Naging teen sex slave ang isang dalaga sa murang edad na katorse anyos matapos makidnap at itago ng isang mag-ama sa China sa loob ng anim na taon.
Image from Weibo
Pagkawala ng bata
Noong 2012 ay naglayas ang naturang dalaga sa kanilang bahay dahil di umano sa naging pag-aaway nila ng kaniyang kapatid na lalaki ng hindi siya bigyan nito ng pera pang-internet. Pagtapos nga noon ay hindi na muling nakita ang dalaga na hindi rin inulat sa mga pulis ng pamilya niya.
Noong panahon kasi na iyon, nakakulong ang ina ng dalaga na si Li Ailing dahil sa mga economic crimes na kaniyang ginawa at walang alam sa nangyari. Wala narin ang asawa nito na matagal ng iniwan ang kanilang pamilya. Kaya naman sa loob ng ilang taon ay walang nagtangkang maghanap sa dalaga mula sa kanilang pamilya.
Hanggang nitong Hulyo ng 2016, nakalabas at nakalaya si Li sa pagkakakulong at noon niya lang nalaman na nawawala ang anak niya ng apat na taon na.
Mula noon ay nagsimulang maglakad-lakad si Li sa Zhumadian City, isang siyudad sa Henan Province sa Central China kung saan nawala ang dalaga. Dito ay nagkabit siya ng mga posters ng mukha ng kaniyang anak bilang missing person at nagtanong-tanong sa mga nandoon kung nakita nila ito.
At nitong January 2018, habang nagkakabit ng isang poster sa isang residential area, isang babae ang ngumiti sa kaniya. Nakaramdam ng lukso ng dugo si Li.
Noong una ay hindi nakikilala at dine-deny ng dalaga ang kaniyang ina sa kabila ng maraming beses na sinusubukan nitong maalala siya. Ngunit isang beses ay na-corner ni Li ang kaniyang anak na dalaga at pinilit itong tingnan siya sa mukha.
Matapos ang ilang sandali ay tinawag na rin siyang “Mama” ng kaniyang anak. Ngunit hindi ito agad sumama sa kaniyang umuwi at sinasabi lang ang salitang “mga bata.”
Image from Weibo
Teen sex slave
Dahil dito ay hiningi na ni Li ang tulong ng mga pulis. Kasama ang mga pulis ay pinuntahan nila Li ang apartment na tinitirhan ng kaniyang anak at natagpuang may kasama itong tatlong bata.
Matapos ang tagpong ito ay sumama nang umuwi ang dalaga sa kaniyang ina.
Habang nasa poder ng kaniyang ina, ay napansin ni Li ang pagpapakita ng senyales ng mental trauma ng kaniyang anak. Nahihirapan itong makipg-usap sa iba at tumatawa kapag siya ay mag-isa.
Mula sa mga sintomas na ito ay kinalaunang na-diagnosed ng schizophrenia ang dalaga na ngayon ay bente anyos na. Ang schizophrenia ay isang mental disorder na nakakaapekto kung paano nag-iisip at kumukilos ang isang tao.
Mula rin sa kuwento ng kaniyang anak ay unti-unting napag-alaman ni Li na noong 2012 matapos maglayas ay kinidnap na agad ito ng matandang lalaking nagkulong sa kaniya na kinilala sa apelyidong Deng. Mula noon ay itinago siya ng nasabing lalaki sa kaniyang apartment kung saan nakatira ito kasama ang anak na lalaki. Hindi siya pinapayagang lumabas hangga’t sa nagsilang ito sa pangalawang beses, isang kambal.
Sinubukan makipag-areglo ng pamilya ng suspek. Nag-offer sila na ipakasal ang dalaga sa anak na lalaki ni Deng, na inaakalang tatay ng tatlong bata. Muntik nang mapapayag si Li bilang may tatlong anak na ang kaniyang dalaga.
Ngunit nagsumbong ang dalaga kay Li na hindi lamang ang anak na lalaki ang gumalaw sa kaniya kundi si Deng din mismo.
Mula dito ay nabuo sa isip ni Li na maaring ang matandang Deng ang ama ng panganay niyang apo na limang taong gulang na. Dahil rito ay nag-request ng isang DNA test si Li na nagpatunay sa kaniyang hinala. Kaya naman matapos lumabas ang resulta ng DNA test agad na inaresto ang matandang Deng at kinulong sa kasong rape.
Samantala, sa magkahiwalay na genetic testing ay lumabas na ang kambal na apo ni Li na tinatayang isang taong gulang na ay anak nga ng batang lalaking Deng.
Kaugnay nito ay naikuwento nga ng anak na dalaga ni Li na matapos siya dalhin sa apartment ng matandang Deng ay agad na siyang hinubaran nito sa harap mismo ng kaniyang asawa. Sinubukan niyang umalis ngunit siya ay binugbog at natakot na subukang umalis muli. Dito ay napilitan na siyang matulog at sumiping sa mag-amang Deng.
Magpahanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung haharap din sa isang kaso ang anak na lalaki ni Deng. Samantala, mula ng umalis ang biktima sa apartment na pinagkulungan niya ay hindi na nito nakita ang kaniyang mga anak na halos mag-iisang taon na.
Source: Asia One
Basahin: Batang na-kidnap, natagpuang namamalimos sa daan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!