Manila, Philippines – Para sa mga nagbabalak na bumista at magbakasyon sa South Korea, mukhang magiging malabo na ito dahil sa pagtataas ng utos patungkol sa travel ban dito.
Travel ban South Korea Philippines | Image from Insung Yoon on Unsplash
Travel ban para sa mga lilipad papuntang South Korea, epektibo na
Kahapon, February 26, kinumpirma na nga ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay pagtataas ng utos patungkol sa travel ban ng mga turistang papunta sa South Korea mula sa Philippines. Ito ay dahil pa rin sa nakamamatay na COVID-19 na nagmula sa bansang China kung saan kumitil ng 2,765 na buhay.
Ang layunin ng travel ban na ito ay para sa kaligtasan ng mga pilipinong nais pumunta ng Korea. Ito rin ay para mapigilan ang bilang nga mga pilipinong maaaring maging positibo sa COVID-19.
Dagdag pa ni Panelo, marapat na suriin at pag-aralang mabuti ang sitwasyon sa naturang bansa sa loob ng 48 na oras. Ito ay para malaman kung palalawakin ba ang travel ban.
“In the meantime, strict protocols with respect to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed,”
Samantala, ang presidente naman ng South Korea na si Moon Jae-in ay nagtaas ng alert level sa kanila. Ito ay bilang pangalawa sa may pinakamabilis na bilang na nagiging infected ng COVID-19. Maitatala na nasa 700 ang nadadagdag na kaso sa isang linggo. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na isa sa may pinakamataas na bilang ng nagpositibo s coronavirus ang South Korea.
Sa ngayon, nasa bilang na 1,261 ang nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea.
Maaari mong ma-track ang mga bansang nagpositibo sa COVID-19 at ang total ng mga ito sa Coronavirus COVID-19 Global Cases by Johns Hopkins CSSE
Travel ban South Korea Philippines | Image from Kseniya Petukhova on Unsplash
“You cannot do that. There cannot be a total travel ban and you do not allow anybody to enter. You are going to lock down the entire Philippines for that, It ain’t that way. And for those who are healthy, they should come in. And for those who have been identified from other countries, then that is the time that we can raise the objection of his entry.”
Bukod sa South Korea, nagtaaas na rin dito ng utos sa travel ban mula sa Taiwan ang Pilipinas. Kasama pa rin ang Macau, Hongkong at China.
Source: CNN Philippines
BASAHIN: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!