP saying "Nasa bahay ka lang naman, diba?" to Stay-At-Home Moms

  • Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?

    Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.