Taytay tiangge ang naging destination ni Toni Gonzaga nang minsang bisitahin niya ang mga magulang sa kanilang hometown sa probinsya ng Rizal.
Ang budget nga na hinanda niya para sa shopping experience niya sa Taytay tiangge ay P1,000 na kung saan nahirapan daw siyang ubusin!
Image screenshot from YouTube video
Taytay tiangge shopping experience ni Toni Gonzaga
Maagang binisita ni Toni ang Taytay tiangge para mamili ng mga damit na para sa kaniya.
Pero dahil nagulat sa presyo ng mga damit na napakaabot-kaya ay una niyang nabilhan si Seve ng 6 sets ng sando at shorts na ang original price ay P360 na natawaran niya ng P300 nalang.
Ang sunod niyang nabili ay isang formal multi-purpose blue dress sa halagang P200 mula sa original price nito na P250. Nakabili din siya ng isang gray mini skirt sa halagang P100.
View this post on Instagram
A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on
Dalawang floral summer dress rin ang nabili niya sa halagang P150 isa.
At ang umubos ng P1000 budget niya ay dalawang T-shirt na nagkakahalaga ng P50 isa.
Ang taytay tiangge shopping experience nga na ito ni Toni ay ibinahagi niya sa kaniyang mga followers at fans sa kaniyang vlog.
Ayon nga kay Toni, ang P1,000 budget sa Taytay tiangge ay mahirap ng ubusin dahil sa dami ng choices na maari mong mapagpilian at bilhin.
Para sa full Taytay tiangge shopping experience ni Toni Gonzaga, narito ang kaniyang video.
Samantala kung nagbabalak naman mamili sa Taytay tiangge narito ang mga shopping tips na dapat mong tandaan at malaman.
Taytay tiangge shopping tips
1. Bago magshopping sa Taytay tiangge ay dapat mo munang malaman ang market schedule nila.
May iba’t-ibang klase ng tiangge sa Taytay na pwede kang bisitahin.
Lahat sila ay nag-ooffer ng murang damit, bag at iba pang klase ng mga garments.
Ilan nga sa tiangge na maaring bisitahin sa Taytay ay ang IGPAI, BAGPI, FREEDOM, TAYTAY MEGA, PARKWAY at MY SEOUL tiangge na may mga sumusunod na schedule:
FREEDOM TIANGGE schedule
8am-5pm Monday-Sunday
BAGPI Schedule
8am-12midnight Mondays & Thursdays
TAYTAY MEGA TIANGGE (formerly known as MAYORA’S TIANGGE)
9am-12midnight Monday & Thursday
8am-5pm- Saturday & Sunday
PARKWAY/EUGENE TIANGGE
8am-5pm Tuesday to Sunday
MY SEOUL Schedule
12am-6pm Tuesday & Friday
6am-6pm Thursday, Saturday & Sunday
IGPAI Schedule
9am-2am Monday
9am-2am Thursday
12noon-12midnight Friday
9am-8pm Saturday & Sunday
2. Mas magandang bumisita sa Taytay tiangge tuwing Lunes at Huwebes.
Para mas maraming pagpipilian at makakuha ng pinakabagong stocks ay bumisita sa Taytay tiangge tuwing Lunes at Huwebes na kung saan ito ang araw ng “bagsakan” ng mga new stocks at new arrival items.
3. Kumain muna bago mamili.
Bago mag-start magshopping sa Taytay tiangge ay siguraduhin muna na nakakain ka dahil gugutumin ka sa kakaikot sa dami ng pagpipilian na maari mong bilhin sa napakamurang halaga.
4. Magdala ng ecobag o sarili mong bag.
Magdala ng sarili mong eco-bag. Mas malaki ay mas maganda. Ito ay para hindi ka mahirapang magbitbit ng pinamili mo na siguradong mapaparami.
5. Iwan ang valuables mo sa bahay at mag-suot ng komportableng damit.
Ito ay para maiwasang mawala ang mga pinaka-iingatan mong gamit lalo na’t siksikan at maraming tao sa tiangge.
Para naman maging komportable ang pamimili ay magsuot rin ng komportableng damit gaya ng pants at t-shirt dahil sisiguradong pagpapawisan sa kakaikot at kakahanap ng best choice para sayo.
6. I-ready na ang listahan ng mga dapat mong bilhin.
Para mas maging maayos ang pagshoshopping mo ay mas maigi na magkaroon ka na ng listahan ng mga dapat mong bilihin.
Magdala rin ng ballpen at papel para mai-track mo kung ano ang iyong napamili at magkano na ang nagastos mo sa pagshoshopping.
7. Magdala ng small bills at barya.
Para mas maging hassle free ang shopping experience mo sa Taytay tiangge ay magdala lang ng small bills at barya para hindi na mahirapan pang maghanap ng sukli at dere-deretso lang ang pamimili mo.
8. I-check mabuti ang mga pinamili.
Habang namimili ay siguraduhing i-check ang item kung ito ba ay may mantsa, himulmol, nawawalang butones, punit o kahit ano pang damage bago bilhin o bago umalis sa stall na pinagbilhan.
9. Huwag kalimutang tumawad.
Tumawad lalo na kung bibili ka ng maraming items sa isang tindahan para naman makasave ka at makabili pa ng mas marami.
10. Mamili ng may kasama gaya ng iyong mga kaibigan.
Hindi lang mas magiging fun at enjoyable ang experience mo sa Taytay tiangge kapag may kaibigan kang kasama. Mas magiging feeling secure and safe ka rin kung may tutulong at gagabay sayo sa pamimili.
Source: ABS-CBN News, Philippine Star, Grateful Liz
Basahin: 9 parenting tips mula sa tatay ni Toni at Alex Gonzaga
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!