Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”

Hirit pa ni Trina sa kaniya nag-commit si Carlo at nanatili siyang tahimik para sa kapakanan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Netizens nag-react sa kumakalat na Trina Candaza at Carlo Aquino break up issue. Sabi ng ilang netizens nakarma si Trina sa ginawa niyang pang-aagaw kay Carlo kay Angelica Pangilinan. Ang paratang na ito sinagot ni Trina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza at Carlo Aquino break up issue.
  • Sagot ni Trina sa netizen na sinabing nakarma siya sa pang-aagaw kay Carlo sa aktres na si Angelica Panganiban.

Trina Candaza at Carlo Aquino break up issue

Image from Facebook

Nitong Biyernes ay nagulantang ang mga netizens sa post ni Trina Candaza tungkol sa pagloloko ng isang lalaki at sa kung paanong hindi na ito magbabago kung nambabae.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kaniya.”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…”

“’Wag na kayo umasang mag babago pa ‘yong jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago.”

Ito ang Facebook post ni Trina na nagbigay ideya sa mga netizens na mukhang nagkakalabuan na ito at ang aktor na si Carlo Aquino.

Lalo pa’t ito ay lumipat sa bagong bahay na tanging ang anak na si Enola Mithi lang ang kasama. Kaya naman palagay ng mga netizens ay break na si Carlo at Trina na marami ang nalungkot kahit hindi pa kumpirmado ang balita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mag-aaway pero di maghihiwalay isipin niyo si Mithi hope and I pray everything will be okay. Hope ‘Di totoo and its only a prank this news.”

“’Wag naman po sana kayo mg hiwalay kawawa si mMithi, pagsubok lang ‘yan away lang wala lang hiwalayan. :(.”

Ito ang ilan sa komento ng netizens sa post ni Trina na nalulungkot sa kung anumang pinagdadaanan ng relasyon nila ni Carlo Aquino ngayon.

Netizens sinabing nakarma si Trina

Pero kung may nalulungkot sa post na ito ni Trina, may mga netizens naman ang nagsabing kinakarma siya ngayon kaya ito nangyayari sa kaniya.

“’Pag inagaw mo expect na maagaw din sa ‘yo, ‘pag naging ka affair ka expect na magkaka affair din sa iba. Sabi nga ‘di ba ‘wag mong gawin kung ayaw mong gawin sayo, just a quote ❤”

“’Di ba inagaw mo din ‘yan si Carlo? What do you expect? What comes around goes back around… girl di na magbabago ‘yan.”

Ito ang ilan sa paratang ng netizens kay Trina na tumutukoy sa relasyon umano ni Carlo Aquino at Angelica Panganiban noon. Ang isa sa mga komentong tulad nito ay hindi napigilang sagutin ni Trina. Paglilinaw niya wala siyang inagaw at sa kaniya nag-commit si Carlo noon.

“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit tas ang labas ako pa nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.”

Ito ang sagot ni Trina tungkol sa mga alegasyon sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang ngayon ay wala pa rin namang kumpirmasyon kung hiwalay na nga ba si Carlo at Trina. Hindi pa rin naglalabas ng pahayag niya si Carlo ukol sa kumakalat na balita.

Subalit nag-move out na o lipat ng bahay si Trina. Ayon sa kaniyang YouTube vlog sa kaniyang channel, ibinahagi niya na lumipat na siya ng bahay. Napili raw niya ang bahay na iyon dahil malapit sa school ni Mithi, kung sakaling mag-face-to-face class na ay madali lamang itong makakapunta doon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Carlo Aquino, isa ng daddy!

Sarah Lahbati sa pagkakaroon ng stretch marks: “It took me awhile to accept that. My biggest insecurity.”

LOOK: Vocalist Champ Lui Pio marries non-showbiz partner named Claire Nery

Trina Candaza and Carlo Aquino love story

Image from Facebook

Matatandaang naging mainit na usap-usapan noong nakaraang taon ang relasyon ni Trina Andaza at Carlo Aquino. Ito’y matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng dalawa na magkasama.

Habang iniuugnay rin noon ang aktor sa dati nitong ka-loveteam na si Angelica Panganiban. Pero ang aktor hindi nagtago at inamin sa publiko ang estado ng relasyon nila Trina. Bagama’t humingi rin siya ng tawad at paumanhin sa mga tao umanong nasaktan niya.

Samantala, Setyembre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Carlo Aquino sa kaniyang Instagram account ang larawan ng isang sanggol.

Sa caption ng kaniyang Instagram post ay naka-tag ang girlfriend nitong si Trina Candaza at nabanggit ang pangalang Enola Mithi Aquino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one” Enola Mithi Aquino @trinacandaza

Hindi man deretsong nagbigay ng detalye ang aktor sa post niyang ito ay nakatanggap naman ito ng congratulations comments sa kaniyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz. Dahil ang aktor ganap ng isang ama sa first baby nila ni Trina Candaza na kanilang ipinangalanan na Enola Mithi.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement