6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

Paano nga ba ang tamang pag disiplina sa bata na mabilis uminit ang ulo? Bilang isang magulang nais natin na lumaki ng mabuting bata ang ating mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglalaro lamang ang bata ngunit biglang nakanti at nagwala na dahil dito? O di kaya natitigan lang ay bigla ng maghahamon ng away? Paano nga ba ang tamang pag disiplina sa bata na mabilis uminit ang ulo?

Bilang isang magulang nais natin na lumaki ng mabuting bata ang ating mga anak. Kaya naman likas na sa atin ang disiplinahin sila kapag napapansin nating nag-iiba ang kanilang asal.

Ngunit pagdating naman sa pagka-bugnutin at pala-away ng ating lumalaking anak, aminin na natin, dito masusubok ang pasensya natin. Lalong humihirap ang trabaho natin kung pati matanda ay inaaway nito.

Hahantong ka sa dalawang choices: disiplinahin ang iyong anak o hahayaan mo na lang siyang kumalma nang mag-isa.

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

Sa ganitong klaseng pagdidisiplina, alam na ng mga magulang kung paano kontrolin ang kanilang emosyon. Gustuhin mang sumigaw din at mamalo ng anak, alam nating hindi ito ang solusyon.

Tamang pag disiplina sa bata | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Bethany Cook, clinical psychologist, “Anger is a superficial, or secondary emotion, meaning it is a response to another emotion being triggered first.”

Ang ibig sabihin nito ay kadalasan ang pagkagalit ang nagiging reaksyon lamang matapos ma-trigger ang ibang emosyon na nararamdaman. Karaniwan na lumalabas ang galit kapag ang bata ay napapahiya, nalulungkot, natatakot, nabibigo o nababalisa.

Tandaan na lumalaki pa lang ang iyong anak. Hilaw pa ang kanilang pag-iisip. Sa sandaling magpakita sila ng hindi katanggap-tanggap na ugali, ito na ang pagkakataon mo para pangaralan o disiplinahin sila na hindi naaapektuhan ng negatibo ang kanilang pagkatao.

BASAHIN:

10 warning signs na mali ang pagdi-disiplina sa bata

STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?

Dagdag pa ni Dr. Cook na, “It’s a natural part of growing up and learning to regulate emotions.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang anim na tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo.

1. Breathing exercise

Paglilinaw ni Dr. Cook, mabisang paraan ang pagsasanay ng tamang breathing exercises. Kung tutuusin, hindi lang sa pagdidisiplina ng bata ito nagagamit kundi sa marami pang bagay.

“Deep breathing has been proven over and over again to help calm the nervous system and temper ones’ fight/flight/freeze response. That being said, you can’t tell someone to take deep breaths when they are angry,” dagdag pa ni Dr. Cook.

Kaya maaari mo lang itong ipagawa sa bata kapag siya ay kalmado na. Ang umbrella breathing at square breathing ay kilalang paraan dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang pag disiplina sa bata | Image from Freepik

2. Maging consistent sa pagdidisiplina

Bilang isang magulang, kailangan nating maging consistent o maging matibay sa lahat ng desisyon na ating gagawin. Katulad na lamang sa pagdidisiplina sa iyong anak. Kapag papatigilin ito sa pag-tantrums o ibibigay ang kanilang consequence, ‘wag agad maging malambot ang puso dahilan para bitawan ang pagdidisiplina sa kanila.

Isipin rin na ang pagdidisiplina ay hindi parusa para sa kanila. Pagtatama ito sa kamalian ng iyong anak para maging mabuting indibidwal.

3. Ilarawan ang “galit”

Suhestiyon ni Dr. Cook, kung sakaling nahihirapan ang iyong anak na kontrolin ang kaniyang galit, maaaring gawin ito. Tanungin siya ng: Galit ka ba? Anong itsura nito? Anong kulay? May amoy ba? 

Maaari niyang ilarawan ang kaniyang galit bilang isang karakter na kailangan niyang puksain. Tuwing makakaramdam siya ng galit, maaaring bigyan siya ng misyon na talunin ang nararamdaman na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwede rin gawan ng laruan sa imahe ng karakter na na-imagine niya upang mas ma-visualize niya ang kaniyang galit at kayanin niya ito.

4. Pakinggan muna sila

Normal na sa bata ang mag dahilan kahit na wala sa lugar. Katulad na lamang kapag kinuha mo ang kanilang gadgets dahil sa labis na paglalaro na nagiging dahilan ng kanilang pag-tantrums. Ang kadalasan nilang gagawin ay iiyak, magdadabog at pipilitin kang ibalik ito. Ang maaari mong gawin ay pakinggan muna ang kanilang mga hinaing. Siguraduhin mong nilabas na nila ang kanilang saloobin at kumalma na sila.

Ngayon, dito kana pumasok. Ipaliwanag sa kanila ng masinsinan kung bakit mo sila binibigyan ng disiplina. Saka rin ibigay ang dahilan kung ano ang epekto ng labis na pag gamit ng gadget.

Tamang pag disiplina sa bata | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Magbigay ng pagpipilian

Payo ni Dr. Cook sa mga magulang, iwasan ang lumang paraan ng pagdidisiplina katulad ng “Hindi ka puwedeng kumain ng candy ngayon dahil kumain kana ng merienda.” Imbes na sabihin ito, maaari namang, “Kailan mo gustong kumain ng candy? Pagkatapos mong matulog ng tanghali o pagkatapos kumain?”

Kailangan nila ng pagpipilian dahil hindi na sila nag-iisip nang tama. Nabubulag na sila ng kanilang galit. Ang mas direktang pagpapapili sa kanila ng mga maaari nilang gawin ang tanging paraan para mapasunod sila.

Sa ganitong paraan, mararamdaman din niya na may choice siya sa nangyayari.

6. Magbigay ng consequence

Kapag sinabing consequence, ito ay may pagkakatulad sa parusa. Katulad na lamang kapag may ginawa kang isang desisyon, nasayo ang responsibilidad nito at kailangan mong harapin ang consequence o maaaring maging aftermath nito.

Katulad na lamang kapag hindi sumunod ang iyong anak sa ibinigay mong rule sa kanya. Maaaring ito ay hindi pagtulog ng maaaga, hindi pagkain ng gulay o pag-iyak kapag hindi nasusunod ang kaniyang gusto.

Sa ganitong pagkakataon, kapag ginawa nila ang ganitong klase ng gawain, maaaring bigyan mo sila ng disiplina. Katulad na lamang ng pagbabawal gumamit ng gadget, pagbawas ng allowance o pagtago sa kanilang laruan.

 

Source: Yahoo! life

Sinulat ni

Mach Marciano