Tandem Breastfeeding: Mahahalagang kaalaman patungkol rito

Paano kung dumating na si baby #2, habang dumedede pa si baby #1? Paano kung kambal ang iyong mga supling? | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binansagang tandem breastfeeding o tandem feeding ang pagpapasuso ng dalawa (o higit pang) anak, kambal man o magkaiba ng edad. Sa artikulong ito, gagabayan namin kayo kung ano ba ang tandem feeding at paano ito maisasagawa ng mahusay. 

Ano ang tandem breastfeeding o tandem feeding? 

Ayon sa Medela, ang tandem breastfeeding o tandem feeding ay isang paraan ng breastfeeding kung saan nagpapasuso ang isang ina ng dalawang anak o higit pa sa dalawa. Maaaring kambal o magkaiba ang edad. 

Ang ilang mga nanay ay sabay na pinapasuso ang kanilang mga anak sa kanilang dibdib, o kaya naman maaaring mag-take turn ito sa buong araw. Ang mga nanay na may anak na kambal o triplest ay maari ring piliin ang pagpapadede sa kanilang mga baby ng sabay. 

Tanong ng mga nanay: 

Kailangan ba talagang sabay sila?

Tanong ng mga ng nanay: 

“Hindi ba dapat tumigil na sumuso ang panganay, kung dumating na ang bagong baby?” 

Wala pang isang taong gulang ang pangalawa kong anak nang nalaman kong buntis ako sa pangatlo. Eksklusibong gatas ng ina ang iniinom noon ng aking pangalawa dahil may allergy siya sa formula milk.

Inisip ko na marahil ay hudyat itong itigil ko na ang pagapapasuso sa kaniya dahil malaki na naman siya, at mas kailangan ng nasa sinapupunan ko ang lahat ng bitamina at lakas ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang nararanasan at iniisip ng maraming inang nasa ganitong sitwasyon. Ngunit bakit kailangang itigil ang isa at isakripisyo ang kalusugan niya? Ang sagot: hindi dapat, at hindi kailangan. Hangga’t gusto at kailangan ni baby, hindi dapat tumigil, dahil maaari namang pagsabayin sila. Hindi masama sa kalusugan ng ina ang magpasuso habang buntis o magpasuso ng dalawa o tatlong bata.

Tandaan na ang breastfeeding ay nagbibigay ng nutrisyon, maayos na pagtibay ng immune system, at higit sa lahat, mapagmahal na relasyon ng ina at anak. Ang isang napatunayan ko sa eksklusibong pagpapasuso ng aking dalawang mas batang anak ay lumaki silang hindi mapili sa pagkain, at hindi takot tumikim ng pagkaing bago sa panlasa o paningin.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pwede pa rin pang mag-tandem breastfeeding kahit buntis?”

Kung halimbawa ay ang iyong toddler ay dumede pa at ikaw ay buntis sa pangalawa mong anak, ay maaari ka pa ring mag-breastfeed. Posible ito ayon sa Medela. Pero kailangan din tignan ang ilang mahahalagang salik. 

Ilan sa mga salik na tinutukoy ay karaniwang kasi ay nakakaranas ng pagtaas ng pananakit ng nipples ng isang buntis. Kaya naman may ilang mga pagkakataon na ang pagpapadede ay itinitigil ng mga ina dahil sa sobrang sakit na kanilang nararanasan. 

Sa kabilang banda, may ilang ina naman kapag buntis ay humihina ang supply ng kanilang gatas. Dulot ito ng pagbabago ng sa kanilang hormones kapag buntis.

Humingi pa rin ng payo sa inyong mga doktor kung nais tahakin ang ganitong daan. 

“May mga risk ba o dalang panganib ang pagpapadede habang buntis?”

Ayon sa mga eksperto, sa kabuuan ang pagpapadede habang buntis ay ligtas naman. Kahit na may mayroong pregnancy hormones ang gatas ng ina ay hindi naman ito nakakasama sa anak mong dumedede pa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa rito may nilalabas na maliliit na amount ng oxytocin habang nagpapadede. Ang oxytocin ay isang natural na hormone na nag-i-stimulate ng uterine contraction. Maliit lamang ang amount na inilalabas kapag nagpapadede kaya hindi naman ito sapat para ma-induce ang babaeng nagpapadede habang buntis, o magdulot ng preterm labor

Subalit sa kabilang banda may ilang mga pagkakataon na papayuhan ka ng iyong doktor na patigilin ng padedehin ang iyong anak kung ikaw ay:
  • kinukunsiderang high risk pregnancy at high risk sa miscarriage
  • kung ikaw ay nagdadalang tao ng kambal o higit pa
  • kapag ikaw ay sinabihan na iwasan muna ang pakikipagtalik habang buntis
  • kung ikaw ay nakakaranas ng uterine pain o pagdurugo

Ano nga ba ang kabutihang dulot tandem breastfeeding?

Napakalaking pagbabago sa pamilya ang pagdating ng isa pang supling. Maaaring nakaka-stress lalo sa umpisa, ngunit hindi kailangang manatiling ganitong pakiramdam. Maraming positibong naidudulot ang pagpapasuso ng sabay, para sa mga anak at para na rin kay Nanay.

Nirerekomenda ng World Health Organisation (WHO)  sa lahat ng nanay sa buong daigdig ang exclusive breastfeeding sa mga infants sa unang anim na buwan nila. Para ma-achieve nila ang kanilang optimal growth, development at kabuuang malusog na kalusugan. 

Ang breastmilk kasi o gatas ng ina ay nagbibigay ng mga nutrisyon na kinakailangan ng mga baby o kanilang mga anak. May mga taglay itong nutrients na nagpapalakas ng kanilang immune system. Kasabay nito, nakakatulong din ang breast milk para sa social at intellectual development ng isang bata. 

Narito pa ang iba pang benepisyo ng tandem feeding o tandem breastfeeding sa iyong anak: 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pinapatibay ang koneksiyon ng ina sa mga anak

Marami nang pagsasaliksik ang nagpatunay ng positibo at kakaibang emosiyonal at pisikal na kabutihan ng breastfeeding para sa relasyon ng ina at supling.

Kung alam ng isang ina na hindi kailangang itigil ang pagpapadede sa isang anak, para sa isa pang sanggol, maaalis ang negatibong pakiramdam nito.

Nakaka-guilty naman kasi talaga kung alam mong ititigil mo ang isang bagay na alam mong nakakabuti sa iyong anak.

Huwag matakot na mauubos o hindi sapat ang gatas para sa dalawa o tatlong sanggol. Hangga’t sapat din ang nutrisyon ng ina habang nagbubuntis o nagpapasuso, hindi ito mauubusan. Ang gatas ng ina ay mabuti para sa mga bata, kahit anong gulang pa ito.

  • Nakakatulong sa breast engorgement

Kung minsan ay sobrang dami o lakas ng produksiyon ng gatas, makakatulong ang pagpapasuso ng dalawang anak dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mabilis na transisyon para sa anak

Hindi maiiwasan ang magselos ang nakatatandang anak sa bagong supling. Kung makikita niyang patuloy pa rin ang nakagisnan na niyang “ritwal” ninyong mag-ina, kahit nandiyan na ang baong kapatid, makakatulong ito sa kaniyang nararamdaman.

Rewarding, ika nga.

Mahirap, napakahirap, ngunit wala nang sasarap pa sa pakiramdam na kaya mong gawin ito. Kakaibang ligaya at closeness ang dulot ng sabay na pagpapasuso sa mga anak. Makikita niya na hindi siya basta-basta pinabayaan o “inabandona” ni Nanay.

Larawan mula sa iStock

  • Nagiging mas malapit ang magkapatid, at ang mag-iina

Bonding time nila ito, at kasama na rin ang ina. Tahimik ang lahat, busog, at mararamdaman ang pagmamahal sa isa’t isa. Nakaka-relaks pa ito para kay Nanay dahil masaya at nabibigay niya ang kailangan ng kaniyang sanggol at toddler, o anak na kambal, nang sabay at hindi nag-aala sa isa sa kanila.

Paano nga ba gawin ang tandem feeding o tandem breastfeeding?

1. Timing lang din

Gumawa ng schedule para sa pagpapadede sa bawat supling o anak. Ang bagong panganak na sanggol ay kakailanganin ang colostrum na lumalabas sa gatas ng ina, kaya’t maaari mo siyang unahin upang makuha niya ito.

Mahalaga ito sa unang ilang araw ng pagkapanganak. Dahil din marahil ay kumakain na ng solid food ang mas matandang anak, hindi ganoon kadami o hindi kasindalas ang kailangang pagpapasuso sa kaniya.

2. Posisyon

Subukang magpasuso nang sabay upang mahikayat ang nakatatandang anak na patuloy na dumede. Nakakabuti din ito sa bonding ninyong tatlo, lalo’t may posibilidad na magselos ang panganay sa pagdating ng bagong kapatid. Unahin ang pagposisyon sa sanggol, saka iposisyon ang nakatatanda.

3. Produksiyon ng gatas

Kailangang alisto sa gutom ng anak upang maging regular at maganda ang produksiyon ng gatas. Tandaan na ang alam ng iyong katawan ang dami ng kailangan mong gatas, at habang regular ang oras ng pagpapasuso, regular din ang produksiyon ng gatas. Hangga’t nasa oras ang paghingi niya ng gatas (nasa 8-12 beses sa loob ng 24 oras), regular ang pagdumi, at nadadagdagan ang timbang, alam mong nakakakuha siya ng sapat na gatas at nutrisyon.

4. Suporta mula sa pamilya at kapwa magulang, lalo na ng iyong asawa o partner

Malaki ang maitutulong ng pakikipag-usap, kahit kuwentuhan lamang, sa mga kapwa ina na gumagawa o gumawa na tandem breastfeeding. Iba din kasi ang malaman ang karanasan ng ibang nagdaan dito. Lalo na sa mga panahon na nagdududa ka sa naging desisyon mo.

Kausapin ang iyong asawa o partner tungkol sa desisyong ito at ipaalam din sa kaniya ang lahat ng dapat malaman tungkol sa tandem breastfeeding. Makakatulong kung naiintindihan niya ang lahat, at alam niya kung ano ang nararamdaman mo sa lahat ng oras, lalo na ang lahat ng maaari niyang maitulong.

Larawan mula sa Shutterstock

5. Alagaan ang sarili

Ikaw ang susi sa lahat ng ito, kaya’t kailangang alagaan mo ang iyong pisikal at emosiyonal na kalagayan. Umidlip, kumain ng masustansiyang pagkain, uminom ng tubig at iba pang fluids, mag-ehersisyo at maglibang. Magpahinga nang madalas para ma-renew ang energy mo.

Kung sa palagay mo na ang sabay na pagpapasuso ay hindi para sa iyo at sa iyong mga supling, huwag mag-dalawang isip na itigil ito. Maaari pa rin naman piliin ang unang opsiyon na pagpapasuso ng magkaibang oras. Marami pang ibang bonding activity na maaaring subukan maliban sa tandem breastfeeding.

Ang breastfeeding ay isa sa pinakamagandang bahagi ng pagiging ina, ngunit kailangan nito ng tahasang dedikasyon at suporta.

Ang tandem breasfteeding ay nangngailangan ng doble o triple pang dedikasyon at suporta. Ito na rin kasi ang isa sa pinakamahirap at pinakamahalagang desisyon na gagawin ng isang ina.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.