Sa pagpasok sa panibagong chapter ng ating buhay na “married life,” ang tanging hangad ng lahat ay maging masaya at maayos gang pamilya. Ngunit para sa isang nanay mula India, bigo itong makaranas ng pagmamahal mula sa kaniyang asawa matapos siyang ikulong sa banyo ng mahigit isang taon.
Sa ganitong pagkakataon, ano nga ba ang batas para sa pananakit o pagmamaltrato ng mga babae?
Mister, ikinulong ang misis sa banyo ng mahigit isang taon
Dahil sa natanggap na tawag na may nakakulong na babae sa isang banyo, agad na pinuntahan ito ng mga opisyal. Laking gulat nga nila na may isang babae na nakakulong sa maliit, mabaho at masikip na banyo sa Haryana, India.
Batas sa pananakit ng babae | Image from Hindustan Times
Ayon sa district women protection officer na si Rajni Gupta, hindi maganda ang kalagayan ng babae sa loob ng banyo. Napag-alaman na siya ay pinilit na tumira sa maliit na banyo nang mahigit isang taon.
Sa sobrang hina ng babae, halos hindi na ito makalakad at kailangang buhatin para maalis sa loob ng banyo. Sa tagal ng pagkakulong nito sa banyo, hindi siya nabibigyan ng tamang pagkain sa araw-araw.
“She was so weak that she could not even walk; she ate 8 chapatis, when we gave her food.”
Ang nasagip na babae ay kasal sa asawang si Naresh Kumar ng 17 taon. Mayroon din silang mga anak ng kaniyang asawa.
Pinagdidiinan ng asawang lalaki na ikinulong niya ang babae dahil may problema ito sa pag-iisip.
Ngunit ayon sa awtoridad, ito ay walang sakit dahil kilala niya ang buong pamilya at maayos na nasasagot ang mga katanungan.
“Even her husband could not produce the alleged document related to her treatment of mental illness.”
Ngayon, ang babae ay nakatira sa kaniyang kamag-anak habang ang asawa ay arestado sa ginawang pangmamaltrato sa kaniya.
Batas sa pananakit ng babae | Image from Unsplash
Batas sa pananakit ng babae
Dito sa Pilipinas, mayroong batas na naglalayon na protektahan ang mga kababaihan at mga bata. Ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang kasong kailangang isampa sa mga mapang-abusong partner katulad ng:
- Legal na asawa o dating asawa
- Live-in partner o dating live-in parter
- Boyfriend/Girlfriend o ex-boyfriend/ex-girlfriend
- Dating partner o former partner
Maaari namang magsampa ng kaso bukod sa mga biktima ang:
- Magulang/guardian
- Grandparents
- Anak o apo
- Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
- DSWD workers
- Police
- Lawyers
- Health care providers
- Local officials
Pumapasok sa Republic Act 9262 kapag ikaw ay berbal, emosyonal, sekswal, economic o pisikal na inaabuso ng iyong partner. Mahigpit na pinoprotektahan nito ang mga kababaihan at bata. Ngunit puwede ring masampahan ng kaso ang mga partner na lesbian o girlfriend, former man ‘yan o kasalukuyan.
Habang ang mga inaabusong lalaki naman ay maaaring mag complain under Revised Penal Code.
Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mag apply ng ‘Protection Order’ ang mga magsasampa ng kaso. Kung sakaling makumpirmang may sala o talagang nananakit ang akusado, maaaring umabot ang kaniyang pagkakakulong mula 20 years, depende sa kaniyang kinakaharap na kaso. Maaari namang magbayad ng danyos mula 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos.
Bukod rito, kailangan ring dumaan siya sa psychological counseling o psychiatric treatment.
Batas sa pananakit ng babae | Image from Freepik
Batas sa pananakit ng babae: ‘Wag ipagsawalang bahala ang pang-aabuso
Kung sakaling nararanasan ang pang-aabuso na ito, ‘wag magdalawang isip na tawagan ang mga numerong ito:
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
NCR Ugnayang Pag-asa Legarda,
Manila Crisis Intervention Unit (CIU)
Tel. Nos.: (02) 734-8617 to 18
Philippine National Police (PNP)
Women and Children’s Concern Division (WCCD)
Tel. No.: (02) 723-0401 loc. 3480 Call or text 117 (PATROL 117)
National Bureau of Investigation (NBI)
Violence Against Women and Children’s Desk (VAWCD)
Tel. Nos.: (02) 523-8231 loc. 3403; 525-6098
Public Attorney’s Office, DOJ
Tel. Nos.: (02) 929-9010; 929-9436 to 37
Philippine General Hospital (PGH) Women’s Desk
Tel. Nos.: (02) 524-2990; 521-8450 loc. 3816
Women’s Crisis Center
Women and Children Crisis Care & Protection Unit –
East Avenue Medical Center (WCCCPU-EAMC)
Tel. Nos.: (02) 926-7744; 922-5235
Source:
Hindustan Times
BASAHIN:
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!