Tekla to Michelle: “Tinulungan niya ko para bumagsak.”

Tekla to Michelle: “Tinulungan niya ko para bumagsak.”

Mas lumalaki ang isyu sa pagitan ng komedyanteng si Tekla at kinakasama nito. Video at larawan nilang magkasama at sweet kumakalat sa social media.

Live-in partner ni Tekla na si Michelle may bagong alegasyon sa komedyante. Mga video ng dalawa sa social media kumakalat at ipinapakita kung paano ang trato nila sa isa’t isa.

tekla and michelle

Image from SuperTeklah Librada’s Facebook account

Super Tekla and Michelle Bana-ag issue

Kahapon sa part 4 ng Tekla at Michelle Bana-ag story sa Raffy Tulfo in Action ay may panibagong alegasyon si Michelle na ibinato sa komedyante. Ayon kay Michelle, hindi lang siya ang binabastos ni Tekla. Pati umano mga pamangkin niya na menor de edad pa ay nakakatanggap din ng pambabastos mula sa kinakasama. Para mapatunayan ito ay nagbigay ng pahayag ang 15-anyos niyang pamangking lalaki na nagngangalang Sean. Ayon kay Sean, ay lagi siyang sinasabihan ni Tekla na ipakita sa kaniya ang ari nito. Para mahanapan siya ng bakla na maaaring maging interesado dito.

Pati mga pamangkin ni Michelle ay binabastos din umano ni Tekla

“Tuwing kapag pupunta sila dito ipakita daw po ‘yung ari ko. Hanapan niya daw po ng bakla para ma-presyuhan. Tinatawanan ko lang po palagi. Hindi ko naman po puwedeng anuhin siya dahil siya nagbibigay ng pagkain samin.”

Ito ang pagkukuwento ni Sean sa pag-trato umano sa kanila ni Tekla. Dagdag pa niya minsan nga umano’y pinanood pa siya ng porn ng komedyante. Ito’y sinusumbong niya naman sa kaniyang tiyahin na agad naman din umano pinagsasabihan ang komedyante.

Maliban dito ay sinabi rin ni Michelle na minsan daw ng pinabayaan ni Tekla ang kanilang anak. Ito umano ay nangyari ng minsang biglang nagdugo ang ilong ng anak nila. Sabi ni Michelle ay sinabihan niya si Tekla na dalhin nila ito sa ospital. Ngunit hindi daw siya pinakinggan ni Tekla at tinawanan lang.

Wala umanong pakialam ang komedyante sa anak nila

“Pumunta kami ng Bulacan. Dumugo ilong ng anak ko. Nasa isang kuwarto ko. Chinat ko agad siya kasi may venue kasi sila sa swimming pool. Pinuntahan namin siya. Pinasundo niya kami sa editing team niya. Nasa kotse kami. Pag-ahon po ni Tekla sa swimming pool may kayakap siyang bakla. Paglapit niya po samin, nag-hysterical siya. Bakit ninyo dadalhin sa ospital ‘yung bata. Ano ba yan dumugo lang ‘yung ilong dadalhin ninyo na agad. Ininsist ko na dalhin na sa ospital ‘yung bata kasi hindi namin alam kung ano talaga ‘yung cause.”

Ito ang pagkukuwento ni Michelle. Mabuti na nga lang umano’t nandoon si Donita Nose. Ito ay nagbigay ng pera sa kaniya at nadala sa ospital ang kanilang anak.

“Nagbigay ng 2k si Donita Nose. Nadala sa ospital ‘yung bata. Sabi sa ospital nawawalan na ng hininga yung anak ko. Kung ‘di naagapan hindi namin alam parehas kung anong mangyayari.”

tekla

Image from Michelle Bana-ag’s Facebook account

Ayon kay Michelle siya daw ang tumulong at kumupkop kay Tekla

Bumewelta rin si Michelle sa mga nagsasabing si Tekla ang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Si Tekla umano ang may gusto noon. Ito umano parang pagpapakita ni Tekla ng pasasalamat sa pamilya niya. Dahil noong wala pa itong pera at hindi pa kilalang si Tekla ay sila ang kumupkop sa komedyante.

“Bago po siya makilala bilang si Tekla kinupkop ko siya. Pinalayas siya sa inuupahan niya. Nung walang-wala po ‘yan ako po ang kumupkupkop sa kaniya. Nong may pera na siya at nakabalik sa trabaho niya. Sabi niya siya na bahala sa lahat.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Michelle.

Tekla to Michelle: “Tinulungan niya ko para bumagsak.”

Ganito rin naman ang ikinuwento ni Tekla sa isang interview niya kasama si Ogie Diaz at Donita Nose. Ang interview ay isinagawa nito lamang September 25. Ilang linggo bago mag-reklamo si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay na-feature sa vlog ni Ogie Diaz.

Ayon kay Tekla, nakilala siya ni Michelle noong mga oras na bagsak siya. Dinamayan daw siya nito at sinamahan.

Tekla: “Nakilala ko siya noong mga downtime ko. Noong bumagsak ako. Sinamahan niya ako. Sa pag-iinom kumekeme.”

Ito ang sagot ni Tekla ng matanong ni Ogie kung paano niya nakikila si Michelle. Sa sagot niyang ito ay natatawa-tawa si Donita. Dahilan upang matawa rin si Ogie at muling magtanong.

Ogie: “Tinulungan ka niya o dinamayan ka niya?”

Tekla: “Tinulungan niya ko para bumagsak.”

Ito ang natatawang sagot naman ni Tekla. Matatandaang sa pahayag ni Donita Nose sa programa ni Raffy Tulfo ay sinabi nitong pareho at magkasamang gumagamit ng illegal na droga noon si Michelle at Tekla.

Pero magkaganoon man ayon kay Donita mahal na mahal nito si Michelle. Ito rin naman ay inamin din ni Tekla.  Ayon sa kaniya ay pinapahalagahan niya ito bilang ina ng anak niya.  Bagamat kung bibigyan sana siya ng pagkakataon ay mas nais niyang mapag-isa nalang.

“Syempre siya yung nanay ng anak ko. Ayoko naman lumaki yung bata na walang nanay. Kung ako lang gusto ko lang mabuhay na ako lang mag-isa. Kasama yong anak ko.”

Pagmamahal ni Tekla sa anak niya

Ibinahagi pa ni Tekla noong una ay hindi pa tanggap ni Michelle ang anak nila. Lalo pa’t ito ay isinilang na maraming congenital abnormalities. Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay natutunan naman daw nitong mahalin ang kanilang anak at maging isang ina para dito.

“Noong una hindi niya tanggap e. Parang wala siyang pakialam sa bata. Pero noong hinayaan ko silang dalawa. Na-dedevelop ‘yung pagiging mother instinct niya sa anak niya. Nagpupuyat siya. Kapag umiiyak yung baby nandoon siya sa tabi ng bata.”

Pagbabahagi pa ni Tekla, labis-labis ang hirap na pinagdaanan niya para lang masigurado na mabubuhay ang anak nila. Ito nga daw ang naging daan para ayusin niya ang buhay niya na hiniling at ipinangako niya sa Diyos.

“Hindi siya pagsubok. Isa siyang malaking hampas sa akin na luluhod ka talaga sa Diyos. Sabi ko noon Lord, ito lang. Alam ko marami akong pagkakasala. Ibigay mo lang itong si Angelo. Lord, lahat ilalapag ko lahat. Give me a sign. Kasi sa edad niya, sa dami ng ano niya. Hindi kakayanin ng bata. Kaya miracle ang tawag ko sa kaniya. Wala akong pera that time ni piso wala. Kaya lahat ng pagpapakumbaba lahat ginawa ko.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Tekla tungkol sa anak nil ani Michelle.

Pahayag ng dating kinakasama ni Tekla

tekla and michelle

Image screenshot from Raffy Tulfo In Action video

Samantala, bilang depensa parin sa komedyante ay nagsalita rin ang dati nitong kinakasama at ina ng panganay niyang anak. Ayon kay Airyn Gonzales na 8 taong kasama ni Tekla, hindi totoo ang paratang ni Michelle sa komedyante. Hindi daw ganito ang pagkakilala niya sa tatay ng anak niya.

“Mag-cocomment lang po ako sa naririnig ko na maniac po siya. Well, actually po hindi naman po siya ganoong klase ng tao. Sa walong taon namin pong magkasama hindi naman po niya nagawa sakin na ganoon. Kapag sinabi ko pong ayaw ko, gagawa rin po siya ng paraan niya. Tapos pag-uusapan namin. Kasi siya pag ayaw niya wag mo siyang pilitin. Ako pag ayaw ko hindi niya naman ako mapipilit. Nasa magandang pag-uusap lang yan.”

Ito ang pahayag ni Airyn sa isyu sa pagitan ni Tekla at Michelle.

Sa ngayon, iba’t ibang video rin ng komedyante at Michelle ang kumakalat sa social media. At sa mga videong ito ay makikita kung paano tinatrato ni Tekla si Michelle at pamilya niya. Makikita sa mga video na niyayakap at hinahalikan pa ng komedyante si Michelle. May mga larawan ring kumakalat na kuha habang kumakain sa labas ang pamilya ni Michelle kasama ang komedyante.

Tekla to Michelle: “Tinulungan niya ko para bumagsak.”

Kung ano mang tingin at opinion ninyo sa isyung ito ay kayo na ang bahalang humusga.

 

BASAHIN:

Tekla, itinanggi ang paratang sa kaniya ng partner na nagsumbong sa Tulfo

Komedyanteng si Tekla, inireklamo ng marital rape ng kaniyang partner

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner