Ano ang tamang pagpapalaki sa mga bata?
Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagpapalaki ng anak. Hindi dapat sila husgahan kung naiiba ang kanilang way of parenting. Ngunit bawat magulang ay kailangang tandaan na ang behavior ng kanilang anak ay nakadepende sa kanilang pagpapalaki.
Ito ang mga bagay na hindi mo dapat ginagawa sa baby
Dapat ding maging aware tayo sa mga kilos natin. Kaya nama narito ang mga dapat hindi natin ginagawa sa ating baby dahil magkakaroon ito ng long term effect sa kanila.
‘Wag hayaang umiyak sila
Normal sa isang bata ang umiyak lalo na kung may iniinda ito. Bilang magulang at may anak na hindi pa nakakapagsalita, hirap tayong malaman ang dahilan kung bakit sila umiiyak. Isipin mo ang pakiramdam ng pag-iyak at walang pumapansin sa ito. Ganito ang nararamdaman ng iyong anak.
Kapag ang iyong anak ay pagaling stress, ang kanilang katawan ay unti-unting nasasanay sa pagkatakot at lumalayo ang loob sa mga tao.
Kailangan mong malaman kung sila ba ay mayroong tantrums, gutom o may iniinda lang silang sakit.
Hindi pagpansin sa kanila
Ayon sa pag-aaral, ang mga batang dumaan sa natural birth ay kaya nang makipag-communicate sa kanilang magulang. Hindi sila makakapagsalita ngunit mababasa mo sa kanilang galaw ang nais nilang sabihin. Kadalasan, mababasa mo sa kaliwang kamay ito habang ang kanan naman ang para sa iyong partner.
Kung hindi papansinin ang iyong anak, maaaring ma-develop sa kanila ang kakaibang epekto sa behavior.
Pag-iwan ng mag-isa
Kailangan ng matinding pangangalaga ng mga bata. Kung iiwan sila ng mag-isa ng kaniyang magulang o tagapag-alaga, hindi pa rin niya maiintindihan kung bakit mag-isa siya. Ang maling pagdidisiplina o pagpapalaki ng magulang sa anak ay may epekto sa physical health rin nila. Marami ang puwedeng maging epekto ng simpleng pag-iwan ng nanay sa kanilang anak. Kasama na sa long term effect ang pag develop ng problema sa kanilang physical health habang sila ay tumatanda.
Source:
BASAHIN:
STUDY: 6 epekto sa bata kapag sinisigawan siya
7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod
Madalas mo bang bigyan ng reward ang anak mo? Baka maging spoiled siya!