Hospital bag for delivery: Ano ang mga kailangan niyong i-pack ni mister para sa inyong dalawa at kay baby.
Hospital bag for delivery
Image from Freepik
Malapit na ba ang iyong due date? Nire-ready mo na ba ang delivery bag mo sakaling bigla niyong kailanganin nang pumunta sa ospital? Alam naming mahirap isipin kung anu-ano ang kailangan mong dalhin lalo na kung minsan ay nakakaramdam ka ng panic. Kaya naman narito ang checklist na inihanda namin para sa inyo.
Sa delivery bag na ihahanda niyo, hindi lang dapat puro gamit ni baby ang ilalagay. Isipin mo rin na kayong dalawa ng iyong asawa ay may mga personal ding gamit na kailangang dalhin.
Anu-ano nga ba ang mga kailangang laman ng iyong delivery bag?
1. Important files/ Valid ID
Isa ito sa mga pinakamahalagang dapat niyong dalhin. Ang mga ID niyo at mga papeles para kay baby na hahanapin ng ospital bago kayo i-admit.
2. Credit card/ Debit card
Bukod sa cash, syempre ay kailangan niyo ring dalhin ang inyong mga cards for emergency.
3. Damit
Image from Freepik
Bukod sa mga damit ni baby, kailangan niyo rin ng damit na pampalit ng iyong asawa. Siguraduhing magbaon lamang ng mga kumportableng damit lalo na para sa iyo, mommy. Mainam din na magbaon ng jacket dahil kadalasan ay malamig sa mga room sa ospital.
4. Underwear
Huwag din syempreng kalimutan ang underwear. Magbaon ng marami para sa iyo, mommy. Kung mayroon ka na ring nursing bra, maiging baunin na rin ito.
5. Slippers
Dahil kailangan mo ng kumportableng footwear kapag ikaw ay kailangang tumayo mula sa iyong hospital bed. Huwag na magsuot ng mga sapatos na komplikadong isuot.
6. Cellphone and charger
Dahil siguradong kakailanganin niyong i-contact ang inyong mga kamag-anak at kaibigan. Ito rin ay source of entertainment para sa inyong mag-asawa habang naghihintay.
7. Maternity pads
Dalhin na rin ang maternity pads o adult diapers. Kadalasan ay mayroon naman nito sa mga ospital, pero para na rin makasiguro.
8. Socks
Dahil kadalasan ngang malamig sa mga hospital rooms, bukod sa jacket ay mainam din na magsuot ng socks lalo na ang buntis.
9. Nursing cover
Ito naman ay kung nasa public ward ka at kailangan mong magpa-breastfeed na kay baby. Sulit na bumili nito dahil magagamit mo rin ito sa tuwing kayo ay lalabas.
10. Baby clothes
Image from Freepik
Magbaon na ng ilang set ng damit para kay baby. Siguraduhin din na kumpleto na ang kanyang mga kakailanganin bukod sa damit tulad ng bonnet, mittens at bib. Magbaon din ng maraming maliliit na tuwalya para sa kanya.
11. Receiving blanket
Kapag nanganak ka na, i-abot ito sa midwife kung mas gusto mo na siguradong malinis at malambot ang kumot ni baby. Puwede rin naman itong magamit kapag inilagay na siya sa iyong kwarto. Gamitin ito bilang panglatag sa kama.
12. Diapers
Isa ito sa mga essentials pero kadalasan ay nakakalimutan pa rin ito. Kaya naman moms and dads, siguraduhin na nabili niyo na ito beforehand.
13. Feeding bottles
Baunin na rin ang ilang feeding bottles ni baby kahit na ikaw ay magpapa-breastfeed pa. Magkaroon din ng sterilizer para masigurong malinis ang mga ito bago ipagamit sa kanya.
‘Wag magpadala sa stress sa araw ng iyong delivery. Para maibsan ito, maghanda lang nang maigi para maiwasan na ang mga last minute na aberya.
BASAHIN: 9 Secret tips for a swift delivery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!