Top stories ng The Asian Parent nitong 2018

Sa pagtatapos ng taon, balikan natin ang top stories in 2018. Mula sa parenting tips pati na rin mga viral news, narito ang 10 most-read dito sa TAP.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito sa The Asian Parent, layunin namin na bigyan ng impormasyon ang mga magulang tungkol sa pagbubuntis, pagpapalaki ng anak, relasyon, at mga balita na tungkol sa mga bata at pamilya. Ngayong bagong taon, balikan natin ang mga most-read top stories in 2018 mula sa TAP.

10 top stories in 2018

1. Mga maagang palatandaan ng pagbubuntis

Ang number one sa top stories in 2018 ay tungkol sa mga early signs ng pagbubuntis. Importanteng malaman kung anu-ano ang mga maagang palatandaan ng pagbubuntis lalong lalo na sa mga mag-asawa na gustong magsimula ng pamilya.

Isa sa kadalasang tanong sa aming The Asian Parent app ay kung ano ang mga maagang sintomas ng pagbubuntis. Dito sa artikulo na ito, nagbibigay ng impormasyon kung anu-ano ang mga ito.

2. 10 Natural na Gamot sa Singaw

Narito ang ilang mabisang gamot sa singaw na hindi lang natural, ngunit siguradong makakatulong maibsan ang masakit at nakakairitang singaw sa bibig.

3. 16 Bagay na ipinagbabawal sa mga buntis

May mga ilang bagay na dapat iwasan o ipinagbabawal sa mga buntis, ayon sa mga doktor at medical specialists. Sinasagot ng artikulong ito kung anu-ano nga ba ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Woman Goes Blind In One Eye After Playing Mobile Game All Day

Isa sa mga viral news na naging bahagi ng top stories in 2018 ng TAP ay ang istorya ng isang babae na nabulag sa isang mata dahil sa kakalaro ng mobile games. Bukod sa news story, may ilang tips din kaming binigay upang maiwasan itong mangyari sa ating mga anak.

5. 6-Month-Old baby dies after family feeds him honey

Hindi inaakala ng mga magulang ng 6-buwang gulang na baby na ang natural na sweetener at remedy sa ubo ay nakamamatay pala sa mga sanggol. Hindi biro ang infant botulism kaya’t importanteng malaman ang panganib na nadudulot nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Mga home remedies para sa ubo na hindi kailangan ng gamot

Sa susunod na mayroong magkasakit sa pamilya, subukan itong mga mabisang home remedies para sa ubo, na hindi nangangailangan ng medisinang galing sa botika.

7. Baby’s death highlights the importance of safe sleep positions

Nais man namin na mag-report lamang ng masasayang mga istorya, hindi maiiiwasang magbalita rin kami ng mga news items na mapupulutan ng impormasyon ng mga magulang. Katulad na lang ng hindi inaasahang pagkamatay ng isang 10-buwang gulang na sanggol na pumanaw dahil sa maling posisyon ng pagpapatulog sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Mommies, alam niyo ba ang mga bawal sa mga bagong panganak?

Photo by Julie Johnson on Unsplash

Ingatan ang sarili para maalagaang mabuti si baby. Narito ang mga bawal sa bagong panganak para lubusang makabawi ng lakas at kalusugan si Mommy.

9. Senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks

Nag-aalala o nalilito ka ba sa unang linggo ng iyong pagbubuntis? Heto ang guide sa senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10. 3 mistakes to avoid when caring for your baby boy’s foreskin

Narito ang tatlong karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga magulang sa pag-aalaga ng foreskin ng penis ni baby. Alamin kung paano ang proper care at paraan ng paglinis nito.

 

Basahin: Top 113 baby boy names for 2019

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement