Tekla at dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag nagkaayos na ngunit hindi na muling magsasama. Ayon kay Michelle, ang pag-aayos daw nila ay para sa kapakanan ng kanilang anak.
Pag-aayos ni Tekla at dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag
Para sa kanilang anak, ito umano ang dahilan ni Michelle Lhor Bana-ag kaya pinili niyang iurong ang kaniyang reklamo sa komedyanteng si Tekla. Ang balitang ito ay ibinahagi ni Michelle sa pinaka-latest niyang paglabas sa programa ni Raffy Tulfo kung saan niya inireklamo ang komedyante.
Ayon pa kay Michelle, ang kapatid niya ang unang kumontak kay Tekla at sa manager nito. Wala silang hininging perang kapalit para rito. Ngunit, may hiniling sana si Tekla sa kanilang pag-aayos. Ito ay ang muling magkasama sila bilang isang pamilya kaya naman kukunin siya nito at kaniyang anak. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na kakarguhin ni Tekla ang kaniyang pamilya. Isang bagay na hindi sinang-ayunan ni Michelle.
“Ang gusto niya pong mangyari magkakaayos kaming dalawa, kukunin niya po kami ulit ng anak ko. Tapos hindi niya na po kargo pamilya ko. Hindi po ako pumayag. Ako po nakakatanda sa pamilya namin the rest puro bata. Mga minors po ito nag-aaral hindi ko po magagawang iwan sila. Kaya po napag-usapan na lang po namin ‘yung sa bata nalang po.”
Ito ang pahayag ni Michelle.
Nagkasundo sila para sa ikabubuti ng kanilang anak
Para nga umano mas mapatibay ang pag-uusap nilang nito ay may pinirmahang kasunduan si Tekla at Michelle. Ito ay ang kasunduang na poprotekta sa kapakanan ng kanilang anak.
“May pirmahan po kami, Hindi po ako nag-demand kung magkano. Siya na lang po bahala. Kasi po base sa nababasa ko sobrang sakit po. Bilang tatay po alam niya naman responsibilidad niya.”
Ito ang pahayag pa ni Michelle.
Samantala, sa parehong episode na kung saan ibinalita ni Michelle ang pag-aayos nila ni Tekla ay sinabi rin ng abugadong si Atty. Gareth Tungol na mahina ang reklamo ni Michelle laban sa komedyante. May posibilidad na baka siya pa ang mabaligtad at makasuhan ng child abuse.
“Wala ‘yung sufficient compulsion para mabuo natin ‘yung kaso for rape, acts of lasciviousness o child abuse doon sa bata. Kasi dahil mismo narinig natin sa bibig ni Michelle na may oportunidad naman siya na tumanggi at umalis sa mga panahon na sinasabing pinipilit siya ni Mr. Tekla.”
Ito ang pahayag ni Atty. Gareth.
Sa pinaka-latest na vlog din nina Donita Nose at Super Tekla ay ipinakita nila kung kadumi ang condo ni Tekla ng iwan ito nila Michelle. Dahil dito ay mas dumami ang taga-suporta ng komedyante na sinabing sa mga kalat na makikita sa condo nito ay masasabing hindi naman niya pinapagutuman si Michelle at ang pamilya nito.
Co-parenting tips: Paano mapapalaki ng maayos ang inyong anak kahit kayo ay magkahiwalay
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Sa kaso ni Tekla at Michelle, sila ay sumang-ayon na maayos na mapalaki ang kanilang anak kahit sila ay magkahiwalay. Ito ay tinatawag na co-parenting na madalas na nagiging bunga ng nagkakahiwalay na mag-asawa. Ginagawa ito para sa benepisyo ng mga bata o anak ng mag-asawa na naiipit at labis na naapektuhan sa paghihiwalay nila. Bagama’t mahirap, ito naman ay magagawa ng maayos at epektibo. Para nga maisagawa ito ay makakatulong ang mga sumusunod na co-parenting tips sayo.
Isantabi ang galit at sakit na nararamdaman sa iyong dating partner para sa kapakanan ng iyong anak.
Para maisagawa ng maayos ang co-parenting ay kailangang kalimutan o kaya naman ay isantabi ang mga negatibong emosyon na nararamdaman sa iyong dating partner. Dahil ang mga ito ay makakapigil upang magkasundo kayo o magkaisa ng iyong dating asawa. Isaisip na ang ginagawa mong ito ay hindi para sa inyo. Kung hindi para sa inyong mga anak na higit na apektado sa nangyayari sa iyong pamilya.
Magkaroon ng maayos na komunikasyon sa iyong dating partner o co-parent.
Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa iyong co-parent upang ma-achieve ninyo ang success sa set-up na ito. Hindi naman kailangan na magkita kayo ng iyong dating asawa upang maisagawa ito. Ang mahalaga lang ay nag-uusap kayo at nagkokontakan tungkol sa kapakanan ng inyong anak.
Magturingan kayo ng parang isang team.
Para makamit ang inyong goal ay kailangan ninyong itrato ang isa’t isa bilang iyong teammate. Ang goal ninyo ay ang ikakabuti at maayos na pagpapalaki sa inyong anak. Kaya ay dapat na nagkakaisa at hindi nagbabangayan. Higit sa lahat ay dapat laging nakagabay at naka-suporta sa isa’t isa.
Gawing madali ang transition at visitation agreements ninyo para sa inyong anak.
Huwag iparamdam sa inyong anak ang hirap ng pagkakaroon ng magkahiwalay ng magulang. Gawin ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas madali o relax na transition at visitation agreements. Bagama’t kailangang magbigay ng schedule at limitasyon, siguraduhing hindi ito masyadong mahigpit o dapat ay laging maging bukas sa pagbabago o adjustments. Ito ay para hindi maramdaman ng iyong anak na may pressure sa pagitan ninyo na kaniyang mga magulang.
Ang pagbuo ng isang pamilya ng magkahiwalay ay tunay na mahirap. Ngunit kung kayong mga magulang ay magkakaisa at magkakasundo parin sa kabila nito, ang lahat ay nagiging madali na hindi lang makakabuti para sa inyo kung hindi pati narin sa inyong mga anak.
Source:
Raffy Tulfo In Action, Psychology Today
BASAHIN:
6 co-parenting tips para sa mga mag-ex
5 Ways to make co-parenting easier with your ex-partner
LOOK: 10 Former celeb couples who are winning the co-parenting game!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!