Narito ang ilang tips para hindi manlamig ang asawa mo!
Hindi maikakailang marami ang humahanga sa aktres na si Heart Evangelista dahil sa kaniyang halos perfect nang marriage life. Sa isang vlog ng beauty doctor na si Dr. Aivee Teo, sinagot nila ang mga katanungan sa buhay may-asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Payo ni Heart Evangelista tungkol sa mga married couple
- Tips para hindi manlamig ang asawa mo
Heart to heart talk with Heart
Taong 2015 nang ikinasal si Heart Evangelista sa ngayon ay governor ng Sorsogon na si Chiz Escudero. Sa mahigit 5 years nilang pagsasama, ikinuwento ng aktres ang ilang sikreto niya sa marriage life.
Pag-amin ng aktres, matagal na siyang may paghanga kay Chiz. “I envisioned it. I manifested it.” panimula niya. “Crush ko talaga siya.”
“He was my dream guy, somebody that i didn’t think I’ll end up because he was married but he always the standard.”
Kwento pa ni Heart, madalas na ipaalala ng kaniyang tatay sa kaniya na kahit kasal na siya, ‘wag pa ring kakalimutan ang pagiging pribado.
“So if you go to the toilet, close the door. If magbibihis ka, don’t make bihis in front [of them].”
Hindi siya nagbibihis sa harap ni Chiz. Kahit na ang mag-lotion o pulbo, mas pinipili ng aktres na gawin itong mag-isa. “Ako, I don’t dress up in front of Chiz. When he sees me naked, he only sees me naked when it’s that one.”
BASAHIN:
Heart Evangelista kung bakit hindi pa siya nagkaka-anak: “It’s God’s choice.“
Ayaw makipagtalik ng iyong asawa? Basahin ang open letter na ito ng isang ina
#TAPMomAsks: Kasama ng asawa ko ang pinagseselosan ko sa outing nila, papayagan ko ba?
Mahalaga ang alagaan ang sarili kahit pamilyadong tao na. Gawin ito para sa sarili, ito ang payo ni Heart para sa kababaihan. Nakuwento pa niya na hilig niya ang magsuot ng gown o silk robe kapag matutulog.
“Ako ’pag natutulog ako naka super gown. I wear ’yung silk, ano, robe na maganda because wala ka ng makeup, gandahan mo na!”
Epektibo naman ito dahil nakakaramdam agad siya ng saya pagkagising ng umaga. “It feels good in the morning to wake up like that.”
Dagdag pa ng aktres,
“I always believe you shouldn’t let go of yourself just because nag-asawa ka na o may anak ka na. Again in connection with your dreams and your aspirations in life.”
Sa usapang hindi pagkakaintindihan naman sa asawa, naibahagi ni Heart na hindi siya ‘yung tao na confrontational. Imbes na makipagtalo ng harapan, binibigyan niya ng sulat si Chiz at dito inihahayag ang kaniyang saloobin.
“I’m more of, I’ll write you a letter first.” bahagi niya.“So, if you write a letter, they can actually digest it more and better because they don’t see your face, he’s not irritated that you’re mad.”
Payo ni Heart, hindi mabibigyan ng solusyon ang isang away kung parehong galit ang mag-asawa. Mas mabuting mag-usap kapag kalmado na ang bawat isa.
Ayon kay Heart, ang pagiging asawa at ina ay naging daan para maging mas matured siya sa buhay.
Tips para hindi manlamig ang asawa mo
Upang mapanatili ang pagiging buhay ng inyong pagsasama ni mister, narito ang tips na kailangan mong tandaan.
Isara ang pinto ng banyo
Gaya ng payo ni Heart Evangelista, ugaliing isara ang pinto ng banyo kung ginagamit mo ito. Kahit mag-asawa na, hindi lahat ay dapat ipakita. Panatilihin ang respeto at pagiging pribado sa ilang aspeto.
Pagiging malinis sa katawan
Minsan, nakakalimutan natin ang ibang bagay lalo na kapag komportable tayo sa taong kasama natin. Ngunit laging tandaan na panatilihin ang proper hygiene kahit may asawa na.
‘Wag malulong sa gadget
Isa sa laging pinag-aawayan ng mga couple ay ang pagkahilig ng isa sa smartphone o ibang mobile games. Tandaan na pamilyadong tao kana. May mas malaking responsibilidad kang kinakaharap at dapat gampanan. Kung ngayon ang quality time kasama si mister o misis, itabi muna ang cellphone at ‘wag muna itong gamitin.
‘Wag masyadong maging mahigpit
Ang pagiging overprotective at nagger ng asawa ang isa pa sa pinag-aawayan sa isang relasyon. Kung isa ka sa ganito, iwasan ang pagiging mareklamo lalo na kung sa tingin mo ay unfair na para sa iyong asawa. Unawain sila at pakinggan ang rason.
Source:
GMA News Online, Reader’s Digest