REAL STORIES: "Nabuntis ako kahit gumamit kami ng condom"

Condom rin ba ang ginagamit ninyong contraception method ni mister? Narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa kung paano mas magiging epektibo ito na maiwasan ang pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba ang tamang paggamit ng condom para maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis? Alamin dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng isang ina na gumagamit ng condom bilang contraception ngunit nabuntis ng hindi inaasahan.
  • Mga dapat tandaan sa tamang paggamit ng condom para maiwasan ang pagdadalang-tao.

Photo by Deon Black on Unsplash

Mom of 2 nabuntis kahit gumagamit ng condom ang mister niya

“Mayroon na kaming dalawang anak ng asawa ko—lalaki ang panganay namin at babae naman ang sumunod. Hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa pangalawa naming anak. Kulang siya sa buwan at nagkaroon siya ng maraming kumplikasyon. Kinailangan niya rin ng operasyon sa murang edad. Plano na talaga naming mag-asawa na magpa-ligate sana at isabay na ito sa panganganak. Ngunit dahil emergency CS ako at hindi siguradong mabubuhay ang pangalawa kong baby, nagdesisyon ang OB ko na hindi ituloy ang ligation.”

Desidido na kaming mag-asawa na huwag nang sundan ang bunso namin. Quota na kami! Bukod pa sa tumatanda na rin ako at malamang ay magkakaroon ulit ng kumplikasyon kung nagbuntis ako ulit.

Dahil may mga maintenance ako na mga gamot, condom ang naging best choice para sa amin na contraception.”

Mommy aminadong hindi sinisunod ang tamang paggamit ng condom

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

“Ngunit aminado ako na hindi namin sinusunod ang tamang paggamit ng condom. Sinusuot lamang ni mister ito kapag malapit na siyang labasan.

Akala namin safe ito. Hindi pala! Laking gulat namin na na-delay ang period ko at nag-positive ang pregnancy test!”

“Sa totoo lang, hindi kami handa ng asawa ko na magkaroon ng isa pang anak. Hindi pa kami nakaka-recover sa mga gastos sa huli kong pagbubuntis.

Ngunit naisip namin na blessing talaga siya dahil what are the chances na mabuntis sa ganoong paraan, ‘di ba?

Napalitan ng tuwa ang pag-aalala. Ini-imagine na namin kung paano kaya ang buhay na may tatlong anak.

Binibiro na rin namin ang aming bunso na kaka-isang taon pa lang noon na Ate na siya. Ngunit, sa kasamaang palad, naging ectopic ang aking pagbubuntis at hindi nabuo si baby.”

Ito ang kuwento ng Mommy of 2 na si Anne mula sa Taguig City na hindi inaasahang mabubuntis siya kahit nagko-condom ang mister niya sa tuwing nagtatalik sila.

BASAHIN:

Real Stories: “14 years old ako noong nabuntis ako”

REAL STORIES: “Walang ganang makipagtalik ang asawa ko pagkatapos niyang manganak.”

Let’s talk about family planning: 7 condom brands in the Philippines

Paano nga ba ang tamang paggamit ng condom para maiwasan ang pagdadalang-tao?

Tulad ka rin ba niya at ng kaniyang asawa na condom ang ginagamit bilang contraception method? Malamang sa ngayon ay nag-aalala ka na baka tulad ni Mommy Anne ay mabuntis ka rin ng hindi inaasahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kung tama ang paggamit ninyo ni mister ng condom ay hindi naman ito mangyayari. Dahil ayon sa mga pag-aaral, tinatayang 98% effective ang condom na maiwasan ang pagbubuntis kung ito ay gagamitin sa tamang paraan. Paano nga ba ang tamang paggamit ng condom? Ito ang mga dapat isaisip at tandaan.

Hakbang sa tamang paggamit ng condom

  1. Maingat na buksan ang wrapper ng condom at buksan ito.
  2. Isuot ang condom sa matigas na ari o penis ng lalaki. Kung hindi pa tuli ay hatakin pabalik ang nakatakip na balat sa ari.
  3. Sa oras na maipasok ng bahagya ang condom sa ari ay banatin ang dulong tip nito. Ito ay para magbigay ng space sa lalabas na semen sa ari ng lalaki.
  4. Saka hatakin ang condom hanggang sa pinakadulo ng penis o ari.
  5. Huwag aalisin ang condom hangga’t hindi pa nilalabasan ang lalaki. Kung nilabasan at natapos na ang pakikipagtalik, bago alisin ang condom ay hawakan ito sa pinakadulo ng penis sa bandang puson. Saka ito dahan-dahang alisin sa paraang hindi matatapon ang laman nito.
  6. Ang nagamit na condom deretsong itapon sa basurahan.

Image from CDC

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga dapat tandaan sa paggamit ng condom

Para masigurong tama at magiging epektibo ang condom na maiwasan ang pagbubuntis ay narito ang mga dapat tandaan.

  • Itago ang condom sa lugar na cool, tuyo, malayo sa mga matutulis na bagay at sa direktang sikat ng araw.
  • Huwag itong itatago sa iyong bulsa, sa kotse o sa loob ng banyo ng higit sa isang buwan. Dahil sa ito ay maaaring mainitan o magkaroon ng moisture na makaka-damage sa condom.
  • Laging i-check ang expiration date ng condom na gagamitin at siguraduhin walang butas ang packaging ng condom bago ito gamitin.
  • Kung ang condom ay may punit, nanunuyo, naninigas o malagkit na ay huwag na itong gamitin. Sa halip, itapon na ito.
  • Isuot ang condom bago makipagtalik at hindi bago labasan o mag-ejaculate ang lalaki.
  • Gumamit ng latex o polyurethane condoms. Ang mga ito ay hindi lang magsisilbing proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis, kung hindi pati na rin sa sexually transmitted disease o STD.
  • Makakatulong din ang paggamit ng water-based o silicone-based lubricant para maiwasan ang pagkapunit ng condom. Ipahid ito sa ari o penis bago magsuot ng condom.
  • Huwag gumamit ng mga oil-based products tulad ng baby oil, lotion, petroleum jelly, at cooking oil kasabay ng condom. Ang mga ito ay maaring maka-damage sa condom at maging dahilan ng pagkapunit nito.
  • Sa oras ng pagtatalik at naramdaman napunit o nasira ang condom, tumigil at magpalit ng panibagong condom.

Samantala, para mas maging sigurado mas makakatulong na maliban sa condom ay gumamit rin ng iba pang contraception method tulad ng pills, implant o IUD.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

WebMD, CDC, Planned Parenthood

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement