Isa sa nagiging problema ng mga mag-asawa ay ang kawalan ng gana sa pakikipagtalik lalo na pagkatapos manganak ng babae.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng isang tatay at ang pagbaba ng sex drive ng kaniyang asawa pagkatapos manganak
- Payo ng ibang magulang tungkol sa kawalan ng gana sa pakikipagtalik
- 5 tips para maibalik ang intimacy
Ganito ang pag-aalala ng isang tatay na may tatlong taong gulang na anak. Ibinahagi niya ang kasalukuyang nagaganap sa kanila ng misis niya.
Sa isang public post, humingi ito ng tulong at payo sa kapwa niya magulang tungkol sa kawalan o paghina ng gana sa pakikipagtalik ng asawa niya pagkatapos manganak, “barely have sex once a month.” ika nito.
“Walang ganang makipagtalik ang asawa ko pagkatapos niyang manganak.”
Aminado ang tatay mula sa Reddit na mababa na talaga ang sex drive ng asawa nito dati pa lang. Subalit mas lalong bumaba pagkatapos niyang manganak.
“We’d attended prenatal classes which also focused on our relationship so I wasn’t under any disillusionment that it would take a while to return to sex and that it likely wouldn’t be as frequent as before pregnancy.”
Bukas pareho sila sa usaping ito, “she’s told me her body, since birth, hasn’t felt like her own since childbirth, breastfeeding, constant toddler carrying etc has led her to wanting to be touched sexually less often,”
Kawalan ng gana sa pakikipagtalik | Screengrab: Reddit
Sa paglipas ng mga taon, umaasa ang lalaki na maging maayos na ang sex drive ng kaniyang asawa. Subalit sa kasamaang palad, walang pagbabago na nangyari.
“Our kid is now 3, has slept through the night for over two years, and I’m the one who wakes up in the night if needed. (I have no issues getting back to sleep after being woken up so I’ve volunteered. Mentioning this as sleep deprivation isn’t a dominating factor).”
Dagdag pa ng tatay na, “I love my wife but without intimacy (sex or otherwise) it just feels like we’re good co-parents who live together. I also don’t know how much longer I can do this. I’m looking to understand if I’m being unreasonable and this is common or symptomatic of a bigger issue in our relationship.”
BASAHIN:
Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik
Ayaw makipagtalik ng iyong asawa? Basahin ang open letter na ito ng isang ina
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Payo ng ibang magulang tungkol sa kawalan ng gana sa pakikipagtalik
1. Humingi ng tulong sa tagapayo
Isang magulang ang nagsabi na kailangan nilang humingi na ng tulong sa eksperto o doktor. Ganito rin kasi ang pinagdaanan ng kaniyang kaibigan. “No guarantee though that it will change anything. Pregnancy, birth and child-rearing is very tough, both physically and mentally. Woman tend to put every ounce of energy towards their child and put themselves last.”
2. Gawain sa bahay
Isang user na may pangalang Charles_Chuckes ang nagsabi na, “Do you guys split housework evenly? I know you say you wake up with your kid but-Do you do dishes? Pick up after your child? Do laundry? Sweep? Mop? Dust? Make dinner? Make grocery lists/”take inventory.” Alam ba nila kung kailan ang sunod na appointment sa doktor ng kanilang anak? Ginagawa ba ang chores na ito nang hindi inuutos?
Maaaring ang tanong na ito ay stereotypical at sexist subalit marami ring nanay ang sumang-ayon sa argumentong ito. Hindi lang katawan ang kanilang inaalala dahil pati na rin ang kanilang pag-iisip. ‘Mental Load’ kung tawagin. “I had a pretty high sex drive before during and (6 weeks) after my pregnancy. My husband and I certainly do it less frequently but it went from Daily to 3x a week.”
3. Pagkakaroon ng healthy lifestyle
Ayon naman kay Flowchart83, nirerekomenda niya na magkaroon ng healthy lifestyle ang mag-asawa para bumuti ang kanilang sex drive. “For my wife and I, our sex life only ramped up after our 3rd child by drastically changing our diet and sleep patterns, leading to generally much higher sex drives.
We both went on a strict keto diet and lost a lot of weight, with more than adequate nutrition, and reduced caffeine to only a couple cups in the morning (was way higher and all through the day before) to get better sleep whenever we can get it.”
4. Maglaan ng oras, gumawa ng masayang memory kasama ang asawa
Para naman kay Reddit user Spinfire, “You mention COVID in your edit, is part of the issue that you’re struggling to go out? Can you have some inside dates, dressing up if you’re feeling up for it can help you get out of “parent mode” like going out would have, make some cocktails or a dessert together, play a game, watch a movie together, prerecorded/live-streamed concerts if that’s your thing, do a puzzle together, whatever you like?”
Dagdag pa niya na importante na magkaroon ng oras ang mag-asawa sa isa’t isa. Iwasang mawili sa social media at pansariling libangan. Maaaring manood ng TV nang magkasama o mag-relax!
“If the kid wakes up, oh well. COVID means you don’t even have to pay a babysitter. You can decide to do this on a regular schedule if you want, which means neither partner has to make it happen,”
Marami ang sumang-ayon dito. Ngunit ang pinakamahalaga ay intindihin ang konsepto ng ‘oras’. Sa iba, madali lang ito ngunit hindi lahat. Panatilihin din ang pagiging matiyaga at effort na masolusyunan ang isang problema.
Gayunpaman, kung pakiramdam mo ay naaapektuhan na ng kawalan ng gana sa pakikipagtalik ang inyong relasyon, mas magandang humingi na ng payo.
Kawalan ng gana sa pakikipagtalik: 5 tips para maibalik ang intimacy
1. Pagtanggap sa pisikal na pagbabago
Sa post-delivery, asahan mo na ang pagbabago ng iyong katawan. Kung ikaw ay dumaan sa c-section, ang tahi mo ay makikita. Habang ang gatas sa dibdib ay tatagas, mapapasabi kana lang sa iyong sarili na “Hindi na ako sexy.”
Moms, hindi mo kailangang maging negatibo. Normal ang iyong nararanasan. Tanggapin ng buo pagbabagong ito!
Ipakita sa mundo na ang peklat na ito ay hindi indikasyon ng kapangitan. Ito ay isang patunay na matagumpay mong isinilang ang isang buhay na naman sa mundo.
Kapag sinimulan ang pagiging positibo, mapapansin mo agad ang pagtaas ng iyong self confidence. Wala ka nang mararamdaman na pagdududa at kamalian sa sarili.
Minsan, mapapaisip kang, “Tumaba ako, baka hindi na ako magustuhan ni mister.” Mommies, nagkakamali ka! Tandaan na mahal ka niya at lagi siyang nasa tabi mo.
Kung ikaw naman ay bagong tatay, kailangan mong tanggapin ang pagbabago sa iyong asawa. Sa katunayan, kinakailangan mo siyang bigyan lagi ng compliment!
2. ‘Wag magmadali
Parents, huwag magmadali! ‘Wag asahan na laging exciting ang pakikipagtalik sa loob ng isang gabi. Dahan-dahanin lamang ito.
Maaaring simulan sa romantikong dinner night. Pagkatapos, maaaring sundan ng cuddles hanggang dahan-dahan na imasahe ang asawa. Dito na simulan ang foreplay at ang magiging pasabog sa gabi.
Huwag kakalimutan na tanungin ang iyong partner sa kaniyang nararamdaman. Maaaring makaramdam ng kakaiba sa isang bahagi ng katawan na hindi naman sensitibo dati o kaya naman makakaramdam ng pagtaas/pagbaba ng sex drive. Ipaalam sa asawa kung anong inaalala mo.
Ang sexual desire ng mag-asawa ay nandiyan lamang. Kailangan mo lang palabasin at palakasin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras sa isa’t isa.
3. Huwag mag-overthink
May ibang babae na talagang inaalala ang sex post delivery. Ito ay kapag nagkakaroon ang isang babae ng tanong sa kaniyang sarili kung bakit parang may kakaiba sa kaniyang sex life, hindi na ito katulad ng dati. Ito ay maaaring magdala ng frustration sa ‘yo at kay partner.
Maaaring ito ang nasa isip mo ngayon, “my husband no longer feels me attractive”. Kung hindi maaagapan, ito ay maaring magdala sa ‘yo mula sa jealousy at frustration na siyang delikado sa isang relasyon. Maging totoo sa iyong partner kung wala kang gana na makipagtalik.
Maraming paraan para ipakita sa iyong partner ang pagmamahal na hindi ginagamitan sa pakikipagtalik. Pasok dito ang cuddles, pagde-date o panonood ng pelikula.
4. Maglaan ng oras sa isa’t-isa
Simple lang ang paraan na ito ngunit napakahalaga. Sa panahon ngayon, mahirap nang magkaroon ng maayos o sapat na oras para sa isa’t-isa. Habang lumalaki ang iyong anak, pagdami ng gawaing bahay, commitment sa pamilya o trabaho, maaaring mawalan na ng oras ang mag-asawa sa isa’t-isa. Kaya naman, tila isang panaginip na lamang ang sex post delivery!
Kung ganito ang iyong nararanasan, maghanap ng oras na pareho kayong free mag-asawa. Maaaring pagkatapos matulog ng iyong anak sa gabi. ‘Wag din mahihiyang humingi ng tulong sa mga kaibigan o pamilya. Kung sakaling lalabas kayo ng partner mo, ihabilin muna sa pinagkakatiwalaang tao ang iyong anak.
5. Maging totoo
Ang pagkakaroon ng magandang sex life pagkatapos manganak ay hindi ang best goal para sa mag-asawa. Sapat na magkasama kayo at mayroong magandang koneksyon sa isa’t isa.
Ito ang kailangan niyo para sa healthy relationship na hinahanap ng bawat isa. Para makamit ito, kailangan mong maging totoo sa expectation at ‘wag mabahala sa maliliit na bagay.
Oo, nanaisin mo talagang bumalik sa dati mong hugis. Maa-achieve mo ito kung sisimulan na ang regular na ehersisyo at ugaliin ang pagkain ng tama. ‘Wag madaliin ang lahat. Oras at tiyaga ang kailangan sa lahat.
Tandaan, ‘wag maging harsh sa sarili. Kung may alanganin, kumunsulta agad sa doktor at humingi ng medikal na payo. Ang kawalan ng gana sa pakikipagtalik pagkatapos manganak at hindi madali at kinakailangan ng oras o matinding effort ng isa’t-isa.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!