Ang pag- aasawa ay isa sa mga malaking hakbang sa ating buhay. Kaya naman gusto ng mga nais mag-asawa na maisip kung anu-ano dapat gawin upang maging masaya at mapapatagal ang pagsasama.
Maituturing na “new beginning of a family” at isang “life-long commitment” ng dalawang tao na nagmamahalan ang pagsasama habambuhay.
Katotohanan ang sabihing, ang pag-aasawa ay hindi laging masaya ang alaala, madalas ay mayroon ding hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa na.
Normal naman ang pagtatalo sa pakikipagrelasyon. Ingat lamang dahil ang mga pagtatalong ito ay maaaring humantong sa hiwalayan.
Mauuwi sa “maturity” ang pagsasama ng dalawang magkarelasyon. Ibig sabihin hindi na lamang pisikal na katangian ang ikokonsidera, kundi maging emosyunal at mental na mga factors.
Ika nga,
“It takes two to tango,”
Nangangahulugan lamang ito na para maging matagumpay ang pagsasama ay kailangan ng kooperasyon ng dalawa.
Ito ang ilan sa mga tips mula kay Niro Feliciano, isang anxiety specialist at cognitive psychotherapist para sa magandang pagsasama ng mag-asawa.
Talaan ng Nilalaman
5 tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa
1. Maglaan ng oras sa isa’t isa
Para magkaroon ng matinding relasyon kinakailangan ninyong mag-asawa. Sa ganitong paraan ay maaari kayong umunlad at magkaroon ng matibay na koneksyon.
Maaari kayong kumain sa labas, subukan ang “movie dates,” o kaya ay gumawa ng “hobbies.” Ang mga hobbies na tulad ng hiking, painting, o baking ay ilan sa maaaring pasuking libangan.
3. Mag-ingat sa pagsasalita lalo na sa inyong away
“Words are the most powerful thing in the universe.”
Makapangyarihan ang salita. Madalas mas nag-iiwan pa ito ng bakas kumpara sa pisikal na pananakit. Sa usapin ng mag-asawa kinakailangang magkaroon ng dobleng pag-iingat sa mga binibitawang salita. Mas malalim kasi ang level ng intimacy niyo sa isa’t isa.
Nagkakaroon ng mga panahon na nakapagsasabi tayo ng mga salita na hindi naman talaga natin gustong sabihin. Mainam na kung nakararamdam ng matinding emosyon o damdamin ay magpalamig muna.
3. Dapat marunong kayong mag-negotiate sa mga conflicts niyo
Ang pag-aayos ng problema ay isa ring magandang tulong upang maging matatag ang inyong pagsasama dahil sa pag-uunawa inyo sa isa’t isa. Sa inyong pag-aaway, isipin na hindi ikaw ang laging tama.
Hindi tayo perpekto kaya hanggat maari magpakumbaba at tanggapin ang iyong pagkakamali.
BASAHIN:
Magkano ang dapat gastusin para sa regalo sa asawa? Ito ang sabi ng experts
Paano disiplanahin ang ‘pasaway’ at sensitibo na bata na ayaw talagang makinig?
Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon
4. Respetuhin ang isa’t isa
Kung hindi maiiwasan ang pag-aaway, dapat nating tandaan ang respeto sa isa’t isa.
Ang kawalan ng respeto sa relasyon ay kadalasang nauuwi sa pagkasira nito. Ang pagkakaroon naman nito ay kadalasang nauuwi sa mas matibay pa ng relasyon.
5. Matutong makinig
Ito ay isa sa mga main tips para sa isang “healthy marriage.”
Ibukas sa partner kung ano ang iyong mga nararamdaman. Kung oras na niya upang magsalita ay matutong makinig. Ang hindi pakikinig sa isa’t isa ay isa sa mga bagay na dapat iwasan sa pagsasama dahil ito ay nakakasira ng relasyon, maaari kayong magkaroon ng misunderstanding dahil dito.
3 na dapat iwasan upang mapatagal ang pagsasama
-
Iwasan ang pagtatago ng sikreto sa inyong asawa
Isa pa ay ang pagtatago o secrecy ng mga mahahalaga at maliliit na bagay sa iyong partner na nakakasira ng tiwala at nakakasakit ng damdamin ng inyong asawa na maaaring makapag-ugnay ng away o hinanakit.
-
Matutong tumanggap ng pagbabago
“Change is the only constant in life.”
Hindi masama ang magbago, kailangan ‘yan upang magkaroon ng growth. Dapat mong bigyan ng chance upang mabago ang hindi magandang habit mo. Ang mga habit na tulad ng palaging late, gross personal hygiene at iba pa ay ilan sa common na kailangang baguhin.
Mahalagang magbago para sa ikauunlad ng sarili, ng partner at maging ng relasyon. Maganda na laging kayong sabay na nag-eexplore nag iyong asawa.
-
Iwasan ang hindi pagtulog ng magkasama
Isa rin sa mga importante parte ng relasyon ay ang pagkakaroon ng oras ng pagyakap sa isa’t isa at pagtulog ng magkasama.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog nang magkasama ay nakakabawas ng tiyansang magkaroon ng nightmares. Maaari itong makatulong upang magkaroon ng kalmado at payapang pagtulog. Ito rin ay nagbibigay ng “stronger bond” dahil nakapagbibigay kayo ng comfort sa isa’t isa.
Maaari ka ring kumuha ng advice sa mga libro, marital education workshops o mga articles na katulad nito. Itong mga option na ito ay magandang tips upang ang inyong pagsasama ay maging healthy at magkaroon ng maayos na komunikasyon.
Lahat ng nakikitang mong matibay na relasyon ngayon ay dumaan din sa libong pagtatalo. Kung mga pagtatalong ito ay nakikitang mong maaari pang ayusin, magandang ayusin niyo itong dalawa.
Kung ang tansya mo naman ay hindi na maganda para sa inyong dalawa ay mahalagang pag-usapan na kung ano dapat ang patutunguhan ng inyong relasyon.