Sabi nga ng sikat na African na kasabihan, “It takes a whole village to raise a child.”
Ang pagiging magulang ay malaking trabaho na kailangan ng oras, pagmamahal at responsibilidad. Bawat magulang ay isang guro sa kanilang anak, kaya ang magaling at tamang parenting skills ay mahalaga sa kanilang development.
Ang mga magulang ay may malinaw na ideya dapat kung ano ang itatanim sa isip ng mga bata. Ang maling parenting madalas ay may negatibong epekto sa mga bata na maaaring magresulta ng hindi nais na kahihinatnan.
Ito ang 10 senyales na makikita sa bata na maaaring dulot ng maling pagdisiplina sa bata:
10 Senyales ng maling pagdisiplina sa bata
1. Pagsigaw at pagmumura
Kung madalas sumigaw at magmura ang bata, maaaring nakuha nila ito sa kanilang magulang. Ang ugali ng bata ay isang salamin sa kanyang mga magulang. Kaya, siguraduhin na ikaw ay kalmado at gumamit ng tamang mga salita kapag kausap ang mga kaibigan, kamag-anak at asawa. Monkey see, monkey do!
2. Stressed at unmotivated
Madaling makita ang stressed na bata base sa kanyang mukha at ugali. Sa ating lubos na mapagkumpitensyang mundo, normal na para sa lubos na mapagkumpitensyang mga magulang ang ipadala ang anak sa labis na enrichment classes para makalamang.
Pwede bang hayaan natin ang mga bata na magkaroon ng masaya, maganda at hindi malilimutan na pagkabata? Bawat bata ay nag-aangkin ng ilang uri ng talino. Kaya, tandaan na huwag ipilit ang bagay na hindi nila gusto. Ang masayang bata ay masiglang bata!
3. Gusto lamang pumunta sa mga lugar na may aircon
Dahil sa mainit na panahon, natural lamang na gustuhin ng mga bata pumunta sa mga mall para labanan ang init. Kahit okay lang ito paminsan-minsan, ang laging paggawa nito ay magiging magastos na sitwasyon.
Sa ganitong kaso, kailangang ipaliwanag ng mga magulang sa mga anak na hindi kailangan na sa mall ang bonding ng pamilya. Maaaring magpunta sa mga parks, maglaro ng board games sa bahay, o sama-samang maglinis ng bahay.
Sabihan at ipakita sa kanila kung gaano makakapagtipid para magamit ang maiipon sa kanilang mga pangarap paglaki nila.
4. Gusto laging karga
Kapag laging nagrereklamo ang bata na sila ay pagod at nagpapabuhat, dahil ito sa iyo. Bawat magulang ay dapat matatag at sabihan ang anak, “Tingin mo hindi ako pagod na karga ka. Sumasakit ang mga braso at likod ko na tila malapit nang matanggal!” Ipa-alam sa kanila ang iyong punto at huwag siyang sobrahan ng pag-aalaga!
5. Ayaw gumawa ng gawaing bahay
Isa itong classic na halimbawa ng ayaw gawin ng mga bata! Nais lang ng bata maglaro, maglaro at maglaro! Responsibilidad ng magulang na turuan ng bata nang maaga na ang gawaing bahay ay bahagi ng pagtanda at dapat nilang tanggapin at i-enjoy.
6. Adik sa smartphone/tablets
Ito ang pinaka nakaka-alalang issue dahil karaniwang makakakita ng bata na nakatuon sa smartphone o tablet. Ang mga magulang ngayon ay gumagamit ng electronic devices para aliwin ang mga anak. Ngunit, napakahalagang magtaguyod ng limitasyon sa oras ng paggamit bago sila ma-adik dito.
Napakita ng mga pag-aaral na ang matagal na exposure sa electronic devices ay nagdudulot ng sleep disorder at iba pang problema sa kalusugan na nakakapinsala sa kabuohan ng bata.
Kaya mangyaring tandaan na magtalaga ng house rules at i-kontrol ang paggamit ng electronic devices ng iyong anak at bigyan sila ng higit na quality time.
7. Ayaw magligpit ng laruan matapos maglaro
Kung napapabilang dito ang iyong anak, dapat ituro sa kanila ang kahalagahan ng pagliligpit matapos maglaro.
Kung ayaw nilang sumunod, sundan ito ng angkop na parusa.
8. Nagtatantrums kung hindi makuha ang gusto
Maraming hinihingi ang mga bata at tingin nila ay nahuhulog ang pera mula sa langit. Gusto nilang bilhin lahat ng makikita nila. At kung laging bumibigay sa kanila, hindi natuturo ang halaga ng pera at ng pagtatatrabaho para makuha ang gusto.
9. Hindi magandang ugali
Ang batang hindi maganda ang ugali ay hindi malayo ang mararating sa buhay, gaano man ka-edukado o kayaman.
Madalas sinasabi ng mga tao na kapag hindi maganda ang ugali ng bata, nakuha ito sa mga magulang. Bawat magulang dapat ay gawin ang makakaya para maitanim ang tamang paguugali at moralidad sa mga anak. Ito ay masmahalaga kaysa sa pagiging mayaman at successful sa buhay.
10. Nagsisinungaling
Hindi dapat nagsisinungaling ang mga magulang sa mga anak. Ang mga anak ay buong pusong nagtitiwala sa mga magulang at sila ang kanilang pinagkukunan ng impormasyon. Ang bata ay masasaktan at malilito kapag nalaman na nagsisinungaling o may tinatago ang kanilang mga magulang. May malaking posibilidad din na gumaya sila. Ang pagtitiwala ay isang mutual na bagay kaya magint tapat sa iyong mga anak.
Mag-iwan ng komento at sabihin ang masasabi tungkol sa article na ito.
Ini-republish nang may pahintulot sa: theAsianParent Singapore
Basahin: ‘Magic words’ na maaaring gamitin para matigil ang tantrums
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!