Team Payaman Vien Iligan ibinahagi ang karanasan niya sa pagkakaroon ng newborn sa ngayon. Ayon kay Vien, mas naging madali para sa kaniya ang pag-aalaga sa kaniyang second baby.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Team Payaman Vien Iligan sa pagiging mom of two.
- Saan kumukuha ng tips si Vien sa pag-aalaga sa anak.
Team Payaman Vien Iligan sa pagiging mom of two
Mas naging madali umano ang karanasan ni Team Payaman member Vien Iligan sa pag-aalaga ng kaniyang baby number 2. Disyembre ng nakaraang taon ng ipanganak ni Vien ang second baby nila ni Junnie Boy na isang girl. Ayon kay Vien, hindi tulad sa nauna niyang baby na si Mavi ay mas naging madali ang pag-aalaga niya sa kaniyang baby number 2 na si Alona.
“Ngayong 26 years old ako at meron akong 2 kids medyo magkaiba sila ng ugali. So magkaiba rin yung naranasan ko sa first born saka sa second born. Sa first born medyo haggard. Kasi hindi ko alam yung gagawin kasi first time mom. Ano ba yung do’s and don’ts.”
Ito ang pagbabahagi ni Vien sa isang exclusive interview sa kaniya ng theAsianparent Philippines.
Saan kumukuha ng tips si Vien sa pag-aalaga sa anak
Pagdating naman sa naging dahilan kung bakit naging madali sa kaniya ang pag-aalaga sa kaniyang baby number 2, ito naman ang sabi ni Vien. Maliban sa may kaunting kaalaman na, ang social media daw may malaking naitulong sa parenting skills na mayroon si Vien ngayon.
“Sa pangalawa kasi may social media, may TikTok na. May mga tips so marami akong natutunan. Hindi ako napupuyat kasi marami akong tips na napapanood sa internet.”
Ito ang natatawang pagbabahagi ni Vien.
Dagdag pa niya, naging malaking tulong rin ang 4 years age gap ng kaniyang mga anak. Dahil ang panganay niyang si Mavi ngayon responsible old brother na sa kaniyang baby sister. Kaya si Vien mas less daw ang stress sa pag-aalaga sa kaniyang baby girl.