Paano maging magaling magsalita ang bata, narito ang 7 paraan na maaring gawin!
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga tips na makakatulong kung paano maging magaling magsalita ang bata.
- Ang mahalagang papel na ginagampanan nating mga adults sa kung paano maging magaling magsalita ang bata o iyong anak.
Paano maging magaling magsalita ang bata?
Ang pagsasalita ay bahagi ng growth process ng isang tao. Ang mga sanggol ay natutunan ito sa pamamagitan ng pagsusuri at paggagaya sa mga tao sa paligid nila.
Pati na ang pag-iintindi sa kahulugan ng salita, pagbuo ng mga pangungusap ay sa atin nila unang natututunan. Kaya naman para maging magaling magsalita ang isang bata, napakahalaga na matuto muna sila kung paano ang tama o aktibong pakikinig.
Gayundin, ang pagsasabi ng mga mahahalagang salita tulad ng “please” at “thank you” na susundan ng mga body language at ang mga kahulugan nito.
Ang mga nabanggit na skills ay hindi agad matutunan ng isang bata sa isang araw lang. Kinakailangan ng ilang taong pagpapraktis para sila ay mahasa sa mga skills na ito.
Pero ito ay mas magiging madali sa tulong mo at sa pamamagitan ng mga sumusunod na tips kung paano maging magsalita ang bata.
7 tips kung paano mahahasa ang conversation skills ng iyong anak
1. Kausapin ang iyong anak.
Tayong mga magulang ang mga unang adults na nakakasalamuha ng ating mga anak sa bahay. Ang kanilang language, vocabulary at accent ay nakadepende sa atin at sa iba pang adults na nakakausap nila.
Kaya naman para mas mahasa ang conversational skills niya, mabuting kausapin natin ng mas madalas ang ating mga anak. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya tungkol sa mga bagay na kinahihiligan at kinaayawan niya.
Pwede rin naman sa kung paano ang naging takbo ng araw niya sa eskwelahan o pakikipaglaro sa mga kaibigan niya.
Maliban sa maayos na pakikinig sa kanila o pagbibigay atensyon sa bawat salitang kanilang sinasabi, mahalaga rin na ipakita sa kanila kung paano mag-react sa isang usapan.
Sapagkat sa hindi mo napapansin, ito ay nagagaya at ia-apply ng iyong anak sa tuwing may taong kumakausap sa kaniya.
2. Turuan ang iyong anak na magsalita ng maikli at straight to the point.
Mahalagang ituro sa iyong anak ang kahalagahan ng pagsasalita ng maiksi at straight to the point. Dahil sa pamamagitan nito ay mas maiintindihan siya ng kausap niya at mas matutukan o mabibigyang pansin ang sinasabi niya.
Ipaliwanag sa iyong anak na dapat sa pagkukuwento ay magko-concentrate siya sa mahahalagang parte ng istorya. Matutulungan siyang mahasa ang skill na ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya.
Maaaring tungkol sa kung ano ang favorite part niya sa movie na kaniyang napanood at bakit niya nasabing interesting part ito para sa kaniya.
Pero hindi mo rin dapat pigilan ang iyong anak sa pagkukuwento o sa mga bagay na gusto niyang sabihin. Ipaalala lang sa kaniya na mas mag-e-enjoy sa pakikinig sa kaniya ang mga kausap niya kung malinaw at maikli kung maaari ang pagkukuwento niya.
3. Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga topics na makakarelate siya.
Para mas maging makabuluhan o interesting ang pakikipag-usap sa iyong anak, makakatulong ang pakikipag-usap sa kaniya tungkol sa mga bagay na makaka-relate niya.
Ito ay para maramdaman niya na mahalaga rin ang iniisip niya para sa ‘yo. Ipaliwanag din kung bakit mahalaga na ito ay i-apply niya sa mga taong kinakausap niya. Sa tulong nito, mas nagiging meaningful ang pagpapalitan nila ng mga salita.
Sa ganitong paraan ay natututo rin ang iyong anak sa konsepto ng emphaty o ang paglalagay ng sarili niya sa sitwasyon ng iba. Ito ay upang maintindihan niya o maka-relate siya sa nararamdaman o nararanasan ng kaniyang kapwa.
4. Pakikinig ng mabuti.
Image courtesy: iStock
Ang pag-praktis ng active listening ay napakahalaga sa isang pag-uusap. Lalo na kung ayaw mong sumama ang loob ng kinakausap mo o isipin niyang walang halaga sa iyo ang mga sinasabi niya. Kaya naman kahit sa tingin mo ay boring ang sinasabi niya dapat ay makinig ka.
Sa una, hindi agad ito maiintindihan ng mga bata. Subalit sa pagdaan ng panahon matutunan din nila ang kahalagahan nito sa isang relasyon tulad ng pakikipag-kaibigan.
Para maturuan ng active listening ang iyong anak, ay maging halimbawa sa kaniya. Bigyang pansin ang mga kaniyang sinasabi. Ipakita ang tamang facial expressions sa bawat pangungusap o sitwasyon na ibinabahagi niya sa ‘yo.
Gumagamit ng iba’t ibang verbal cues tulad ng “Okay”, “Yes” at Hmmm na palatandaan na nakikinig ka sa mga sinasabi niya.
BASAHIN:
3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak
Paano matulungan ang mahiyain mong anak
Ang mga salitang hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak
5. Matuto at mag-aral.
Para mas maraming salita ang malaman ng iyong anak ay kailangan niyang mag-aral ng mag-aral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ay mas marami rin siyang bagay na malalaman na magagamit niyang topic para magsimula ng conversation o pag-uusap.
Kapag marami siyang nalalaman ay mas nagiging confident siya. Mas nakukuha rin niya ang atensyon ng iba dahil kahit sa bata niyang edad ay malawak na ang kaalaman niya.
6. Ituro sa kaniya ang kahalagahan ng pagtahimik sa tuwing siya ay nakikipag-usap.
Ang pakikipag-usap ay hindi lang basta palitan ng ideya at salita. Mahalaga rin na matutong tumahimik ang isang tao lalo na sa oras na nagsasalita na ang kausap niya. Dahil sa ito’y palatandaan na nirerespeto niya ang sinasabi ng kaniyang kapwa at nakikinig siya.
Ituro sa kaniya na maging komportable sa katahimikan. At minsan ayos lang na hindi siya makipag-usap sa iba kung nanaisin niya.
7. Magpraktis.
Image Source: Pexels
Para mas maging magaling magsalita ang iyong anak ay i-praktis o kausapin siya ng kausapin. Ito ay hindi lang dapat ikaw ang gumagawa kung hindi pati na ang ibang miyembro ng inyong pamilya.
Isang paraan rin na mai-enjoy ng iyong anak ang pakikipag-usap ay sa pamamagitan ng paglalaro ng ball o balloon toss. Kung saan sa tuwing napupunta sa kaniya ang ball o balloon ay saka siya magsasalita. Ganoon din kapag sa ‘yo naman napunta ang ball o balloon na ginagamit ninyo sa paglalaro.
Sa ganitong paraan ay natuturuan ang iyong anak sa pagrespeto at pakikinig sa kausap niya. Pati sa paghihintay na makapagsalita kapag oras o turn na niya.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan nating mga magulang sa development ng ating anak. Sa kanilang mga ikinikilos pati na sa mga salitang lumalabas sa kanilang bibig.
Kaya naman kung may nais ituro sa iyong anak ang unang dapat mong gawin ay maging mabuting halimbawa na kaniyang tutularan o magagaya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!