Naririnig na natin parati na maraming pregnant mommies ang nagpa-pass out habang nanganganak, paano kaya kung ang tatay naman ang nahimatay? Alamin ang istorya ng pamilyang ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Tatay nahimatay habang nanganganak ang kaniyang partner
- Paano magiging handa sa big day? Tips on how to get yourself prepared during your labor
Tatay nahimatay habang nanganganak ang kaniyang partner
Larawan kuha mula sa Tiktok account ni @peytonstewart
Sikat ang kasabihang, “Kapag nanganak ka, ang isang paa mo ay nasa hukay na.” Nangangahulugan kasi itong delikado ang panganganak, kumabaga ay nakataya ang buhay ng mga nanay maisilang lang ang mga sanggol.
Hindi rin biro ang sakit na mararanasan ng pregnant mommies dito. Kaya ang madalas na eksena sa mga paanakan o ospital ay ang mahimatay ang buntis na ina. Paano naman kaya, kung nauna pang mag-pass out si daddy?
Sa isang viral na video sa Tiktok na ibinahagi ni Peyton Stewart, mapapanood dito kung paanong nahimatay ang tatay ng kaniyang baby sa gitna ng kanyang panganganak.
Sa unang bahagi ay nakasandal pa ang boyfriend ni Peyton sa kama, waring inaalalayan ang kanyang katawan na huwag bumagsak. Sinusubukan niya ring huminga ng malalim at inaayos ang buhok upang mapanatiling maayos ang kanyang kondisyon.
Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at nasalo ng isa sa mga nurses na naroon sa room. Sa video makikitang ipinaupo siya nito sa isang upuan upang magpahinga.
Pagkukwento pa ni Peyton, ang ‘magical moment’ daw na ito ay nakuhanan ng kanyang nanay. Sa kagustuhan daw kasi ito ng kanyang nanay na makita ang panganganak ng kanyang anak din pero nakuhanan ang ibang eksena.
Marami tuloy ang nag-comment sa videos at natuwa sa pangyayaring ito,
“Honestly he tried so hard to fight it. He deserves some credit.”
“The way that nurse just picks him up.”
Larawan mula sa Shutterstock
Pagbabahagi pa ng isa, siya rin daw ay nurse at nangyayari rin daw talaga ito madalas.
“I’m a labor and delivery nurse. This happens more than you think. I always keep a close eyes on the support partners for this reason.”
Maraming mommies din tuloy ang natuwa at ibinahagi rin ang kanilang karanasan sa comment section ng video.
“Mine literally hit the floor and no one moved. They legit did not care until after I delivered the baby.”
Ayon sa isang mommy, halos hindi raw iniintindi ng mga doktor noon ang kaniyang mister hangga’t hindi niya nailalabas ang kanilang supling.
Kuwento naman ng isang ina, noong panahong nahimatay raw ang kanyang asawa ay tumama ang mukha nito nang malakas sa sahig kaya nagbiro ang doktor na kinailangan daw i-CT scan ang ulo ng kaniyang upang masigurong walang delikadong nangyari,
“My husband’s face smacked the floor so hard during mine. The slap was so loud, my quick-witted doc, said ‘he’s gonna need a CT’.”
Sabi naman ng isang mommy, nananatili raw ang kanyang asawa sa lapag ng ospital hanggang may tumulong sa kanya,
“My nurses told my husband he’d be on the ground until they could get someone to help him because they were my nurses not his.”
Paano magiging handa sa big day? Tips on how to get yourself prepared during your labor
Larawan kuha mula sa Pexels
Pinakanakakakabang phase sa pagbubuntis ang nalalapit na panganganak. Dito na rin overwhelm ang lahat maging ang iyong katawan sa mga mangyayari. But this time, you can relax yourself, dahil ituturo namin ang ilang tips upang prepared ka sa iyong labor at panganganak:
Isa sa magpapadali ng iyong panganganak ay pagkumpleto ng iyong mga gagamitin. Dapat ay handa na lahat ng iyong kailangan maging ni baby upang bawas hassle na pagdating sa ospital. Ito ay dapat tinatandaan ni daddy o kung sino mang sasama sa iyo sa araw ng panganganak.
Magpahinga
Sa panahon ng iyong pangatlong trimester pinakakailangan ng katawan mo ang pahinga. Dito na kasi siya nagpapalakas upang maghanda sa panganganak. Mainam na parating magpahinga at kumpletuhin ang tulog sa panahong ito.
Kumain nang tama
Maganda na ang kinakain mo parati ay healthy foods. Lalo kasi itong nakapagbibigay ng benefits sa katawan upang mapalakas niya pa ang iyong resistensya. Subukang lagyan parati ng yogurt, veggies, nuts, o whole grains ang kinakain sa araw-araw.
Panatilihing relax ang sarili
Humanap ng paraan na matuturuan ang iyong isipan na mag-focus at mag-relax tulad ng yoga at deep breathing. Ito ay upang maihanda ang isipan na kayanin ang sakit ng panganganak at hindi magpanic sa panahon ng iyong big day.
Humingi ng tulong at gawin ang iyong research
Hindi masama ang paghingi ng tulong lalo sa mommies na nakaranas nang manganak. Mainam din na gawin ang iyong research upang alam mo ang mga dapat at hindi dapat gawin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!