Typhoon Ulysses muling binuhay ang puso ng bayanihan ng mga Pilipino. Ilang malls sa Metro Manila binuksan ang kanilang pintuan sa mga taong apektado ng bagyo at naghahanap ng lugar na pansamantalang matutuluyan.
Image from The Philippine Star
Puso ng bayanihan sa gitna ng Typhoon Ulysses
Maraming kalamidad at sakuna na ang naranasan ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng mga ito ay paulit-ulit tayong bumabangon at nakakabawi. Ito’y nagiging posible sa pamamagitan ng puso ng bayanihan at pagtutulungan. Isa sa mga sikreto ng mga Pilipino na natatangi rin sa atin.
Sa ngayon nga sa gitna na pananalasa ng Typhoon Ulysses ay muling nabuhay at nanumbalik ang ugaling Pilipino na ito. Dahil maraming tao at establisyemento ang nag-anunsyo at nagpapaabot ng tulong sa mga biktima at apektado ng bagyo. Ilan sa mga ito ay ilang kilalang malls sa Metro Manila at Luzon na binuksan ang kanilang pinto para maging pansamantalang matutuluyan ng mga nasalanta ng Typhoon Ulysses. Ang mga malls na ito ay ang sumusunod:
Mga malls na bukas para sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses
SM Supermalls
Mula noong November 11 ay binuksan na ng SM Supermalls ang kanilang pinto para sa mga taong naghahanap ng pansamantalang matutuluyan sa gitna ng Typhoon Ulysses. Ayon sa kanilang opisyal na pahayag, mananatiling bukas ang mga malls nila sa Metro Manila at Luzon. Maliban nalang ang SM Marilao na magpa-hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha.
Sa loob ng SM Malls sa Luzon ay maaaring ma-enjoy ng mga apektado ng bagyo ang libreng WIFI, charging station at overnight parking. May ibinibigay rin silang libreng pagkain at accessible na help desk para sa lahat. Ito’y bahagi ng Operation Tulong Express program ng SM Foundation na kanilang naisagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa local government unit ng bawat lugar na kinatatayuan ng kanilang establisyemento.
Ayala Malls
Bukas din ang mga branches ng Ayala Malls para maging temporary shelter sa mga Pilipinong apektado ng bagyo. Maliban nalang sa limang branches nito na labis na naapektuhan ng Typhoon Ulysses. Ito’y ang Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Marikina, Ayala Malls Clover Leaf, Harbor Point, at Marquee.
Robinsons Mall
Nag-anunsyo rin ang Robinsons Mall na sila ay nag-o-offer ng temporary shelter sa mga apektado ng bagyo.
Sa loob ng kanilang mall ay maaaring ma-enjoy ng mga nasalanta ng bagyo ang free WiFi, overnight parking at free charging station.
Pero hindi lahat ng Robinsons Malls ay bukas para maging temporary shelter sa mga biktima ng Typhoon Ulysses. Dahil may ilang Robinsons Malls branches ang labis din na naapektuhan ng bagyo at sarado pa rin magpahanggang ngayon. Ang mga ito’y ang sumusunod: Robinsons Place Antipolo, Cainta, Starmills Pampanga, Robinsons Angeles, Robinsons Place Malolos, Robinsons Tagaytay, Luisita, at Metro East.
Megaworld Lifestyle Malls
Ang mga Megaworld Lifestyle Malls sa Metro Manila ay nag-o-offer din ng temporary shelter sa mga biktima ng Typhoon Ulysses. Ang ilan sa kanilang malls ay matatagpuan sa Eastwood City, Uptown Bonifacio, Forbes Town at Venice Grand Canal. Sa loob ng kanilang malls ay maaaring ma-enjoy ang libreng WiFi, overnight parking at charging stations. Pati na libreng paggamit ng kanilang mga lounge at comfort rooms.
BASAHIN:
Jericho Rosales at Kim Jones, tumulog sa rescue gamit ang surf boards
Vista Malls
Bukas din ang mga Vista Malls sa Luzon para maghatid ng parehong tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kanilang mall ay maaari ring mag-access ng WiFi ng libre, mag-charge at mag-park ng sasakyan ng magdamag.
Ortigas Malls
Ganito rin ang inanunsyo ng Ortigas Malls para makatulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.
Mga acts of kindness mula sa mga kilalang personalidad sa gitna ng bagyo
Maliban sa mga nabanggit na establisyemento, may mga kilalang personalities rin ang naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses. Ang ilan sa kanila ay ang sumusunod:
Donnalyn Bartolome
Sa kaniyang Facebook page ay inanunsyo ng vlogger na si Donnalyn Bartolome ang pagdating ng mga rescue boats sa ilang bahagi ng Rizal at Marikina na binaha dahil sa bagyo. Sa pagdedeliver ng mga ito ay tumulong ang vlogger upang maihatid ito sa mga tao.
Jericho Rosales at Kim Jones
Naging trending din ang pagtulong ng mag-asawang sina Jericho Rosales at Kim Jones. Dahil para makapag-abot ng tulong at ma-rescue ang kanilang kapitbahay sa Marikina ay gumamit sila ng surfboards para mapuntahan ang mga ito.
Image from Manila Bulletin
Michelle Gumabao
Tumulong naman sa pamimigay ng pagkain sa pangunguna ng PNP si Ms. Universe Philippines 2nd Runner up Michelle Gumabao para sa mga biktima at frontliners na hinaharap parin ang bagyo.
Macoy Dubs
Ang vlogger na si Macoy ay nagpaabot din ng kaniyang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Mandaluyong.
Chef Tatung
Namigay naman ng mainit na pagkain at sabaw ang restaurateur na si Chef Tatung sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina City.
Photo:
Background photo created by mrsiraphol – www.freepik.com