X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sikreto sa pagka-bibo ni Scarlet Belo? 4-months old pa lang, may tutor na ito

7 min read
Sikreto sa pagka-bibo ni Scarlet Belo? 4-months old pa lang, may tutor na itoSikreto sa pagka-bibo ni Scarlet Belo? 4-months old pa lang, may tutor na ito

Alamin natin kung ano ang parenting approach nila Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa kanilang anak na si Scarlet Snow pagdating sa tamang pagpapalaki ng bata!

Tamang pagpapalaki ng bata? Ganito kung paano pinalalaki nila Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang anak na si Scarlet Snow!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tamang pagpapalaki ng bata ayon kanila Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.
  • Mga achievements ni Scarlet Snow sa bata niyang edad.

Siguradong familiar na kayo sa video na ito ni Scarlet Snow Belo, kung saan binibigkas niya ang “Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas”. Si Scarlet ay 3 years palang ng makuhanan ang video na ito.

Alam niyo ba na ayon kay Dra. Vicki, ilang araw lang ang kinailangan ni Scarlet Snow para makabisado ito? Nakakagulat ito dahil sa kaniyang murang edad ay kayang-kaya na niyang magkabisado ng mga bagay-bagay.

Ano kaya ang sikreto ni Dra. Vicki at ng asawang si Hayden Kho pagdating sa tamang pagpapalaki ng bata? Ating alamin!

Tamang pagpapalaki ng bata: May sikreto ba dito?

Si Scarlet Snow ay anak ng mga celebrity Doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho. Ang pagbubuntis kay Scarlet ay naging possible sa tulong ng in vitro fertilization o IVF at isang surrogate mother na kung saan inilagay ang fertilized eggs at sperm ng mga magulang niyang sina Dr. Vicki at Hayden Kho.

Sa kaso ni Scarlet ang napiling surrogate ng kaniyang mga magulang ay isang Mexican-American na isinilang siya sa America noong March 3, 2015.

Ayon sa kaniyang ama na si Hayden Kho na nagbigay ng pangalan dito, ang pangalan ni Scarlet ay hango umano sa isang bible verse. Ang verse na nagsasalarawan sa naging pagbabago ni Hayden ng dumating si Scarlet sa buhay niya.

Isaiah 1:18: "Though your sins be red as scarlet, I shall make them white as snow."

Ito umano ang verse na pinagmulan ng pangalan ni Scarlet ayon kay Hayden Kho.

Sa ngayon makalipas ang anim na taon, si Scarlet ay isa sa mga batang minamahal ng maraming Pilipino. Patunay nito ang 5 million followers niya sa Instagram at higit sa 3 million followers niya sa Facebook.

Ito ay dahil sa mga nakakaaliw at napaka-cute na mga videos at photos na makikita sa social media accounts ng napaka-bibong bata na si Scarlet.

Kaya naman maraming magulang ang nagnanais na lumaking tulad ni Scarlet ang mga anak nila. Ang tanong nila, paano pinalalaki ni Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang anak? Ito ang paraan at sikreto kung paano.

tamang pagpapalaki ng bata ni Dr.Vicki Belo kay Scarlet Snow Belo

Tamang pagpapalaki ng bata ayon kanila Hayden Kho at Dra. Vicki Belo./ Image from Scarlet Snow Belo's Facebook account

Values formation ang pinakamahalaga para sa kanila

Kinapanayam namin si Dra. Vicki at tinanong namin kung paano ang kaniyang approach pagdating sa pagpapalaki kay Scarlet Snow. Ang isang malaking bagay na tinututukan daw nilang mag-asawa ay ang pag-uugali ni Scarlet Snow.

Aniya, gusto raw niyang lumaking mabuting tao si Scarlet, dahil alam naman nilang mag-asawa na matalino siyang bata. "We just worry about if she's a good person, if she's a kind person, if she's not spoiled," sabi ni Dra. Vicki.

Dagdag pa ni Dra. Vicki na pinili daw nila ang Victory, na isang Christian International School dahil mahalaga daw sa kanila ang values formation ni Scarlet.

Paano nila dinidisiplina si Scarlet Snow?

Pagdating naman daw sa pag-didisiplina, ito ang masasabi ni Dra. Vicki, "First we try to talk to her, and then if not, Hayden is the spanker."

Dagdag pa niya na hindi naman daw sila marahas sa pagpapalo kay Scarlet. Aniya, pa-isa isa lang ang pagpalo nila kay Scarlet kapag hindi ito sumusunod sa kanila, at hindi raw gaanong malakas.

Para sa kanila, bahagi ito ng tamang pagpapalaki ng bata, at bahagi rin daw ito ng Christian na paraan nag pagdidisiplina.

Sinabi rin ni Dra. Vicki na mabait na bata naman daw si Scarlet Snow. At minsan lang siya maging makulit o malikot. Kaya hindi daw sa kanila problema ang kaniyang pag-uugali.

BASAHIN:

Hayden Kho sinabing mas naging mabuting tao siya dahil kay Scarlet

Scarlet Belo, isa na ring tourism ambassador!

Ito daw ang ginagawa nila Hayden at Vicki para ma-encourage si Scarlet na magkaroon ng love of learning

Maaga nila sinimulan ang pag-tutor kay Scarlet

Pagdating naman sa usapin ng edukasyon, sabi ni Dra. Vicki na apat na buwan pa lang daw si Scarlet ay mayroon na itong tutor! Ayon sa kaniya, mas mabuti na raw na may tutor na agad si Scarlet kaysa nasa bahay lang daw ito at walang ginagawa. Nag-focus din daw sila sa music dahil konektado daw ito sa bahagi ng utak na may kinalaman sa math. Nilinaw din ni Dra. Vicki na hindi naman daw nila pine-pressure si Scarlet. Ang mga lessons naman daw niya ay parang laro-laro lang at hindi naman daw nila pinipilit si Scarlet na pumasok sa kaniyang mga lessons. Pero kahit kailan naman daw ay hindi ito naging problema, dahil gustong-gusto daw ng bata ang kaniyang mga lessons! Ang isa sa pinakamahalaga niyang klase ay ang Mandarin class niya. Sabi pa niya na mahusay na raw magsalita ng Mandarin si Scarlet Snow, at talo pa daw ni Scarlet siya at ang kaniyang asawa!

Hindi siya pinapayagang palaging gumamit ng gadgets

tamang pagpapalaki ng bata ni Dr.Vicki Belo kay Scarlet Snow Belo Tamang pagpapalaki ng bata ayon kanila Hayden Kho at Dra. Vicki Belo./ Image from Scarlet Snow Belo's Facebook account

Pagdating naman sa usapin ng gadgets, sabi ni Dra. Vicki na hindi daw nila palaging pinapagamit si Scarlet ng mga ito. Dahil daw napansin nila na nagiging mas masungit si Scarlet kapag masyadong gumagamit ng mga gadgets. Kaya mas nag-fofocus daw sila sa arts and crafts at iba pang mga activity para hindi ma-bore si Scarlet. Ang payo naman ni Dra. Vicki sa mga magulang na mayroong matatalinong anak ay huwag masyadong i-pressure ang mga bata. Mahalaga daw na paglaanan nila ng sapat ng oras ang kanilang mga anak, at gawin nilang masaya ang pag-aaral. Importante daw na palaging may oras ang mga magulang para sa kanilang mga anak dahil mas malaki daw ang impact ng mga magulang sa kanilang mga anak. Mahalaga din daw ang papel ng mga ama sa paglaki ng mga bata, kaya't masaya daw siya at tutok na tutok si Hayden sa kanilang anak na si Scarlet.

Kakaiba ang charm ni Scarlet sa social media

Pag-kukuwento ni Hayden at Dra. Vicki sa isang panayam, noong una ay ayaw niya sanang i-expose sa social media si Scarlet para sa seguridad nito. Pero noong mabilis na nagkaroon ng maraming followers si Scarlet sa Instagram ay nakita nila kung gaano ka-charming ang personality nito. Kaya naman tulad ng ginagawang magic sa kanila ng charm ni Scarlet ay ninais nilang maibahagi ito sa marami pang tao. Dahil marami daw nag-memessage sa kanila kung paano nabibigyan sila ng good vibes at happiness ng mga videos ni Scarlet sa social media. Ang influence na ito ni Scarlet sa social media ay umagaw din ng pansin ng mga naglalakihang brands. Siya ay kinuha ng mga ito bilang kanilang brand ambassador at endorser. Naging cover girl narin si Scarlet ng magazine at nakapag-released ng kaniyang sariling prayer book sa edad na apat na taon. Siya rin ang youngest tourism ambassador sa bansa na nagnanais na mai-promote ang ganda ng Pilipinas sa buong mundo.

Kahanga-hanga rin ang mga skills at talents na ipinapakita nito

Nito lang Mayo ay grumaduate na si Scarlet sa kindergarten sa edad na anim na taong gulang. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng ama nitong si Hayden Kho ang proudness sa achievement ng anak.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Hayden Kho Jr (@dochayden)

“Time flies so fast. Our once-so-little @scarletsnowbelo is now 6yo and has just finished kindergarten today. I'm very proud of her– she's learned a lot from her teachers.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Hayden sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniyang mga latest na Instagram post ay patuloy na ibinabahagi ni Scarlet ang kaniyang mga talent at skills. Siya ay nagsisimula sa pag-dradrawing na sa kalaunan ay magiging daan para makatuparan ang first exhibit niya umano.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Kahanga-hanga rin ang ipinapakitang tapang nito sa pag-hawak sa iba’t-ibang klaseng mga hayop. Kahit ang kaniyang inang si Dra. Vicki Belo ay na-aamaze sa mga ginagawa na ito ng kaniyang anak.

Sikreto sa pagka-bibo ni Scarlet Belo? 4-months old pa lang, may tutor na ito

Source:

PEP, Inquirer

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sikreto sa pagka-bibo ni Scarlet Belo? 4-months old pa lang, may tutor na ito
Share:
  • Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak

    Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak

  • 12 bagay na maaaring mabago sa buhay mo kapag may anak ka na

    12 bagay na maaaring mabago sa buhay mo kapag may anak ka na

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak

    Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak

  • 12 bagay na maaaring mabago sa buhay mo kapag may anak ka na

    12 bagay na maaaring mabago sa buhay mo kapag may anak ka na

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.