6 parenting mistakes kung bakit hindi na-iengganyo si baby na magsalita

Plus tips na makakatulong para ma-encourage siyang magsalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga tips para matutong magsalita ang baby at ang mga parenting mistakes na iyong ginagawa na nagiging hadlang sa kaniyang pagsasalita.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang iyong mga ginagawa kung bakit hindi na-iengganyong magsalita si baby.
  • Mga tips para matutong magsalita ang baby.

Ang pagsasalita ni baby ay isa sa mga milestones niya sa buhay na tunay ng ikinatutuwa nating mga magulang. Lalo na kung tayo ay natatawag na nilang mama, papa, mommy, daddy, nanay at tatay.

Pero ang kakayahan ng sanggol na magsalita ay naiiba-iba. Mayroong maaring magsimula ng magsalita sa oras na sila ay mag-9 na buwang gulang. Mayroon namang mas napapaaga o kaya naman ay medyo nade-delay sa pagsasalita.

Ayon sa mga eksperto, may mahalagang papel na ginagampanan ang mga magulang sa pagsasalita ng mga sanggol. Sapagkat sa atin nila ito nagagaya at natutunan. Kaya naman kung hindi nai-engganyo o may delay sa pagsasalita ng anak mo, maaaring ikaw din ang may kagagawan nito.

Base sa artikulong nailathala sa health website na WebMD, narito ang ilang parenting mistakes na nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng delay sa pagsasalita ng bata. Ito ay ang mga dapat mong baguhin para mas ganahan ng magsalita ang anak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parenting mistakes kung bakit hindi na-iengganyo si baby na magsalita

Photo by ShotPot from Pexels

  • Masyadong mahaba ang oras na ibinababad mo sa screen. Tulad ng panonood ng TV o paglalaro sa cellphone kaysa sa pakikipag-usap sa anak mo. Dahil dito hindi nai-encourage ang iyong anak na magsalita at kaniyang ini-imitate ang pagiging tahimik mo at focus sa ginagawa mo.
  • Hindi ka nakikipag-usap ng madalas sa anak mo. Ayon sa mga eksperto, ang mga madadaldal na magulang ay mataas ang tiyansang magkaroon din ng madaldal na anak.
  • Hindi kayo nagkakaroon ng quality time o solong oras ng iyong anak na kung saan walang ibang tao sa inyong paligid, Mas nagiging effective umano ang pakikipag-usap sa isang bata kung ito ay ginagawa ng one on one o walang ibang tao sa paligid ninyo. Sa ganitong paraan ay naririnig niya ng malinaw ang mga salitang iyong sinasabi at natutunan ang mga ito.
  • Isinasawalang bahala mo ang mga pagsagot o simpleng pagtalima ng iyong anak sa mga sinasabi mo. Maaari ring imbis na pakinggan ay agad mong pinuputol o sinisingitan ito. Ito ay hindi makakabuti dahil ipinapahiwatig nito na hindi ka nakikinig sa kaniya. Kaya naman ang resulta hindi siya nai-encourage na magsalita.
  • Hindi mo tinitingnan sa mata ang iyong anak sa tuwing siya ay iyong kinakausap. Mas nakakapag-respond umano sa mga salita ang mga baby kung sila ay deretsong nakatingin sa ‘yo.
  • Masyado kang nagbe-baby talk sa anak mo. Para matuto siya ng iba pang mga salita ay dapat kausapin rin siya ng normal. Bigkasin ang tamang pronunciation ng mga salita. Ito ay para magaya niya at matutunan ito ng tama.

BASAHIN:

STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

Baby talk, cries, at movement: Isang gabay para maintindihan ang gustong sabihin ni baby

7 paraan na maaaring gawin para gumaling magsalita ang bata

Mga tips para matutong magsalita ang baby

Photo by Meruyert Gonullu from Pexels

Para naman mapabilis na matuto ang iyong anak sa pagsasalita ay narito ang mga tips para matutong magsalita ang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Makipag-usap at makipaglaro sa iyong anak. Ito ay upang makapagpalitan kayo ng salita at matuto siya.
  • I-narrate sa iyong anak ang lahat ng iyong ginagawa na kasama siya. Tulad ng pagpapaligo sa kaniya, pagpapakain o kung may bagay siyang tinitingnan. Halimbawa: Sa ngayon ay paliliguan na kita. Sasabunan muna natin ang iyong ulo sunod ang iyong katawan para luminis ito.
  • Basahan ng libro si baby at ipaliwanag sa kaniya ang mga pictures na kaniyang nakikita. Kung ano ang mga makikita niya rito pati na kung ano ang ibig sabihin nito.
  • Gayahin ang mga tunog na ginagawa ng iyong anak. Tulad ng oh-oh at ah-ah at gamitin ito para makabuo ng salita. Gaya ng owl o apple at hayaan silang gayahin ito.
  • Ipakilala o i-introduce sa iyong anak ang iba’t ibang mga bagay na kaniyang nakikita o nasa paligid niya.
  • Pangalanan ang lahat ng bagay na mahahawakan ng anak mo.
  • Kumanta ng mga actions songs sa iyong anak tulad ng itsy bitsy spider.
  • Kantahan o mag-recite ng mga nursery rhymes kasama siya.
  • Sa tuwing may binabanggit na mga salita ang anak mo ay pakinggan ito. Tingnan at ngitian siya bilang palatandaan na nakikinig ka sa kaniya.
  • Hayaang matapos magsalita ang iyong anak bago mo siya sagutin o mag-respond sa mga sinabi niya.
  • Makipaglaro sa iyong anak gamit ang mga salita. Tulad ng pagpapangalan sa mga parte ng kaniyang katawan.
  • Mag-react o mag-comment sa mga ginagawa ng iyong anak. Ito ay para natutunan niya ang iba’t ibang uri ng emosyon. Pati na rin sa kung ano ang mga tawag sa mga ito gamit ang mga salita.

Dagdag na tip

Baby photo created by asier_relampagoestudio – www.freepik.com

Kung sa pakiramdam ay masyadong delayed ang pagsasalita ng iyong anak, walang masama kung lumapit ka sa isang professional at magtanong.

Ito ay para malaman mo kung ito ba ay normal lang sa kaniya o baka mayroon na siyang nararanasan na kondisyon na pangunahing rason ng delay sa kaniyang pagsasalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

WebMD, Healthline, NCT.Org

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement