Ang transisyon ng isang Ina

Tanggapin natin kung anung meron tayo at huwag maghangad ng marangya kung makakasira ito sa pamilya natin. Matuto tayong i-appreciate ang ipinagkaloob sa 'tin ni Lord at higit sa lahat, magpasalamat sa Kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong una, sobrang nakakapanibago ang transisyon sa pagiging walang anak at pagkakaroon ng anak, kailangan mo nang malaman ay iyong tungkulin ng isang ina. Magbabago rin ang transisyon na ito mula sa hubog ng katawan, pananamit, pagkilos at sa oras sa sarili. Naipanganak ko ang aking anak sa pamamagitan ng cesarean section kaya doon pa lamang ay napalaki na ang pagbabago sa aking katawan.

Larawan mula sa iStock

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagbabahagi ng aking transition sa pagiging ina
  • Mensahe ko sa kapwa ko mommy

Akala ko’y hindi na ako makakarekober, natakot ako sa totoo lang. Bilang isang 1st time mom, marami akong iniisip na akala ko hindi ko na masasagot. Ang dapat pala, yakapin mo ang pagiging momshie, mama, nanay, o mommy mo para mawala ang mga pangamba mo. Iyong regrets mo’y mapapalitan ng kaligayahan. Hindi mo na iisipin ang sarili mo dahil ang iyong anak na ang magiging priority mo sa buhay. Selfless love kumbaga. Mararmdaman mo lang pala ang pakiramdam na iyon kapag tanggap mo na ang lahat ng pagbabago sa iyong buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Pregnancy depression: Read this mom’s pregnancy story about antenatal depression!

Charlote’s pregnancy journey, alamin ang kaniyang kwento

Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak”

Kapag ika’y masaya, doon ka makakabangon muli. Makikita mo na ang mga pagbabago sa iyong sarili, makikita mo na ang mga bago mong prayoridad sa iyong buhay. Kung ang dati mong prayoridad ay ang iyong mga make-ups, OOTD’s ngayo’y mapupunta na sa pagbili ng diaper, gatas at vitamins ng iyong anak dahil prayoridad mo ang tungkulin ng isang ina.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga mommy na nahihirapan sa transition ng inyong buhay, mag-self reflection tayo at humingi rin tayo ng tulong sa mga mahal natin sa buhay. Huwag mahiyang magkwento o magtanong. Hindi iyong Know-It-All tayo sa lahat ng aspeto ng buhay. Tanggapin natin kung anung meron tayo at huwag maghangad ng marangya kung makakasira ito sa pamilya natin. Matuto tayong i-appreciate ang ipinagkaloob sa ‘tin ni Lord at higit sa lahat, magpasalamat sa Kaniya.

Ibahagi ang inyong kwento sa theAsianparent Philippines, i-click lamang ito.

Sinulat ni

Arnisah Perez