14 years old nabuntis, narito ang kaniyang kuwento.
Mababasa sa artikulong ito:
- Karanasan ng 14 years old na nabuntis sa bata niyang edad.
- Mensahe niya sa mga teenagers na may parehong pinagdadaanan.
- Paano matutulungan ang iyong anak na nakakaranas ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.
14 years old nabuntis, ito ang kaniyang kuwento
Sa pamamagitan ng isang libro ay ibinahagi ng inang si Mary Jenkins ang kuwento niya ng maagang pagbubuntis at pagiging isang ina sa edad na 14-anyos.
Pagkukuwento ni Mary umaga ng December 1998 ng makaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan. Wala siyang gana kumain. Sa tuwing pinipilit niya rin kumain ay inilalabas niya naman ito pabalik sa kaniyang bunganga.
Nasa grade 8 pa lamang siya noon at walang ideya sa kung ano ang nararanasan niya. Akala niya, sadyang masama lang pakiramdam niya. Siya ay may sakit lang at gagaling rin kapag nagamot na.
Napansin ng nakakatanda niyang kapatid ang pagiging matamlay at tila pagkakasakit ni Mary. Kaya naman tulad ng ginagawa ng kanilang mga ninuno sa Cambodia ay sinubukan nilang gamutin siya gamit ang barya at ointment.
Isang uri umano ng dermabrasion therapy na pinaniwalaan nilang nakakagamot sa mga sintomas ng nausea, kawalan ng gana kumain at pagkahilo na siyang nararanasan ni Mary noon.
Pero wala itong naidulot na pagbabago sa nararamdaman niya. Gulong gulo si Mary noon. Bagama’t naiisip niya ng baka buntis siya. Pero wala siyang mapagtanungan o mapagsabihan sa kondisyon niya.
Mahirap pa noon ang gumamit ng computer at wala pang internet. Kaya naman hindi niya basta-basta mahanap at makumpirma kung ang nararamdaman niya ay sintomas ng pagbubuntis na.
Kids photo created by jcomp – www.freepik.com
Siya ay takot, gulong-gulo at walang malapitan.
Dahil sa pang-gitna sa magkakapatid at parehong busy ang mga magulang niya, hindi napapansin ng mga ito na may kakaiba na sa kanilang anak. Kaya naman mas madaling naitago ni Mary ang nararamdaman niya.
Pero sa pagdaan ng mga araw ay mas napapaisip siya. Kaya naman minabuti niya ng magpunta sa pinakamalapit na botika sa kanilang lugar at bumili ng pregnancy test kit.
Nang lumabas nga ang resulta ng test ay nakumpirma ni Mary na buntis siya. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa mga magulang niya.
Lumipas ang mga lingo ay hindi pa rin sinasabi ni Mary sa mga magulang niya ang kondisyon niya. Isang bagay na kinalungkot ni Mary dahil hindi rin napansin ng mga ito o kahit ng mga kapatid niya na may kakaiba sa kaniya. Patunay na walang kaalam-alam ang mga ito sa mga pinagagawa at pinagdadaanan niya.
Hanggang sa nakatanggap ng tawag ang mga magulang ni Mary. Isang tawag na nagsiwalat ng sikretong itinatago niya.
Aral na natutunan sa kaniyang karanasan
Mary Jenkins with her daughter/Image from Kidspot
Sa kaniyang naging karanasan ay may mga aral na natutunan si Mary. Nais niyang ibahagi ito sa mga teenagers na may parehong pinagdadaanan ngayon ng tulad sa kaniya noon.
“14 years old ako noong nabuntis ako. Takot at hindi alam ang gagawin. Kung babalikan ang aking karanasan, sana noon ay mas naging matapat ako sa mga magulang ko tungkol sa aking nararamdaman.
Sana noon ay nasabi ko sa kanila agad ang pinagdaanan ko. Dahil ng mga panahong iyon ay nais ko lang pagtakpan ang pagkakamaling ginawa ko. At sa ginawa kong pagtatago ay hindi ko naisip ang magiging kalusugan ng ipinagbubuntis kong sanggol.
Hindi ako noon nakakain ng masusustansiyang pagkain. Hindi nakakainom ng prenatal vitamins at hindi rin makapagpa-check up sa doktor. Nabigo akong bigyan ng maayos na pag-aalaga ang sanggol na ipinagbubuntis ko.”
Mensahe sa mga teenagers na dumadaan sa parehong sitwasyon
“Kaya kung kayo ay kasalukuyang nakakaranas ng parehong sitwasyon na pinagdaanan ko. Ipinapayo kong gumawa na kayo ng hakbang.
Humingi ng tulong sa taong mapagkakatiwalaan mo. Dahil kung itatago mo ‘yan sa sarili mo mas mahihirapan ka. Mas makakaramdam ka ng pag-aala at depresyon.”
“Siguro sa ngayon ay naguguluhan ka. Pero kailangan mong gumawa ng hakbang para matigil na ang gulong pinagdadaanan mo.
Makipag-usap sa isang taong malapit sa ‘yo. Hindi lang para mailigtas ang sarili mo. Kung hindi pati na rin ang ipinagbubuntis mong sanggol na lalaki at pagkamamahalin mo.”
Mula sa salitang Ingles na isinalin sa wikang Filipino, ito ang mensahe ni Mary sa mga teenagers na dumadaan sa parehong sitwasyon na kaniyang naranasan noon.
Mary Jenkins with her daughter/Image from Kidspot
BASAHIN:
Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis
Teenage pregnancy in the Philippines: Tips for pregnant teens and parents
Mental Health ng buntis: Bakit dapat umiwas sa stress ni Mommy?
Paano matutulungan ang iyong anak na nakakaranas ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy?
Bagama’t, bilang isang magulang ay masakit para sa ating tanggapin ang maagang pagbubuntis na nararanasan ng ating anak, kinakailangan niya sa ngayon ang suporta at pagmamahal mo. Mahalagang kausapin siya at iparamdam sa kaniya na sa kaniyang pinagdadaanang sitwasyon ay hindi siya nag-iisa.
Kung nahihirapang tanggapin ang sitwasyon ng iyong anak, makakatulong kung makikipag-usap ka sa isang espesyalista na magbibigay sayo ng payo na makakatulong na pagaanin ang iyong nadarama.
Ngunit, higit kanino pa man, mas kinakailangan ng iyong anak at kaniyang dinadalang sanggol ang pag-aalaga.
Para sa malusog at ligtas na pagbubuntis ay kailangang masiguro na nabibigyan siya ng mga sumusunod:
- Regular na check-up at tamang prenatal care na kailangan ng kaniyang pagbubuntis.
- Masusustansyang pagkain at aktibo o fit na pangangatawan.
- Malusog na timbang para makaiwas sa mga komplikasyon ng pagbubuntis.
- Pag-iwas sa alcohol, sigarilyo, bawal na gamot at iba pang substances na makakasama sa kaniyang pagdadalang-tao.
- Childbirth classes para maihanda siya sa proseso ng panganganak, pagpapasuso at pagiging ganap na ina.
Ang pagdadalang-tao ay isang napalaking responsibilidad. Para matagumpay niyang magampanan ito ay kailangan niya ng gabay at suporta ng mga nakakatanda sa kaniya. Walang ibang makakapagbigay nito kung hindi kayo na magulang niya at kaniyang pamilya.
Mula sa kuwento ni Mary, sana ay maging aral rin ito sa mga magulang na i-encourage ang ating mga anak na maging open o honest tungkol sa mga nararamdaman nila. Dahil sa oras ng problema, dapat tayo ang unang aagapay at aalay sa kanila.
Source:
Kidspot, Mayo Clinic
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!