How unemployment affects relationships? Given na ang mahirap na situation ngayong pandemic at mahirap talagang makahanap ng trabaho.
Mababasa sa artikulong ito:
- Walang trabaho ang asawa ko, ano nga bang dahilan?
- 5 signs na tamad ang asawa at kung ano ang iyong gagawin
- Ano ang gagawin kapag tamad ang asawa?
How unemployment affects relationships | Image from Freepik
Ngunit, ang asawa mo ba ang tipo ng tatay na hindi makatagal sa trabaho o takot maghanap ng pagkakakitaan? Naku! Bago magalit mommy at bungangaan si mister, intindihin muna ang kaniyang nararamdaman.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw maghanap ng trabaho ng asawa ko? Bakit hindi siya makatagal sa isang environment katulad nito?
Walang trabaho ang asawa ko, ano nga bang dahilan?
Sa mata ng ibang tao, kapag walang trabaho ang asawa mo, una nilang maiisip ay tamad ito o ayaw maghanap ng trabaho.
Ngunit bilang asawa, tayo mismo ang nakakaintindi at nakakaalam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi nakakahanap ng trabaho ang ating mga asawa. Narito ang ilang dahilan para matukoy ito.
BASAHIN:
Help! Mas mahal ko na ata ang mga anak ko kaysa kay mister, okay lang ba ito?
Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa
I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga
Mababa ang kaniyang self-confidence
Mahirap mang paniwalaan na ang superman ng iyong family ay mababa ang self confidence ngunit nangyayari talaga ito kay mister. Bilang asawa, kailangan nating maging pasensyosa at maging malakas ang loob para sa kanila.
Nagyayari talaga na nagkakaroon ng down times si mister. Maaaring hindi siya nakakapaghanap ng trabaho dahil pinaghihinaan ito ng loob dala ng pressure sa sarili o sa paligid nito.
Normal ito bilang isang tao na nag nanais na umasenso sa buhay. Mahalaga ang role ng pamilya kay tatay bilang isang support stem kapag siya ay nangangailangan.
Takot magkamali
May iba namang tatay na takot na maghanap ng trabaho dahil sa pagiging mapili nito. May pagkakataon kasi talagang hindi sila natatanggap at hindi nakukuha ang desired position na gusto nila.
Sapagkat sa takot o mga sasabihin ng taong nakapaligid sa kanila, mas pinipili ng mga ito na ‘wag tanggapin ang naibigay na trabaho sa kanila dahil hindi ito ang nasa unang plano nila. Takot sila sa sasabihin o magiging reaksyon ng iba sa kaniyang magiging trabaho.
Takot din ang ibang tatay na magkamali at husgahan ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Bukod sa mga ito, ano pa ba ang dahilan kung bakit hindi makapagtrabaho ang isang padre pamilya? Sadyang may pinagdadaanan lang ba siya o talagang tamad lang siyang magtrabaho?
How unemployment affects relationships? | Image from Freepik
5 signs na tamad ang asawa at kung ano ang iyong gagawin
Narito ang limang signs na sadyang tamad lang ang isang asawa at kung ano ang dapat mong gawin.
1. Tamad sa gawaing bahay
Gigising ng umaga para magluto ng umagahan, magdidilig ng halaman, magpapaligo ng mga bata, maglalaba. Ang mga gawaing bahay na ito ay hindi na bago sa mga nanay.
Ginagawa nila ito ng sabay-sabay at halos araw-araw na rin. Kaya naman hindi maiiwasang makaramdam ng pagod ang nanay lalo na kung siya lang ang kumikilos sa loob ng bahay.
Isang senyales na tamad ang isang asawa kapag hindi ka man lang nito tinutulungan sa gawaing bahay kahit na nakikita kana niyang nahihirapan.
2. Trabaho bago ang pamilya
Ibang usapan na kung ganito si mister. Pakiramdam mo ba na mas mahalaga ang trabaho niya kaysa sa ‘yo o sa mga anak mo? Isang indikasyon na tamad ang iyong asawa kapag lagi nitong inuuna ang trabaho kaysa sa pagtulong sa ‘yo sa gawaing bahay kahit na wala itong ginagawa.
3. Pagiging “sweet-talker”
Isa pang dapat bantayan ay ang pagiging ‘sweet talker’ ni mister. Ito ay nangyayari kapag pinakiusapan mo siyang maghugas ng pinggan at ang tangi niyang sagot ay “Mas magaling kang maghugas. Baka magkamali lang ako.”
May kaugnayan ito sa sugar coating o hindi direktang pagsasabi ng ayaw gawin ang isang bahay at dinadaan na lamang sa matatamis na salita.
4. Pagkakalat
Ang asawa mo ba ay mahilig mag-iwan ng kaniyang pinagkainan na balat ng chichirya sa lamesa o hindi nililigpit ang pinag-inuman ng alak? Kahit na alam niyang marami kang ginagawa?
Moms, isa itong senyales na tamad ang asawa mo.
5. Pagiging “makakalimutin”
May ibang asawa na ganito ang ginagawa nilang palusot sa hindi paggawa ng isang gawaing bahay. Maaaring isang gabi, pagkauwi mo galing trabaho ay nakita mong hindi siya nagtapon ng basura. Ang sagot niya? “Nakalimutan ko.” kahit na ilang beses mo siyang pinaalalahanan sa gawaing ito.
Isa pang uri nito ay ang mga salitang “Hindi mo naman sinabi sa’kin na kailangang itapon ang basura.”
Ano ang gagawin kapag tamad ang asawa?
Kausapin ito
Kung ang iyong asawa ay walang ibang pinagkakaabalahan katulad ng trabaho, kausapin ito na kung maaari ay tulungan ka niya sa gawaing bahay. ‘Wag matakot na sabihan siya. Tanungin kung anong gusto niyang gawin at suportahan na lamang.
Hatiin ang gawaing bahay
Kung may trabaho si mister, maaaring kausapin ito at maghati sa gawaing bahay. Magandang ilagay ang kaniyang gawain sa weekends kapag nasa bahay lang ito.
Pwedeng ikaw sa araw-araw na paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng bahay o pagluluto. Pagsapit naman ng hapon, kailangan niyang magdilig ng halaman at magtapon ng basura.
Bigyan ng papuri
Isang tip sa tamad na asawa ay bigyan ito ng papuri o pasalamatan sila sa mga bagay na ikinakatuwa mo. Maaari kasi niyang ikatuwa ang simpleng papuri mo at hindi tatagal ay magkukusa na ito.
Maaaring simulan sa pagsuyo sa pagtatapon ng basura o pagdidilig ng halaman. Tiyaga lamang at maaaring makita mo ng paunti-unti ang pagbabago ng iyong asawa.
Maging matigas ngunit ‘wag manigaw
Kailangan mong ipakita na ikaw ay matigas at may isang salita. Ngunit tatandaan na hindi kailangang sumigaw dahil ito ay magdadala lamang ng tensyon sa inyong dalawa. Ipakita kay mister na kailangan niyang gawin ang isang bagay at walang ibang dahilan para hindi ito matapos.
Tandaan na hindi ibig sabihin na ikaw ang babae ay ikaw lagi ang gagawa ng gawaing bahay. Ipaunawa sa iyong mister na dapat team work kayo sa inyong pamilya at pati na rin sa pagpapalaki sa inyong anak.
Source:
Dr. Natalie Jones, Marriage, Bonobology
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!