Inirereklamo ang komedyanteng si Tekla matapos umano niyang pilitin makipagtalik ang kaniyang live-in partner. Ayon sa kinakasama nito, kapag hindi raw siya pumapayag na makipagtalik, hindi sila binibigyan ng pambili ng pagkain.
Komedyanteng si Tekla, inireklamo ng marital rape ng kaniyang partner
Unang nakilala sa variety show ng GMA Network na Wowowin si Romeo Librada o mas kilala sa kaniyang screen name na Super Tekla. Dito mabilis na umusbong ang kaniyang career bilang isang komedyante at host. Nagkaroon na rin siya ng sariling comedy show na “The Boobay and Tekla Show” kasama ang kapwa komedyante na si Boobay.
Kilala bilang ‘gay’ si Tekla on-screen ngunit paglilinaw niya, siya ay straight man at may isang anak sa unang asawa.
Noong nakaraang buwan, matagumpay ang naging operasyon ng kaniyang anak sa kinakasama nito ngayon. Marami ang tumulong sa kaniya para sa operasyon ni baby Angelo matapos nitong magkaroon ng anorectal malformation.
Ngunit nito lamang October 20, nagulat ang publiko sa reklamo ng kaniyang kinakasama laban sa komedyanteng si Tekla o Romeo Librada sa tunay na pangalan.
Sa panayam ng Raffy tulfo in Action sa live-in parter ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag, dito niya ikinwento ang pinagdaang hirap sa kinakasamang si Tekla.
Makikita sa video ang pagtatalo ng dalawa at koprontasyon ni Michelle.
Tekla: Oh, bakit? Pinipilit ka ba?
Michelle: Anong ginagawa mo? Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata.
Tekla: At least, nag-masturbate ako.
Michelle: Kahit natalsikan ‘yung bata?
Tekla: Nasaan ang utak mo? Masyadong mababaw ‘yung dahilan mo.
Ayon sa panayam ni Raffy kay Michelle, lagi siya umano nitong pinipilit na makipagtalik kahit na may sakit siya at kahit na nasa paligid lang ang kaniyang anak at pamangkin na menor de edad. May pagkakataon pa na nagsasarili umano ang komedyante at natalsikan ng semen ang anak nito.
Kapag hindi pumapayag si Michelle na makipagtalik, hindi umano nito sila binibigyan ng pambili ng pagkain. Dagdag pa ni Michelle na puro pag-v-vlog lang ang inaatupag ng komedyante at hindi man lang mahawakan ang anak nito.
Maaaring humarap sa patong-patong na kasong Marital rape, child abuse at sexual violence si Tekla kung mapatunayan ang kaniyang pang-aabuso sa kinakasama.
Sa part 2 ng interview sa youtube channel ng Raffy Tulfo in Action, ilang mga kaibigan ni Tekla ang nagsalita para sa panig ng komediyante.
Ayon sa kanila, hindi pa makakapag salita sa ngayon si Tekla dahil sa kontrata nito sa kaniyang network. Ilan sa mga nagsalita ay ang malapit na kaibigan niya na sina Donita Nose at Ogie Diaz kasama na ang manager niya.
Kinausap umano nila ang kaibigang si Tekla tungkol sa mga paratang sa kaniya. At ayon sa kanila, walang katotohanan umano ang mga bintang dito. May balak pa nga raw pakasalan ng komediyante ang babae.
Napag-alaman pa na parehong gumagamit si Tekla at live-in partner nito ng drugs dati. Naungkat din ang pagsusugal nila noong nakaraang taon. Depensa ng babae, matagal na silang tumigil sa mga bisyo.
This is a developing story. Bukas ang theAsianparent kung nais magbigay ng panig ni Romeo Librada aka Tekla.
Marital rape in Philippines
Kahit na kasal na ang mag-asawa, wala pa ring karapatan ang isang lalaki sa katawan ng kaniyang asawa. Hindi dahilan ang ‘kasal’ para pilitin na makipagtalik ang lalaki sa kaniyang partner. Tanging ang babae lamang ang may karapatan sa kaniyang sariling katawan.
Kung sakaling mapatunayan ang nasasakdal sa kasong marital rape, siya ay maaaring sintensyahan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong. Wala ring bail sa kasong ito.
Kaso sa pananakit ng asawa
Ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang kasong kailangang isampa sa mga mapang-abusong partner katulad ng:
- Legal na asawa o dating asawa
- Live-in partner o dating live-in parter
- Boyfriend/Girlfriend o ex-boyfriend/ex-girlfriend
- Dating partner o former partner
Maaari namang magsampa ng kaso bukod sa mga biktima ang:
- Magulang/guardian
- Grandparents
- Anak o apo
- Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
- DSWD workers
- Police
- Lawyers
- Health care providers
- Local officials
Pumapasok sa Republic Act 9262 kapag ikaw ay berbal, emosyonal, sekswal, economic o pisikal na inaabuso ng iyong partner. Mahigpit na pinoprotektahan nito ang mga kababaihan at bata. Ngunit puwede ring masampahan ng kaso ang mga partner na lesbian o girlfriend, former man ‘yan o kasalukuyan.
Habang ang mga inaabusong lalaki naman ay maaaring mag complaint under Revised Penal Code.
Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mag apply ng ‘Protection Order’ ang mga magsasampa ng kaso. Kung sakaling makumpirmang may sala o talagang nananakit ang akusado, maaaring umabot ang kaniyang pagkakakulong mula 20 years, depende sa kaniyang kinakaharap na kaso. Maaari namang magbayad ng danyos mula 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos.
Bukod rito, kailangan ring dumaan siya sa psychological counseling o psychiatric treatment.
Source:
Raffy Tulfo in Action, Nicolas and De Vega Law Offices
BASAHIN:
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
Stop victim blaming! 5 dahilan kung bakit hindi ito nakakatulong sa mga biktima ng rape
Mister, ikinulong ang misis sa banyo nang mahigit isang taon