Ikaw ba ay first time mom at nalilito kung ano ang tamang ipasuot kay baby na diaper? Tape ba o pants diaper? Baka naman ikaw ‘yung tipo ng mommy na papalit-palit ng type ng diaper dahil nagkakaroon ng rashes si baby at natatanggal agad ang suot nitong diaper?
Well, mommy, problem solved na! Para sa ating #BattleOfTheBest ngayon, sasagutin natin kung ano ba ang the best na type ng diaper para kay baby ayon sa mga TAP mommy. Tape diaper o pants diaper?
#BattleOfTheBest: Taped diaper vs. Pants diaper
“Diaper pants sa malikot na baby. Mas comfortable din si baby at mas madali gamitin.”
“Depende sa age ni baby. Tape pag still pa siya palitan around newborn to 4 months. Pero pag paikot-ikot na siya, we switched to pants.”
“Better ang tape during night. Mas comfortable at hindi nakaka-irritate.”
Ilan lang ito sa mga sagot ng ating TAP mommies sa kanilang palagay kung ano ba ang uri ng diaper na dapat kay baby.
Nagsagawa kami ng survey sa theAsianparent Philippines Community tungkol sa dalawang uri ng diaper na laging ginagamit ng ating mga nanay: ang tape diaper at pants diaper.
At dito nga namin napag-alaman kung sino at mas pinipili ng ating mga mommy na diaper para sa kanilang babies. Nagbigay rin sila ng iba’t-ibang payo sa tamang paggamit ng tape at pants diaper.
Sa 171 na sagot mula sa ating TAP mommies sa katanungang “Ano ang preferred mong gamitin kay baby—tape o pants na type ng diapers?“ 71 mommies (41.52%) ang mas pinili ang pag suot ng diaper pants kay baby. Habang 88 votes naman para sa taped diaper. Ang ang natitirang 12 votes ay sumagot na pareho nilang ginagamit ito at depende rin sa edad ng kanilang baby.
Pants diaper vs. taped diaper | Image from Freepik
Taped diaper
Para sa ating TAP mommies, mas gusto nila ang tape diaper para kay baby dahil:
- Madali itong isuot
- Madaling tanggalin kapag papalitan ng panibagong diaper si baby
- Mas affordable
- Swak sa mga newborn babies
- Hindi madaling tanggalin ng baby kapag suot
- Maayos itapon
- Naiiwasan ang markings sa tyan
- Adjustable
Dagdag pa nila na advisable gamitin ng mga mommy ang taped diaper para sa mga newborn o toddlers nilang anak. Mas maayos ito para sa mga batang nakahiga pa lang at hindi pa nakakalakad ng todo. May ibang pagkakataon pa na nasisira agad ang taped diaper sa kanilang anak dahil malikot ito at galaw ng galaw.
Kaya mas advisable na gamitin ang taped diaper sa mga newborn at toddlers. Madali rin itong ilagay o alisin kung sakaling lilinisan at papalitan mo na ng diaper ang newborn child mo.
Pants diaper vs. tape diaper | Image from Freepik
Pants diaper
Iba naman ang opinyon ng TAP mommies sa pants diaper kaya pinili nila ito:
- Madaling gamitin
- Swak sa mga malilikot na baby
- Swak suotin ang pants diaper kapag aalis ng bahay
- Mahirap tanggalin ni baby
- Comfortable si baby gamitin
- Hindi madaling matanggal
- Hindi madaling mag leak
- Naiiwasan ang pagiging iritable ni baby
Majority ng ating mga mommy na ginagamit nila ang pants diaper kapag ito ay nagiging malikot na o kapag nakakatayo/nakakalakad na. Advice rin nila na mas mabuting gamitin ang pants diaper kung si baby ay lagpas 6 months na. Hindi kasi agad ito natatanggal kapag naglilikot si baby.
Pants diaper vs. taped diaper | Image from Freepik
Mga diaper na maaari mong bilhin
1. Pampers
Isa ang Pampers sa kilala at trusted brands ng mga mommy pagdating sa diaper ni baby. Available sa kanila ang iba’t-ibang type ng baby product katulad ng taped diaper, pants diaper, wipes, baby monitor, cruisers, sleep kit at iba pa.
Shop now at Pampers
2. Mamypoko
Available sa Mamypoko ang iba’t-ibang quality diaper ni baby. Katulad ng taped diaper, pants diaper at baby wipes at may pagpipilian ka pang fragrance nito!
Shop now at Mamypoko
3. EQ Diaper
Pwede rin namang isa sa pagpilian ang EQ Diaper! Ang kanilang baby diapers ay may special features katulad ng wider magic tapes. Nag-o-offer rin sila ng wet wipes, taped at diaper pants hanggang XXXL size.
Shop now at EQ Diaper.
4. Huggies
Available sa limang sizes ang Huggies diapers, ito ang small,medium, large XL at XXL. Mabibili rin sa kanila ang pants diaper, wet wipes at disposable swimpants!
Shop now at Huggies sa Lazada.
5. Drypers
Good quality products naman ang hatid ng Drypers! Available sa kanila ang newborn diapers, taped and pants diapers at baby toiletries katulad ng shampoo at wt wipes!
Shop now at Drypers.
Ikaw ba mommy? Are you a Team tape diaper or Team pants diaper? Share your thoughts!
BASAHIN:
Kung paano tumigil gumamit ng diapers ang anak ko in 1 week
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!