Ano nga ba ang tamang pag-disiplina sa mga bata?
Ang pagpalo sa anak ay isang normal na gawain ng mga ina. Karamihan sa mga magulang ay naniniwalang ang pagpalo kapag may ginawang mali ang isang bata ay paraan ng pagdidisiplina. Ang iba naman ay nakikita ito bilang pang-aabuso sa kanilang mga anak dahil alam nila ang negatibong epekto nito sa bata.
Karamihan sa mga eksperto ay nagsasabing ang pagpalo ay nakasasama sa mga bata. Maaari raw kasi itong makaapekto sa kanilang pag-uugali na dadalhin nila hanggang sa kanilang paglaki.
Ngunit alam niyo bang isa rin ito sa mga dahilan kung bakit lumalayo ang loob ng anak mo sa iyo? Kaya sa mga magulang na ang pagpalo ang kanilang paraan ng pagdidisplina, siguro kailangan niyo nang mag-isip kung makakatulong ba talaga ito sa kanila.
Sa halip na paluin ang anak mo, subukan mo ang mga ito
1. Magbigay ng paalala
Imbis na paluin ang bata, maaari mo silang bigyan ng consequence kung hindi sila magtitino. Halimbawa, kapag hindi nila naubos ang kanilang pagkain, ang kapalit nito ay hindi sila pwedeng maglaro o manood ng TV.
Ang consequences na ito ay maaaring makatulong sa mga bata para maintindihan nila ang paggawa ng masama at ang hindi pagsunod sa utos ay may kapalit na parusa. Hayaan niyo silang matuto sa kanilang pagkakamali at ma-realize nilang ang pagsunod sa rules ay kailangan. Mas mabuting disiplinahin ang anak nang walang nangyayaring pananakit.
2. Maging consistent
Kung pasaway ang anak mo, kailangan mong maging consistent sa mga rules na ibibigay mo sa kanya.
Kapag naglalambing ang iyong anak pagkatapos mong disiplinahin, hindi mo maiwasang maawa dito kaya nagkakataong nababawasan o nababago mo ang mga binibigay mong parusa sa kanya. Sa ganitong sitwasyon kailangan mong panghawakang maigi ang iyong desisyon na disiplinahin ang iyong anak para maramdaman nito ang iyong sinseridad.
3. Magbigay ng reward
Mahalaga ring bigyan ng reward ang anak mo kapag nakagawa ito ng mabuti o ‘di kaya’y sumunod sa iyong rule. Sa maliliit na mga bagay na na-accomplish niya, maaari mo siyang bigyan ng compliment o pasalamatan sa kanyang ginawa. Sa malalaking achievements naman, katulad kapag nag-excel siya sa school, pwede mo siyang bigyan ng reward katulad ng treats o mga fun activities na siguradong magugustuhan niyang gawin.
Laging tatandaan na bago mo paluin ang bata, kailangan mo munang isipin ang maaaring maging dulot nito sa kanya. Kailangan mong maintindihan na ang pagdidisiplina sa bata ay hindi na dapat umabot sa pisikal na pananakit. Maaari rin na napapalo ng mga magulang ang kanilang anak dahil sila ay masyadong stressed at pagod, ibig sabihin, minsan ay nagagawa nila ito hindi na lang dahil gusto nilang madisplina ng tama ang kanilang mga anak. Minsan ito ay dala na ng emosyon.
Ang tamang pag-disiplina sa mga bata ay ang pagtuturo sa kanila na sumunod sa rules. Sa halip na paluin ang iyong anak, humanap ng ibang paraan para madisiplina ang inyong mga anak. Tandaan na sa pamamagitan ng pagdidisiplina, natuturuan mo ang iyong anak na ma-improve ang kanyang sarili.
If you want to read an english version of this article, click here.
BASAHIN:
7 Palatandaan na kailangan ng mas higit na disiplina ng isang bata
10 warning signs na mali ang pagdi-disiplina sa bata
10 bagay na dapat iwasan upang hindi maging slow-learner ang anak mo