Ano ba ang rason kung bakit tinatago ng babae ang kanilang pagbubuntis?
Mababasa sa artikulong ito:
- 10 moms confession kung bakit nila itinago ang pagbubuntis nila
- Bakit tinatago ng babae ang kanilang pagbubuntis?
“Buntis ka pala, bakit hindi mo man lang sinabi sa ‘kin?” Paniguradong narinig mo na ang mga katagang ito sa ibang kaibigan o kamag-anak mo noong nagbubuntis ka pa lamang. Ninais mong maging pribado muna ang magandang balita na ito at ‘wag munang ipagsabi sa iba.
Kung isa ka naman sa mga taong nagsasabi nito, lagi nating tatandaan na may pagkakatulad ito sa tanong na, “Bakit hindi ka pa buntis? Ang tagal mo nang kasal ah.” Ang mga usaping ito ay sensitibo lalo na sa mga nanay. Hindi kasi natin alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan. Kailangan nating respetuhin ang kanilang rason sa bawat desisyon na kanilang ginagawa.
May ilang nanay na mas piniling hindi muna ipagsabi ang kanilang pagbubuntis sa ilang rason.
Nagtanong kami mula sa theAsianparent App kung ano ang naging dahilan kung bakit nila mas pinililing itago muna ang pagbubuntis. Naging bukas naman sila sa usaping ito ay ibinahagi ang kanilang dahilan.
Narito ang ilan sa kanila.
10 moms confession kung bakit nila itinago ang pagbubuntis nila
1. Iwas disgrasya
“Hindi ko muna pinagsabi hanggang makalagpas ng 4 months. Hehehe. Ewan ko, sabi ng ate ‘wag daw muna para iwas sa miscarriage. Not sure kung anong paniniwala niya pero sinunod ko na rin.”
“Noong 1st trimester sa family and close friends ko pa lang sinabi. Noong 2nd trimester na, sinabi ko na sa lahat. Nakunan kasi ako before. Saktong 3 months kaya minabuti muna naming palagpasin ‘yung 3 months sa ikalawang pagbubuntis ko.”
“Until ma-confirm lang namin through utz. Parang little secret muna namen ni hubby. Parehong parang indenial pa kasi kami kase baka false alarm lang.”
May ilang moms ang nagsabi na hindi muna nila pinagsabi ang pagbubuntis sa iba para maiwasan ang mga seryosong kondisyon. Ayon sa pag-aaral, kinakailangang maging mas maingat ng buntis sa kaniyang unang buwan kung siya ay expecting na. Ito kasi ang pinaka-crucial at sensitibong buwan ng pagbubuntis.
BASAHIN:
Pananakit ng puson habang buntis: Mga dapat mong malaman
REAL STORIES: Buntis, nanganak ng kambal pero magkaibang linggo nabuo!
Ano ang gagawin mo kapag laging pinagkukumpara ni hipag ang anak niya sa anak mo?
2. Pagiging pribado
“No, we told a few friends and family. Pero no posts online, pagkapanganak na lang kay baby. We just prefer to keep things low-key para tahimik ang buhay at less stress.”
“Second pregnancy ko ‘di ko muna sinasabi sa mga friends ko. Never akong nag-post ng kahit ano sa social media. Saka na pagkapanganak na.”
“So far kaunti pa lang nakakaalam sa ‘min. Mas prefer namin ni hubby na ia-announce na lang kapag lumabas na si baby para raw surprise. At saka ayaw namin ng maraming tanong gusto lang namin mag enjoy ng moment.”
3. Society pressure
“Yes, hindi alam ng parents ko na may bf ako tapos hindi rin alam ngayon na buntis ako. Pero may plano akong sabihin, ‘di lang masabi ang hirap.”
“Yes, noong una. Pareho kasing against ‘yung mga magulang namin ng partner ko, lalo na mama ko. Ako kasi panganay at ako lang inaasahan ng mama ko. Itinago ko rin kase sa mga chismosa naming kapitbahay. Mag-5 months ko na nasabi.”
“Noong una kasi 20 years old pa lang ako. So expect mo na magagalit parents kaya tinago ko muna. Kaso sinabi ko na rin agad after namin nalaman na buntis ako kasi malalaman din naman edi sabihin na lang.”
“Hindi naman sa tinago pero hindi lang binroadcast lalo sa mga ibang relatives at social media. Ang nakakaalam lang is mga malalapit na relatives and mga friends na nakikita ako everyday.”
Ito ang ilan sa mga confession ng ating TAP moms kung bakit nila mas piniling itago muna ang pagbubuntis sa unang mga buwan nito.
Ngunit para sa pangkalahatan, narito ang iba pang rason kung bakit tinatago ng mga babae ang kanilang pagbubuntis.
Bakit tinatago ng babae ang kanilang pagbubuntis?
1. Masyado pang maaga
May ibang nanay na mas pinipiling ‘wag munang sabihin sa una nilang buwan ang kanilang pagbubuntis. Ito ay dahil sa ilang rason katulad na lamang kapag iniisip nilang masyado pang maaga para ipagsabi ang good news na ito. May iba rin na hindi pa nag si-sink in sa kanila na sila ay expecting na.
2. Pressure sa lipunan
Isa ata ito sa pinakakaraniwang rason ng ating mga magulang kung bakit tinatago muna nila ang pagbubuntis. Ito ay dahil sa maaaring mararamdamang pressure na dala ng kaniyang paligid.
Mas pinili nilang itago ito dahil:
- Hindi pa ready ang kaniyang pamilya o asawa na magkaanak ang nanay
- Biktima ng pang-aabuso o panghahalay kaya naman mas pinipili nilang itago ang pagbubuntis dahil sa takot na maaaring dala ng panghuhusga ng lipunan
- Bawal sa trabaho ang pagbubuntis o may inaabangan na malaking oportunidad sa trabaho
3. Sensitibong pagbubuntis
Ang bawat pagbubuntis ng nanay ay iba-iba. Mayroon na madali, mayroon naman na sensitibo. Mas pinipiling itago muna ng ibang nanay ang kanilang pagbubuntis dahil iniisip nilang hindi pa ito ang tamang panahon upang ipagsabi. Takot silang may mangyaring seryosong komplikasyon katulad ng miscarriage.
I-download ang aming theAsianparent community app at magbahagi ng pregnancy at pareting experiences. I-click dito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!